backup og meta

Planong Magdiet? Narito Muna Ang Mga Dapat Mong Malaman

Planong Magdiet? Narito Muna Ang Mga Dapat Mong Malaman

Maraming nagnanais na bumaba ang kanilang timbang. Ngunit maraming mga bagay ang dapat alamin bago magdiet.

Ang pagsisimula ng isang diyeta upang mapabuti ang kalusugan ay isang karapat-dapat na layunin. Ngunit maaari itong magresulta sa mas malaking problema kapag hindi mo inalam ang mga mahalagang bagay na nakakaapekto sa iyo. Tiyak na may mga hamon sa tuwing magsisimula ka ng diet. Lalo na kapag may kinalaman ito sa isang bagay na ginagawa mo nang ilang beses bawat araw  tulad ng pagkain at pag-inom. Halos may bagong diet sa balita kada linggo. At gaano man karaming pagsasaliksik ang gagawin mo sa isang naka-istilong diyeta, maaari ka ring mabigo kapag hindi ka nakapaghanda.

Dapat alamin bago magdiet ang ilang mahahalagang bagay anuman ang iyong motibasyon sa pag diet. Baka gusto mong magbawas ng timbang para sa mga personal na dahilan. Maaaring kailanganin mong magbawas ng timbang upang mapabuti ang iyong kalusugan. Posible nitong bawasan ang panganib ng ilang partikular na kondisyon, tulad ng sakit sa puso at type 2 diabetes. Maaari nitong mapababa ang blood pressure at kabuuang antas ng kolesterol. Pwede din nitong mapawi ang mga sintomas at maiwasan ang mga pinsalang nauugnay sa pagiging sobra sa timbang.

Anu-ano Ang Mga Dapat Alamin Bago Magdiet? Ang epekto ng diet sa iyong mental health.

Maaaring minamaliit ng ilang tao ang negatibong impluwensya sa kanilang mental health ng sobrang paghihigpit sa pagdidiyeta. Ang maaaring magsimula bilang isang inosenteng pagtatangka na mawalan ng timbang ay maaaring maging isang obsessive na behavior. Ito ang dahilan kung bakit ang pag didiyeta ay nagdaragdag din ng panganib ng eating pathology tulad ng bingeing o purging.”

Natuklasan ng pananaliksik mula sa National Eating Disorders Association na ang pinakamahalagang predictor ng pagkakaroon ng eating disorder ay ang pagdidiyeta. Sa isang pag-aaral, ang mga nagdiyeta nang katamtaman ay limang beses na mas malamang na magkaroon ng karamdaman sa pagkain. Ang mga nagsagawa ng matinding paghihigpit ay labing walong beses na mas malamang na magkaroon ng isang eating disorder kaysa sa mga hindi nagdidiyeta.

Dapat Alamin Bago Magdiet? Ang Iyong BMI At Sukat ng Baywang.

Alamin ang iyong timbang

Mayroong tatlong mahahalagang katotohanan tungkol sa pagbaba ng timbang. Ang una ay ang iyong timbang, pangalawa ay ang iyong body mass index o BMI at pangatlo ang iyong waist circumference.

Kunin ang iyong BMI

Ang iyong BMI ay batay sa iyong timbang at taas. Itinuturing ng mga doktor na ang BMI ang pinakamahusay na sukatan ng iyong panganib sa kalusugan. Sa katunayan, ang mga terminong medikal na “sobra sa timbang” at “katabaan” ay batay sa sukat ng BMI.

Ang BMI na nasa pagitan ng 25 at 30 ay itinuturing na sobra sa timbang. Kapag ang iyong BMI ay higit sa 30 itinuturing itong obesity. Kung mas mataas ang iyong BMI, mas malaki ang iyong panganib na magkaroon ng sakit na nauugnay sa timbang. Kabilang dito ang type 2 diabetes at sakit sa puso. Makakatulong ang iyong doktor na makuha ang iyong BMI, o maaari kang gumamit ng BMI calculator. Ang BMI chart ay pareho para sa mga lalaki at babaeng nasa hustong gulang. 

[embed-health-tool-bmi]

Ano ang iyong waist circumference?

Ang ikatlong katotohanan na dapat malaman para sa pagbaba ng timbang ay ang circumference ng baywang. Ang taba ng katawan ay madalas na nakolekta sa iyong tiyan. Ito ay higit na panganib sa kalusugan kaysa sa taba ng katawan na namumuo sa iyong mga hita o puwitan. Para sa kadahilanang ito, ang circumference ng iyong baywang ay isang mahalagang tool.

Upang magsimula, ilagay ang isang dulo ng tape measure sa ibabaw ng iyong hipbone. Ibalot ang kabilang dulo sa iyong tiyan, siguraduhin na tuwid ito. Ang tape ay hindi dapat masyadong masikip o masyadong maluwag.

Itinuturing ng mga doktor na higit sa 40 pulgada ay hindi malusog para sa mga lalaki. Ang higit sa 35 pulgada ay hindi malusog para sa mga kababaihan. Kilala bilang abdominal obesity ang mataas na circumference ng baywang. Maaari itong maging tanda ng metabolic syndrome. Ito ay isang pangkat ng mga kondisyon na nagpapataas ng iyong panganib ng isang sakit na nauugnay sa timbang. Maaari itong humantong sa type 2 diabetes o sakit sa puso.

Umiiral Na Medical Conditions Na Dapat Alamin Bago Magdiet

Makipag-usap sa iyong doktor bago ka magsimula ng programang pampababa ng timbang, Maaaring suriin ng doktor ang iyong mga medikal na isyu at ang mga gamot na iniinom mo na maaaring makaapekto sa iyong timbang. Magagabayan ka ng isang doktor sa pagsunod sa isang programa na tama para sa iyo. At maaari mong talakayin kung paano mag-ehersisyo nang ligtas.

Mahalaga ang mga ito kung mayroon kang pisikal o medikal na mga hamon o sakit sa pang-araw-araw na gawain. Sabihin sa iyong doktor ang tungkol sa iyong mga nakaraang pagsisikap na magbawas ng timbang. Maging mapanuri tungkol sa mga fad diet na interesado ka. Maaaring maidirekta ka ng iyong doktor sa mga grupo ng suportang pampababa ng timbang o i-refer ka sa isang rehistradong dietitian.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What you should know before you start a weight loss plan

https://familydoctor.org/what-you-should-know-before-you-start-a-weight-loss-plan/

7 Ways to get your diet off to a good start

https://www.webmd.com/diet/obesity/features/7-ways-get-your-diet-off-good-start

What is the military diet and does it work

https://www.medicalnewstoday.com/articles/323952#:~:text=The%20military%20diet%20requires%20people,fat%2C%20carbohydrate%2C%20and%20calories.

10 Ways to cut 500 calories a day

https://www.mountsinai.org/health-library/special-topic/10-ways-to-cut-500-calories-a-day#:~:text=If%20you%20can%20eat%20500,starting%20a%20weight%2Dloss%20diet.

The deal with diets

https://kidshealth.org/en/teens/dieting.html

Weight loss

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/weight-loss/art-20048466

Kasalukuyang Version

11/07/2024

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Puwede Bang Pumayat Nang Walang Ehersisyo? Alamin Dito!

Safe Ba Ang Slimming Pills? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement