Sa panahong ito, ang mga tao ay spoiled sa pagpili ng diet na makatutulong sa kanila upang magpapayat. Ngunit minsan, may mga bagay na maaaring napakabilis at nakalilito, lalo na sa mga unang beses na mag-diet. Kaya’t, isang magandang paraan ng pag-diet ay ang paggamit ng pinggang Pinoy.
Ang pinggang Pinoy. ay mainam para sa mga taong ayaw mag-diet. Mayroong kaunting pagbibilang ng kaloriya (depende sa edad), at ito ay madaling maunawaan.
Wala ring mga espesyal na kinakailangan para sa ganitong diet, kaya hindi kailangang bumili ng anumang espesyal na uri ng pagkain.
Ano ang pinggang Pinoy ?
Ang pinggang Pinoy ay simpleng konsepto ng “balanseng diet.” Ang balanseng pagkain ay sumasaklaw sa lahat ng mahahalagang grupo ng pagkain at nagbibigay ng lahat ng kinakailangang bitamina at mineral ng katawan.
Ang paggamit ng meal plate ay ginagawang mas simple ang mga bagay. Sa halip na subukang magbilang ng mga kaloriya o mahigpit sa iyong kinakain, mas nakatuon ang mga meal plate sa pagkontrol. Ipinapakita nito kung anong uri ng pagkain ang kailangan at kung gaano karami ang kakainin.
Nakatutulong ding maiwasan ang pagkakamali ng mga tao pagdating sa laki ng serving. Ang iba’t ibang uri ng pagkain ay may iba’t ibang laki ng serving. Halimbawa, binibilang ang 1.5 hati ng tinapay bilang isang serving. Sa prutas, ang laki ng serving ay nag-iiba ayon sa uri ng prutas. Ang kalahating hati ng saging, 1 pisngi ng mangga, at 7 piraso ng lansones ay binibilang bilang isang serving bawat isa. Para sa kanin o pasta, kalahating tasa ang isang serving. Ang tuntunin sa laki ng serving ay nakalilito sa mga tao, at nagiging mahirap ang pagplano ng pagkain.
Maaari mong mapansin na ang isang meal plate ay parang katulad ng isang piramide ng pagkain dahil ito ay nagpapakita kung anong uri ng pagkain ang kailangang kainin sa bawat proporsyon. Ngunit sa kaso ng meal plate, mailalarawan ito at maaaring magkaroon ng madaling oras sa pagsukat ng pagkain na kailangan.
Anong Uri ng Pagkain ang Kailangan Mong Kainin?
Kapag gumagamit ng meal plate, ang pagkain na iyong kinakain ay nahahati sa 4 na pangunahing grupo ng pagkain. ito ay binubuo ng sumusunod:
- Prutas
- Gulay
- Carbohydrate tulad ng bigas, grain, o tinapay
- Masustansyang protina
Narito ang pagkakahati ng bawat pangkat ng pagkain
Prutas
Mga prutas ang pinagmumulan ng mga bitamina, mineral, at asukal. Ang pagkain ng prutas ay nagpapanatili ng malakas na katawan at immune system.
Ang asukal dito ay maaaring magbigay ng higit na kailangang enerhiya, mas mahusay kaysa sa kape o iba pang inuming may caffeine. Sa katunayan! ang pagkain ng prutas ay hindi nagbibigay ng “crash“na kadalasang nauugnay sa caffeine o matamis na inumin.
Siguraduhing pagsama-samahin ang mga prutas na iyong kinakain. Ang ilang mga prutas tulad ng lychees, mangga, at mansanas ay medyo mataas ang asukal at dapat kainin ng katamtaman. Sa halip, piliing kumain ng citrus at prutas na maasim dahil ang mga ito ay naglalaman ng kaunting asukal at mas maraming bitamina C.
Gulay
Tulad ng mga prutas, ang gulay ay lantad ang hatid nito. Subukang magkaroon ng mas maraming sariwang gulay tulad ng
- Letsugas
- Broccoli
- Repolyo
- Carrots
- Spinach
- Kamatis
- Bawang
Ang gulay ay nagbibigay sa iyong katawan ng fiber, gayundin ng kinakailangang bitamina at mineral tulad ng iron, zinc, at magnesium na mahalaga upang makontrol ang bodily function ng katawan.
Tandaan, ang patatas ay maituturing na gulay, hindi ito kabilang sa pinggang Pinoy. Kaya huwag isama ang french fries o mashed potatoes!
Carbohydrates
Ito ay mahalagang macronutrient na kailangan ng iyong katawan. Ang mga macronutrients ay nutrisyon na kailangan ng iyong katawan. Pinagmumulan ito ng enerhiya na tumutulong sa katawan sa buong araw. Ang kawalan ng sapat na carbohydrates ay maaaring maging sanhi ng iyong paghina at pagbaba ng enerhiya.
Gayunpaman, kapag maraming carbohydrates ay maaaring maging sanhi ng pagtaba, at makaramdam ng bloated at maaari ring humantong sa diabetes at cardiovascular.
Kabilang sa carbohydrates ang pasta, patatas, tinapay, at iba pang cereal at grains. Dapat unahin ang pagkain ng grains kaysa sa ibang uri nito. Ngunit kung ito ay napakamahal, o mahirap hanapin, ang regular na carbohydrates ay maaari na.
Protina
Ang protina ay isang uri ng macronutrients na kailangan ng katawan. Ito ay tumutulong sa pag-aayos ng tissue ng katawan, at kailangan sa paggawa ng mga enzyme at hormone. Ang mga buto, kalamnan, cartilage, balat, at dugo ay nangangailangan ng protina.
Maaaring ang protina ay magmula sa gulay, at karne mula sa manok, isda, baboy, o baka.
Paano Gamitin ang pinggang Pinoy?
Madali lamang itong gamitin. Kailangang tandaan ang 4 na grupo ng pagkain, gayundin ang dami ng bawat grupo ng pagkain sa pinggan.
50% Prutas at Gulay
Una, 50% ng mga pagkain ay dapat na binubuo ng gulay at prutas. Ang mga ito ay maaaring maging anumang kumbinasyon ng gulay at prutas, hangga’t ito ay bumubuo sa kalahati ng pinggan.
25% Carbohydrates
Sunod, carbohydrates. Ang mga carbs ay dapat lamang binubuo ng humigit-kumulang 25% o 1/4 ng pinggan, dahil mahalaga ang carbs, ang sobrang pagkain ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng asukal sa dugo, at maaaring maging sanhi ng pagtaba.
25% Protina
Huli, 25% ng pinggan ay dapat isang uri ng protina. Dapat ay walang taba ng karne, ngunit ang mga gulay ay maaari ring magbigay sa ng ilang protina.
Pansinin, hindi kasama ang mga taba sa isang pinggang Pinoy, dahil sa pangkalahatan, hindi kailangang kumain ng maraming matatabang pagkain, at ito ay dapat kainin ng kaunti lamang.
Narito ang isang biswal na halimbawa, kung ano ang pinggang Pinoy:
Key Takeaways
Mahalagang tandaan na ang pinggang Pinoy ay nagsisilbing gabay para sa iyong mga pagkain. Kung mayroong partikular na pangangailangan sa pagkain o may kondisyong pangkalusugan na kailangang lamang kainin, mainam na kumonsulta sa iyong doktor, o isang rehistradong nutritionist-dietitian para gumawa ng meal plate na angkop sa iyo.
Matuto pa tungkol pa sa Malusog na Pagkain dito.
Isinalin sa Filipino ni Dr. Nina Christina Zamora
[embed-health-tool-bmi]