Ang pagkain ay isang okasyon na hindi natin maiiwasan, hamon para sa karamihan ang pag-iwas sa carbohydrates (lalo na ang kanin na pangunahing pagkain ng mga bansa sa Asia). Paano nakatutulong ang pagbawas ng carbs upang magpapayat?
Maaaring mahirap ang pag-iwas sa carbohydrates. Kaya paano natin masisira ang cycle na ito at maging malusog ang katawan na siyang pinagsisikapan ng lahat? Nakababawas nga ba ng taba sa katawan ang pagkain ng kaunting carbs?
Nakatutulong ba ang Pag-iwas sa Carbohydrates upang Magpapayat ?
Pagsira sa Habit
Karamihan sa mga bansang Asyano, ang ating calorie intake ay nagmumula sa kanin.
Bagaman walang masama sa kanin bilang kasama sa hapag kainan, puno pa rin ito ng carbohydrates.
Kaya nakatutulong ba ang pagkain ng kaunting carbs para mawala ang taba sa katawan? Oo, ngunit hindi mo kailangang ganap na alisin ito mula sa iyong diet para sa pagbaba ng timbang.
Kung sisirain natin ang cycle ng ating pananabik para sa carbohydrates – lalo na ang kanin – kakailanganin na palitan ito ng iba pang mas masustansiyang pagkain na pinagmumulan ng calories.
Ang pag-iwas sa isang partikular na grupo ng pagkain ay maaaring magresulta sa kakulangan ng ilang sustansya sa iyong katawan. Kaya ang pagkakaroon ng angkop na alternatibo sa iyong diet ay maaaring makatulong.
[embed-health-tool-bmi]
Paano ang Pag-iwas sa Carbohydrates para Magpapayat at Pangkalahatang Kalusugan
Bawasan ang Starchy Food
Sa pamamagitan ng pagsusunog ng higit pang mga kaloriya kaysa sa ating kinakain, tayo ay makakapagbawas ng timbang
Ang ilan sa maaring kapalit ay manggagaling sa pagkain na may mataas na protina, mga prutas at gulay
Isang simpleng pagkain ng inihaw na manok na may ilang mga steamed vegetables sa gilid ay isang mainam na tanghalian, habang ang pagkakaroon ng ilang isda, prutas, at ilang madahong gulay ay maaaring gawin para sa isang malusog na hapunan.
Ang katawan ng bawat tao ay iba-iba Ang iyong metabolismo ay iba sa taong katabi mo.
Bawasan ang Asukal sa Iyong Diet
Ang pagbawas sa mga matamis na pagkain ay isa sa mga pinakamainam na paraan ng pagbabawas ng timbang. Maaaring mas madaling sabihin ito kaysa gawin lalo na kapag mayroong mga katrabaho o kaibigan na nag-aalok ng tsokolate at kendi sa oras ng pahinga.
Ang mga simpleng pagbabago, tulad ng pagbabawas ng asukal sa iyong milk tea, ay maaari nang maging panimula ng malaking pagbabago.
Magdagdag ng Ilang Healthy Fats Sa Mix
Taliwas sa sinasabi ng karamihan, ang ilang mga pagkaing high fats ay hindi nagti-trigger ng paglabas ng insulin, na nagiging dahilan ng pagiging stable ng asukal sa dugo.
Gayunpaman, ang kaunting fats ay mahalaga sa ating dietary needs upang hindi na magsagawa ng pagbubukod. Ang mga halimbawa ng healthy fats ay avocado, olive oil, o fatty fish, tulad ng salmon.