Milyon na mga tao sa buong mundo ang gustong-gusto ang lasa ng kape. Ang amoy ng brewing coffee beans o hinahanda na kape ay nakaka-inspire ng lahat ng uri ng nakapananabik na emosyon sa mga tao. May mga mamahaling kape para sa mga kayang bumili. Mayroon ding mga 3-in-1 na kape na kailangan lang ng tubig para sa mga pangkaraniwang tao. May decaffeinated blends din na mabibili para sa mga conscious sa katawan. Kahit na mabango at masarap ang kape, hindi lahat ng mga tao ay bumibilib sa mga benepisyo nito sa kalusugan. Nakakapayat ba ang kape?
Nakakapayat ba ang kape? Kape at pagbawas ng timbang
Laging iniuugnay ang kape sa caffeine. Ang kape, mayroon o wala mang caffeine, ay iniuugnay sa maraming benepisyo sa kalusugan. Ang ilan sa mga ito ay ang paghaba ng buhay at pagbawas ng banta ng multiple cancers at malalang karamdaman.
Dahil ang decaffeinated na kape ay ipinakilala noong 1906, hinahayaan na ma-enjoy ito ng mga tao nang walang kaugnay na banta.
Hindi ka matutulungan ng caffeine na pumayat.
Gayunpaman, maaaring ma-boost nang kaunti ang effort mo na magpapayat o matulungan makadagdag ng timbang.
Ang pag-aaral tungkol sa koneksyon sa pagitan ng caffeine at pagbawas ng timbang ay hindi tiyak. May mga teorya na kaugnay ng kung paano nakaaapekto ang caffeine sa timbang. Sa maikling panahon, ang caffeine ay maaaring makabawas ng pakiramdam ng pagkagutom at kagustuhan na kumain. Ang caffeine ay nakapagpapataas din ng ginagamit na enerhiya at nakapagpapa-burn ng calories kahit na nagpapahinga.
May isang pag-aaral noong 2005 na nais na tayain ang epekto ng pagbabago ng timbang sa ugnayan sa pagitan ng pagkonsumo ng kape at tsaa at sa banta ng diabetes. May kabuuan na 7006 na kalahok na pinag-aralan na may edad na 32 hanggang 88 na walang iniulat na history ng diabetes. Isa sa mga konklusyon ay ang matatag na interaksyon sa estadistika sa pagitan ng timbang bago nagbago at ang pagkonsumo ng inumin sa mga nasa 60 na taong edad pababa lamang.
Decaffeinated na kape
Gaya ng napatunayan ng panahon, ang decaf ay nakapagtatanggal ng nasa 97% ng caffeine sa kape. Mula riyan, ang decaffeinated na kape ay walang benepisyo ng pagpapapayat nang walang caffeine gaya ng nabanggit kanina.
Ang energy boost na kaugnay ng caffeine ay wala rito, ngunit maaari kang makisangkot sa mga social gathering na may mga regular coffee drinkers. Ang U.S. Food at Drug Administration ay istrikto sa paniniguro na lahat ng uri ng decaf na kape ay ligtas. Bagaman walang patunay na ito ay mabuti sa pagpapapayat.
Binanggit ng pag-aaral na isa lamang sa mga pag-aaral ang natagpuan na ang pagkonsumo ng caffeinated na kape, decaffeinated, at caffeine ay may kaugnay sa pagpapapayat. Sa halip, maaaring posible na ang pangmatagalang konsumo ng kape ay maaaring magresulta nang kaunti sa pagbawas ng timbang.
Green coffee extract
Isinagawa ng pag-aaral noong 2010 ang pagiging epektibo ng green coffee extract bilang supplement sa pagpapapayat. Bagaman tinutukoy ng pag-aaral na ang extract ay nagsusulong ng pagbawas ng timbang, ito ay inklusibo. Ang epekto ay maliit, at ang epekto sa kahalagan sa klinika ay hindi tiyak. Ito ang nag-udyok sa pag-aaral na magsagawa pa ng maraming trials sa subject.
Sobrang caffeine?
Kung gagamitin na may moderasyon ng mga matatanda, ang caffeine ay ligtas sa pangkalahatan. Ito ay 400 mg o kaunti rito. Ang sobrang caffeine ay maaaring maging sanhi ng pagkanerbiyoso, pagkahilo, at iba pang mga problema. Ang ilang inumin na caffeinated tulad ng specialty coffees o teas ay mataas sa calories at fat.
Maaaring hindi maganda sa iyong pagpapapayat ang pagdagdag ng gatas at asukal sa iyong inumin. Sa halip na pagpapapayat, maaari kang tumaba kung uminom ng maraming mas mataas na calorie na inumin.
Mahalagang Tandaan
Ang kaligayahan sa pag-inom ng kape ay nararanasan ng maraming mga tao. Bagaman ang kape ay may kaugnay na teorya sa pagpapapayat, walang tiyak na basehan na narekord tungkol dito. Kaya’t ang pag-inom ng regular at decaffeinated na kape ay hindi pa tiyak upang makatulong sa pagpapapayat.
Kahit na ang pagkonsumo ng specialty coffee tulad ng green tea extract ay walang tiyak na resulta sa pagbawas ng timbang. Ang tanong kung nakakapayat ba ang kape ay nananatiling palaisipan. Ang sagot rito sa ngayon ay, hindi pa.
Para sa mas maraming impormasyon sa diet at pagpapapayat, i-click ito.
[embed-health-tool-bmi]