Ang sikat na online trend para sa maraming nais maging malusog ay ang pagkonsumo at paggamit ng apple cider vinegar na kilala rin sa tawag na ACV. Ang ACV ay ginagamit na ng isang siglo bilang gamot at sa pagluluto. Ibinibida ng mga tao ang benepisyo ng apple cider vinegar sa katawan, ngunit alam mo ba ang eksaktong dulot nito sa iyo? Narito ang mga kailangan mong malaman.
Ang Benepisyo ng Apple Cider Vinegar sa Katawan
Nakakabawas ito ng Inflammation
Isa sa mga benepisyong makukuha sa ACV ay pagkakaroon ng punong masusustansyang sangkap. Mayroon itong acetic acid na nagbibigay ng matapang at amoy. Ang acetic acid ay nagpapabawas ng pamamaga at mayroong alkaline effect upang matulungan paganahin nang maayos ang iyong pangangatawan.
Mabisang Antioxidant
Ang ACV ay may antioxidant na mabisa upang maiwasan ang oxidative na pinsala. Mababawasan din ang pagkakaroon ng cancer at sakit sa puso gamit antioxidants.
Nakababawas ng Lebel ng Blood Sugar
Inilalayo rin ng apple cider vinegar ang mga indibidwal sa banta ng sakit ng diabetes. Kung ang isang tao ay nahihirapan na i-regulate ang kanilang lebel ng blood sugar, ang ACV ay makababawas ng lebel nito habang nasa fasting.
Sinasabi ng ibang tao na ang ACV ay nakapagpapagaling ng diabetes. Gayunpaman, mahalagang malaman na ang ACV ay hindi gamot sa diabetes at hindi mapapalitan ang gamutan at anumang diet upang maiayos at maiwasan ang diabetes.
Mas Mababang Presyon ng Dugo
Isa rin sa pinakakilalang benepisyo ng apple cider vinegar ay ang pagbawas ng lebel ng cholesterol at pagpapababa ng presyon ng dugo. Nakatutulong ang ACV upang ma-relax ang mga blood vessel upang hindi tumaas ang presyon ng dugo.
Pinabubuti ang Digestion
Maraming mga tao ang gumagamit ng ACV upang matulungan sila sa kanilang problema sa digestion. Nakatutulong ito sa pag break down ng protein-dense meals, mabawasan ang bloating, at mas mapabuti ang digestion. Nahihirapan ang iyong digestive system na mag break down ng mga pagkain kung walang sapat na acid kaya’t ang pagdagdag ng ACV sa iyong diet ay mas mapabibilis ang proseso.
Epektibong Antimicrobial na Lunas
Noong araw, ginagamit ang apple cider vinegar upang ipanggamot sa mga sugat dahil ito ay mayroong antimicrobial properties. Dahil sa pinipigilan nito ang bacteria, ginagamit din ito sa pagprepreserba ng pagkain at pagpapanatili ng pagkain mula sa pagkasira.
Pagbawas ng Timbang
Maraming pag-aaral ang nagsasabing ang ACV ay makatutulong sa pagbawas ng timbang. Sinasabing nakapagpipigil ito sa pagiging magana sa pagkain. Kaya’t maraming tao ang natutuwang idagdag ang apple cider vinegar sa kanilang diet bilang inuming nakapagbabawas ng timbang.
Benepisyo ng Apple Cider Vinegar: Kagandahan
Maraming mga benepisyo ang apple cider vinegar, ngunit alam mo ba na maaari rin itong pampaganda? Maraming mga tao ang nais ng mga produktong pang-alaga sa balat na may ACV. Maaari kang gumamit ng apple cider vinegar lang ngunit gamitin ito nang maayos dahil ang hindi natunaw na apple cider vinegar ay maaaring sobrang tapang.
Mas Magandang Balat
Una sa lahat, maaari itong gamitin upang malunasan ang tigyawat, kaya’t maraming mga tao ang natutuwa na gumamit ng toner na mayroong ACV. Karagdagan, kung gagamitin nang tama ay maaari rin nitong malunasan ang sunburn. Mayroon din itong anti-aging properties na makatutulong na manatili ang pagiging mukhang bata.
Gusto rin ng mga tao na idagdag ang apple cider vinegar sa kanilang pagligo upang lumambot ang balat. Ang ACV (na natunaw bago ipanligo) ay nakatutulong na pagyamanin ang balat dahil ito ay mayroong bitamina gaya ng bitamina C.
Mas Matibay na Buhok
Nais pang malaman ang ibang benepisyo ng apple cider vinegar? Kung nais mo ng natural na pag-aalaga sa iyong buhok, ang ACV ay iyong magiging kabalikat. Maaari itong makatulong sa pagpapatubo at sinusugpo nito ang pagkalagas ng buhok. Dagdag pa rito, pinanatili nito ang moisture, pagbawas ng matitigas na buhok, at nakapagtatanggal ng balakubak.
Napabubuti ang Oral Care
Ang benepisyong pangkagandahan ay hindi nahihinto roon, maaari mo ring idagdag ang ACV sa iyong dental hygiene routine. Ito ay mabisang paraan upang sugpuin ang mabahong hininga. Karagdagan, ito ay nakapagpapaputi at nakatatanggal ng dumi sa ngipin dahil ito ay acidic. Gayunpaman, kailangan mo itong tunawin mabuti at matipid na gamitin upang maiwasan ang pagkasira ng iyong enamel.
Ano ang Nararapat na Dosage ng Apple Cider Vinegar?
Isa sa pinakilalang benepisyo ng apple cider vinegar ay ang pagiging matapang nito, mahalagang tandaan na hindi dapat inumin ang ACV nang tuloy-tuloy. Marami itong acid na maaaring makasira ng iyong esophagus at tiyan. Kaya’t ang pagtunaw nito sa tubig ay inirerekomenda maging ito man ay iyong iinumin or gagamitin pampaganda.
Para sa dosage, alalahanin na sakto lamang ang paggamit. Mas madaling gumamit o komonsumo ng higit sa inirerekomendang dami ng apple cider vinegar kada araw. Kadalasan, ang normal na dosage ay 1-2 na kutsara o 15-30 milliliters.
Ngunit, paano uminom ng ACV? Bilang inumin, pwede mong tunawin ito sa tubig o juice. Maaari mong isama sa ibang mga sangkap para sa paggawa ng dressing o salad.
Maaaring ang iilan ay nakuha na ang lasa ng ACV. Ngunit, tandaan na ito ay nakapagbibigay ng maraming mga benepisyong pangkalusugan.
Ano ang mga Side Effects sa Paggamit ng ACV?
Ang apple cider vinegar ay matapang at mataas ang acid kaya’t maging maingat sa dami ng ikokonsumo. Habang maraming mga benepisyo ang apple cider vinegar, marami ring kinakailangang ikonsidera. Halimbawa, ang maraming pagkonsumo ng ACV ay maaaring pabagalin ang digestive tract at palalain ang sintomas ng gastroparesis. Ang mga sintomas ng gastroparesis ay bloating, at heart burn sa mga iilan.
Karagdagan, kung hindi magiging maingat, ang apple cider vinegar ay maaaring makasunog ng balat kung hindi natunaw. Maraming mga taong nakaranas ng mahapding pagkasunog dulot ng direktang paglalagay ng ACV sa balat.
Key Takeaway
Sa kabuuan, maraming mga benepisyo ang apple cider vinegar. Mula sa pagpapaganda ng balat, pagtulong sa digestion, hanggang sa pagbawas ng timbang. Ang ACV ay kinakailangan sa bawat tahanan. Responsableng gamitin at kumunsulta sa iyong doktor kung may mga katanungan.
Magbasa tungkol sa Herbals at Alternatives dito.
Isinalin sa Filipino ni Jerra Mae Dacara
[embed-health-tool-bmi]