Ang salitang “L-carnitine” ay maaaring magpagulo sa isipan ng mga tao kung hindi maayos na gagamitin. Kung ikaw ay sporty, malamang na naririnig mo na ito. Ang L-carnitine ay kilalang supplement para sa mga atleta, kaya’t maririnig mo ito sa ads habang nanonood ng basketball o ibang mga sports. Mula rito, maraming mga tanong tungkol sa L-carnitine. Ano ang L carnitine? Nakatutulong ba ito sa pagpapapayat? Anong mga benepisyo ang maibibigay nito kahit sa mga hindi atleta?
Ano ang L carnitine?
Ang L-carnitine ay compound at amino acid derivative na nangyayari nang natural sa katawan. Ito ay co-factor ng maraming enzymes. Ito ay kinakailangan para sa transformation ng free long chain fatty acids papuntang acylcarnitines. Ang carnitine, ay nakatutulong na magkaroon ng enerhiya ang iyong katawan. Kadalasan nito ay mula sa puso, skeletal muscle, atay, at bato.
Ang L-carnitine ay natural na napo-produce ng katawan. Kaya’t ang mga taong may problema lamang sa genetics at sakit (tulad ng pre-term babies) ay maaaring magkaroon ng mababang lebel nito. Para sa mga indibidwal na ito, ang mga supplement na ito ay makatutulong.
Nakakitaan din ang L-carnitine na nakatutulong na makaiwas sa cyclic vomiting syndrome dahil nakatutulong ito sa katawan na malagpasan ang hirap na ma-convert na enerhiya ang katawan.
Habang kilala ng mga atleta, walang konklusibong pag-aaral ang nakita na ito ay nakatutulong na mapabuti ang kakayahan sa sports, muscle adaptations, o endurance. Ang kawalan ng matibay na ebidensya ay hindi napigilan ang trend na ito upang mabili bilang supplement para sa mga atleta na nais mapabuti ang kanilang pisikal na katatagan at kakayahan.
Saan makikita ang L-carnitine?
Ang ilang mga pagkain ay naglalaman ng L-carnitine dahil ito ay nakatutulong sa fat sa iyong katawan na maging enerhiya. Ito rin ang dahilan bakit ito ay nakikita sa maraming mga supplements.
Makikita ang carnitine sa maraming produkto ng hayop, sa red meat na mayroong mataas na lebel. Ang 4-ounce beef steak ay mayroong nasa 56 mg hanggang 162 mg ng carnitine. Nakikita rin ang kakaunting carnitine sa manok, gatas at dairy products, isda, beans, at avocado.
Ang nilalaman na carnitine sa mga dairy products ay nasa pagitan ng mga animal tissues at plant-derived na pagkain na may concentration mula sa 8 hanggang 530 mg.
Binigyang-diin ng isang pag-aaral na 57-84% ng L-carnitine ay naa-absorb kung ikukunsumo mula sa mga pagkain, kumpara sa nasa 14-18% kung ikukunsumo bilang supplement.
Ano ang L carnitine: Pampapayat?
Dahil napatunayan na ang L-carnitine ay epektibo sa pagsasagawa ng pagkain at body fat papuntang enerhiya, natural na isipin na ito ay nakatutulong na mag-burn ng fat. Ito ay magreresulta sa pagbawas ng timbang, isang bagay na marami sa mga tao ang hinahanap.
Kinumpirma ng series ng randomized control trials noong 2016 na ang mga matatanda na nakatatanggap ng carnitine ay nababawasan ang timbang. Habang ang ibang clinical trials noong 2020 ay nagsabi na ang supplementation ay nagresulta sa pagbawas ng timbang, body mass index, at fat mass, lalo na sa mga obese.
Gayunpaman, ang pangkalahatang resulta ng pag-aaral tungkol sa L-carnitine at pagbawas ng timbang ay naghalo. Habang ito ay nakatutulong sa pagbawas ng timbang sa mga matatanda na nakararanas ng obesity, ang diet at ehersisyo ay kinakailangan na sundin.
Dahil sa pagiging epektibo nito sa pagbawas ng timbang at pagiging kilala bilang supplement sa mga atleta, ang L-carnitine ay nakatutulong sa mga tiyak na pasyente na naka-survive ng atake sa puso, may less heart rhythm disturbances, at kaunting sakit sa dibdib.
Maraming mga pag-aaral ang kinakailangan tungkol sa paggamit ng supplement para sa mga taong nakararanas mula sa peripheral artery disease.
Mahalagang Tandaan
So ano ang L carnitine? Natural na napo-produce ng katawan ang L-carnitine at nakikita rin sa maraming uri ng pagkain, partikular na sa red meat. Ito ay nakatutulong sa fat sa katawan na maging enerhiya. Ito ay nagreresulta sa mga supplements na ginagamit ng mga atleta nang regular.
Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga matatanda na nakatatanggap ng L-carnitine ay epektibong nakapagbabawas ng timbang at fat mass. Ang pagkonsumo ng L-carnitine ay nakatutulong sa mga matatanda na lumalaban sa obesity dahil ang compound ay nakatutulong sa transfer ng enerhiya ng katawan.
Matuto pa tungkol sa diet at pagbawas ng timbang dito.
[embed-health-tool-bmr]