backup og meta

Ano ang Fad Diet, at Bakit Dapat Itong Iwasan?

Ano ang Fad Diet, at Bakit Dapat Itong Iwasan?

Ngayong panahon na ito, maraming mga tao ang nais maging fit at malusog. Bagaman ito ay mabuti sa pangkalahatan, ang trend na ito ay responsable para sa bagong “fad diets.” Ngunit ano ang mga fad diets? Paano mo malalaman ito? Ano ang epekto nito sa pangkabuoang kalusugan?

Ano ang fad diet?

Ang fad diets ay tipikal na nagsusulong ng “pinaka mainam” o “mabilis” na paraan upang makabawas ng timbang. Batay sa mga nagsulong, ito ay diet na makakamit ang resulta sa mabilis na panahon, at karaniwan na may kakaunting effort lamang. Dahil dito, maraming mga tao ang nagnanais na subukan ang mga uri ng diets, kahit na ito ay wala pang patunay, at ang epekto ay hindi pa napag-aaralan.

Ano ang mga kilalang fad diets? Ang rason bakit sila tinawag na fad diets ay dahil ang mga diet na ito ay “trendy.” At karaniwan na walang hard science o medikal na rekomendasyon upang suportahan ito.

Ano ang fad diet at ang problemang kalakip nito?

Ang pinakamalaking alalahanin tungkol sa fad diets ay hindi lahat ng mga ito ay may patunay ng siyensiya upang maging ligtas sa kalusugan sa pangmatagalan. Posible na ang pagsasagawa ng bagong diet ay maaaring mag-resulta sa pagbawas ng timbang. Ngunit paglipas ng panahon, maaari kang makaranas ng sintomas tulad ng sakit o pagkapagod.

Ang ilang diets ay maaaring magdulot ng kakulangan sa ilang mahalagang bitamina at mineral na kailangan ng iyong katawan. Maaaring minsan ay makaramdam ka ng labis na pagkapagod, o kakulangan sa enerhiya, lalo na kung kinakailangan sa diet na umiwas sa mga tiyak na pagkain. Kung ginawa mo ito sa mahabang panahon, maaaring maging sanhi ito ng seryosong problema sa kalusugan.

Ang mga diet na ito ay maaaring hindi rin ma-sustain, at makikita mo ang sarili mong mabilis ding babalik ang timbang na nawala. Ikagagalit ito ng mga tao o madidismaya sila at mawawalan ng motibasyon para manatiling fit.

ano ang fad diet

Isa pang problema sa mga diet na ito ay minsan, nagbibigay sila ng maling impormasyon sa publiko tungkol sa tiyak na uri ng pagkain. Maaaring sabihin nila na ang pagkain ng carbohydrates ay masama, o ilang uri ng pagkain ay makapagbabago ng chemistry ng katawan, na nagiging sanhi ng pagbawas ng timbang. Problematiko ang mga ito dahil ang mga tao ay magsisimulang maniwala sa mga maling persepsyon tungkol sa pagkain, at magiging sanhi ito na magkaroon sila ng maling desisyon tungkol sa kanilang kalusugan.

Ngunit, paano eksaktong malalaman kung ang diet ay fad diet o hindi?

Ano ang fad diet? Ang pitong senyales

Ano ang fad diets? At paano mo matutukoy ang mga ito? Narito ang 7 mga senyales ng fad diets na kailangan malaman ng lahat:

Masyadong “too good to be true”

May kasabihan na “Kung ito ay masyadong hindi kapani-paniwala, posibleng hindi nga.” Ganoon din sa diet.

Kung ang diet ay nangangako ng maraming tagumpay sa kakaunting effort, malamang na hindi magandang ideya na magsagawa ng diet na ito. Mahirap ang pagbawas ng timbang, ngunit mainam na gawin ito sa tamang paraan dahil makababawas ng timbang at mapananatili ang mabuting kalusugan.

Walang pag-aaral upang suportahan ito

Isa pang red flag para sa fad diets ay kakaunti o walang mga pag-aaral upang suportahan ito. Sa sitwasyon kung saan ang mga gumawa ng proyekto ay inilalagay ang pag-aaral, ang mga iyon ay hindi mapagkakatiwalaan, o wala sa konteksto upang suportahan ang claim.

Magsisimula kang makaranas ng hindi mabuting na side effects

Hindi dapat magdulot ng hindi healthy na side effects ang pagbawas ng timbang tulad ng fatigue, sakit sa katawan, at pain o maging ang lagnat. Kung nakaranas ng mga sintomas na ito habang nasa diet, maaaring hindi mabuti sa iyong kalusugan ang fad diet.

Kinakailangan sa diet na gutumin ang sarili

Ang ilan sa mga diet ay nangangailangan ng mabilis na pagbaba ng pagkonsumo ng calorie upang magbawas ng timbang. Bagaman totoo na ang pagkain ng kakaunti ay makababawas ng timbang, ibang usapin na ang gugutumin ang sarili.

Ang bumuo ng diet ay bebentahan ka ng produkto

Isa pang red flag ay kung ang diet ay nangangailangan na bumili ka ng tiyak na supplement o uminom ng partikular na gamot. Kadalasan ito ay senyales na ang diet ay hindi totoo, at paraan lang ito ng mga tao upang magbenta ng produkto.

Nirerekomenda nila na kumain lang ng tiyak na kombinasyon ng pagkain

Ang ilang diet ay kakailanganin na pagsamahin ang mga tiyak na pagkain, dahil may nakapagsabi na ang mga kombinasyon na ito ay makapagpapabawas ng timbang. Sa usapang siyensya, walang patunay na ang kombinasyon ng pagkain ay mas nagiging epektibo na makatulong sa pagbawas ng timbang.

Kinakailangan sa diet na tanggalin ang mga mahahalagang pangkat ng pagkain

Panghuli, ilang mga diet ang nangangailangan na tanggalin ang mga mahahalagang pangkat ng pagkain tulad ng fat o carbohydrates. Bagaman ang sobrang fat at carbohydrates ay hindi mabuti sa katawan, ang pagkain ng kakaunti mula sa pangkat ng pagkain na ito ay masama rin.

Ang diet na nangangailangan na tanggalin ang buong tiyak na pangkat ng pagkain ay hindi mabuti sa pangmatagalang at kailangan na iwasan.

Mahalagang Tandaan

Ano ang fad diet? Sa huli, kung pag-uusapan ang diet ang pinakamainam na gawin ay kausapin ang iyong doktor. Makapagbibigay sila ng pinakamagandang payo kung anong pagkain ang dapat kainin, at kung paano mababawasan ang timbang sa ligtas at tamang paraan.

Matuto pa tungkol sa Diet at Pagbawas ng Timbang dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Fad Diets: Diet, Types, Tips, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/9476-fad-diets, Accessed May 24, 2021
  2. How to Quickly Spot a Fad Diet (Rutgers NJAES), https://njaes.rutgers.edu/sshw/message/message.php?p=Health&m=233, Accessed May 24, 2021
  3. Why you should avoid fad diets | Reid Health | Reid Health, https://www.reidhealth.org/blog/fad-diets-the-new-years-resolutions-worst-enemy, Accessed May 24, 2021
  4. Weight loss and fad diets – Better Health Channel, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/weight-loss-and-fad-diets, Accessed May 24, 2021
  5. 5 Ways to Spot a Fad Diet, https://www.rchsd.org/health-articles/5-ways-to-spot-a-fad-diet/, Accessed May 24, 2021

Kasalukuyang Version

04/27/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Ozempic: Ito Na Nga Ba Ang Solusyon Sa Pagpapapayat?

Paano Iwasan Ang Yoyo Dieting? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement