brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Mani, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Ang mani ay isa sa paboritong pagkain ng maraming Pilipino na maaari mong mabili sa palengke at supermarket. Gayunpaman, bagamat maraming tao ang mahilig kumain ng mani, ang ilan sa atin ay hindi pa rin alam ang iba’t ibang benepisyo ng pagkain ng mani sa kanilang kalusugan. Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga benepisyo ng pagkain ng mani sa pagpapabuti ng ating overall health.

7 Benepisyo Ng Pagkain Ng Mani, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Mga Benepisyo Ng Pagkain Ng Mani

1. Pampalakas Ng Enerhiya

Ang mani ay isang mayamang mapagkukunan ng protina at fiber na tumutulong sa conversion ng carbohydrates sa enerhiya. Dagdag pa rito, ang protein content ng mani ay nasa humigit-kumulang 25% ng kabuuang calorie nito, at ang fiber at protein combination nito sa mga mani ay tumutulong sa pagpapabagal ng digestive process para ma-facilitate ang tuluy-tuloy na pagpapalabas ng enerhiya sa katawan. Gayunpaman, higit pang mga pag-aaral ang kinakailangan para maunawaan ang benepisyong ito ng mani.

2. Proteksyon Laban Sa Alzheimer’s Disease

Ang mga pagkaing mayaman sa niacin gaya ng mga mani ay pwedeng maging proteksyon ng isang tao laban sa Alzheimer’s disease. Sa madaling sabi, ang mani ay maaaring magamit na panlaban sa mga sakit na may kaugnayan sa “age-related cognitive decline.” Ang mani ay isang mahusay na mapagkukunan ng niacin at vitamin E, na parehong napatunayang proteksyon laban sa Alzheimer’s disease.

3. Napapabuti Ang Kalusugan Ng Puso

Isa sa mga benepisyo ng pagkain ng mani ay nakakatulong ito para maprotektahan ang isang tao laban sa coronary heart disease. Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Harvard School Of Public Health, nakita na ang mani ay pwedeng magpababa ng bad cholesterol level. 

Ang bad cholesterol ay maaaring humantong sa pagdebelop ng plake sa mga daluyan ng dugo, kung saan maaaring pigilan ito ng mga mani. Dagdag pa rito, ang resveratrol sa mga mani ay may antioxidant properties na maaaring makatulong sa paglaban sa sakit sa puso.

4. Nakakatulong Sa Pagbabawas Ng Timbang

Kahit ang mga mani ay nagtataglay ng mataas na calories, hindi pa rin maitatanggi na nag-aambag pa rin sila ng benepisyo sa pagbaba ng timbang ng isang tao. Dahil ang mani ay mga pagkaing siksik sa enerhiya, na sanhi kung bakit ang pagkain ng mani bilang meryenda ay maaaring magdulot sa’yo ng mas kaunting pagkonsumo ng calories sa susunod na mga araw. 

Nakakatulong din ang mani para mas magkaroon ng pakiramdam ng pagkabusog na pwedeng makatulong sa pagbaba ng timbang.

5. Nababawasan Ang Panganib Sa Pagkakaroon Ng Kanser

Isa pa sa mga benepisyo ng pagkain ng mani ay napapababa nito ang panganib sa pagkakaroon ng isang tao ng colorectal cancer. Ang isoflavones, resveratrol, at phenolic acid na matatagpuan sa mani ay may mga katangian ng anticancer na pwedeng makatulong na mabawasan ang panganib ng kanser

6. Napapahupa Ang Mga Sintomas Ng Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS)

Ayon sa mga anecdotal na ebidensya ang mga mani ay pwedeng makatulong sa paggamot ng PCOS, dahil naglalaman ang mga mani ng monounsaturated fats. Sinasabi ng ilang mga pag-aaral na ang diyeta na may mataas na monounsaturated fats ay maaaring makatulong na mapabuti ang metabolic profile ng mga babaeng may PCOS.

7. Napapabuti Ang Kalusugan Ng Balat

Batay rin sa mga anecdotal na ebidensya, ang pagkonsumo ng mani ay maaaring maprotektahan ang iyong balat mula sa sunburn at iba’t ibang pinsala sa balat. Ang vitamin E, magnesium, at zinc na matatagpuan sa mga mani ay pwedeng labanan ang bakterya at gawing malusog ang iyong balat. Dagdag pa rito, ang beta-carotene na isang antioxidant na makukuha sa mani ay maaaring makatulong na mapabuti ang kalusugan ng iyong balat. Gayunpaman, ang benepisyo ng mani na ito ay limitado pa ang pananaliksik kaugnay sa aspetong ito.

Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

medical
Hello Doctor Medical Panel
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Lornalyn Austria · Na-update noong 2 araw na ang nakalipas