Makabubuting alamin ang mga bawal na pagkain sa may cyst upang maiwasan ang paglaki nito. Ang cyst ay maaaring mabuo sa organs, buto, tissues at ibang bahagi ng katawan. Bagama’t benign o hindi cancerous ang karamihan sa mga cyst, hindi dapat maging kampante dahil kung minsan ay maaaring magdulot rin ng cyst.
Ang mga cyst na lumilitaw na may pare-parehong anyo pagkatapos ng ultrasound o isang computerized tomography (CT) scan ay halos palaging benign at dapat lamang na obserbahan. Ngunit kapag ang cyst ay may solid components, maaari itong benign o malignant at dapat magkaroon ng karagdagang pagsusuri. Kadalasan ito ay ginagawa sa paulit-ulit na imaging upang makita kung ang cyst ay lumalaki sa paglipas ng panahon.
Ang pinakamahusay na pagsusuri upang matukoy kung ang isang cyst ay benign o malignant ay isang biopsy. Kasama sa pamamaraang ito ang pag-alis ng sample ng apektadong tissue upang pag-aralan ito sa ilalim ng microscope.
Alamin Ang Mga Bawal Na Pagkain Sa May Cyst
Pritong Pagkain
Iwasan ang pagkonsumo ng pritong pagkain tulad ng fried chicken at french fries kung mayroon kang ovarian cyst. Ang palaging pagkonsumo ng pritong pagkain ay maaaring magresulta sa mabilis na pagtaas ng iyong timbang. Isa pa, ang mga refined vegetable oils na ginagamit sa pagpiprito ay synthetic at may mga substances na maaaring makaapekto sa iyong hormones.
Nakakapinsala ang saturated fat kapag labis ang paggamit nito. Ito ay may potensyal na magpataas ng antas ng cholesterol sa katawan. Kabilang sa mga pagkaing mayaman sa saturated fats ay ang mga:
- Dairy products
- Karne
- Packaged meals
- Confectionaries
- Junk food
Ang mga pagkain na naglalaman ng mga simple carbohydrates ay bawal na pagkain para sa may cyst. Mabilis itong natutunaw at naa-absorb ng katawan. Pwede itong maging sanhi ng mabilis na pagtaas ng mga antas ng blood sugar na nagreresulta sa mataas na produksyon ng insulin. Iwasan ang mga pagkaing may simple carbohydrates gaya ng:
- Wheat
- White bread
- Refined flour
- Short grain rice
Ang mga pagkaing starchy, tulad ng patatas, mais, pasta, at tinapay, ay mga bawal na pagkain sa may cyst. Dapat mong iwasan o limitahan ang iyong pagkonsumo ng mga pagkaing ito dahil nagpo-produce sila ng mga insulin surges sa maikling panahon, mabilis na pagtaas ng timbang, at ang paglikha ng mga ovarian cyst.
Refined Sugar
Ang puti o refined sugar ay isang karaniwang sangkap sa maraming mga pagkain. Ito ay itinuturing na isa sa mga pinakamasamang pagkain para sa iyong kalusugan lalo na kung ikaw ay may cyst. Ang refined sugar ay nagdudulot ng imbalance sa hormones na nagreresulta sa pagbuo ng ovarian cyst o paglubha ng ovarian cyst. Samakatuwid, iwasang kumain ng mga sumusunod:
- Cake
- Pastry
- Cookies
- Tsokolate
- Softdrink
Bakit Dapat Iwasan Ang Mga Bawal Na Pagkain Sa May Cyst
Bagama’t karamihan sa mga cyst ay hindi nakakapinsala at nalulunasan ng mag-isa, ang ilan ay maaaring magdulot ng pananakit o malakas na pagdurugo kapag may regla. Hindi itinuturing na paggamot ang mga pagbabago sa diet tulad ng pag-iwas sa mga partikular na pagkain. Gayunpaman, maaaring makaimpluwensya ang ilang mga diet patterns sa pagbuo nito.
Bilang karagdagan, ang diet ay may mahalagang papel sa pamamahala ng polycystic ovary syndrome (PCOS). Ang mga manipestasyon nito ay:
- Labis na katabaan
- Hindi regular na regla
- Abnormal na antas ng hormone
- Pagkakaroon ng maraming maliliit na ovarian cyst
Malaki ang impluwensya ng nutrisyon sa paggana ng ovaries at mga hormone na kumokontrol sa reproductive system. Dahil dito, ang makakatulong sa paggamot ang pag-iwas sa mga bawal na pagkain sa may cyst.
Kabilang sa mga iminumungkahi ng iba ay ang pagsunod sa plant-based diet. Walang katibayan na epektibo ito sa paggamot ng cyst kung kaya kinakailangan ang higit pang pananaliksik upang matukoy ang kahalagahan ng diet sa paggamot ng cyst.
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]