Nauusong masustansyang pagkain kamakailan lamang ang chia seeds at quinoa. Tumaas ang demand sa mga pagkaing ito noong nakalipas na taon dahil sa taglay nilang sustansya. Maraming benepisyo na makukuha sa chia seeds na may quercetin, isang antioxidant na nagpapababa ng panganib ng sakit sa puso at altapresyon. Dahil dito, makatuwiran lamang na gusto mong subukan ang mga masustansyang pagkain na ito.
Hindi maiiwasan na tumataas ang demand sa mga pagkaing masustansya kapag nailathala ito sa social media. Ngunit ang pagkakaiba-iba ng mga impormasyon tungkol sa mga pagkaing ito ay nagdudulot ng kalituhan sa mga tao. Huwag basta-basta magpapadala sa kung ano ang uso. Bagkus, sundin ang pangkalahatang malusog na pagkain.
Plant-based na nauusong masustansyang pagkain
Hindi napapawi ang interes sa mas malusog na pagkain tulad ng mga plant-based na pagkain lalo na ngayong pandemic. Katunayan, patuloy na tumataas ang benta nito at higit na mas mabilis pa kaysa sa pangkalahatang benta ng pagkain.
Ayon sa mga nutritionists, binibigyan ng plant-based food ng opsyon ang mga taong gustong hindi pa handa maging vegetarian ngunit gusto makakain ng di limitadong natural na pagkain. Sa opsyong ito, nakakakain sila ng mas maraming plant-based food ngunit nakakakain pa rin sila ng karne, seafood, itlog at dairy.
Mas malawak na ngayon ang mga pagpipilian sa plant-based food at nasasabik ang mga mamimili dito. Ayon sa isang ulat ng International Food Information Council, 65 porsyento ng mga tao ang nagsasabi na kumain sila ng mga alternatibong karne na nakabatay sa halaman noong nakaraang taon.
Plant-based food at sustainability: nauusong masustansyang pagkain
Ang popularidad ng plant-based food ay may basehan sa mga sumisikat ring prayoridad ng mga mamimili kabilang ang sumusunod:
- Proteksyon sa kalusugan
- Pangangalaga sa kapaligiran
- Etikal na hinihimok na pagkain
Ayon sa mga tumatangkilik ng plant-based food, mas maganda ang pakiramdam nila sa pisikal na aspeto. Mas maganda rin ang kanilang pakiramdam sa kung paano nila ginagastos ang kanilang pera sa pagkain.
Sumasang-ayon ang mga eksperto na patuloy na magiging uso ang plant-based food dahil sa mga benepisyo nito sa kalusugan at kaugnayan ng mga pagkaing ito sa usaping sustainability. Dagdag pa rito ang dahilan na dumadami na ang mga mamimili na nababahala kung saan nanggaling ang kanilang pagkain at kung ano ang epekto nito sa kapaligiran.
Plant-based food: benepisyo ng nauusong masustansyang pagkain
Maraming benepisyo sa kalusugan ang mga plant-based food tulad ng sumusunod:
Pagpapanatili ng tamang timbang
Ang pananatili ng tamang timbang ay isa sa pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin upang mabawasan ang iyong panganib para sa kanser. Ito ay dahil ang labis na timbang ay maaaring magdulot ng pag-activate ng inflammation sa katawan at hormonal imbalance. Kung ikaw ay sobra sa timbang o obese, ang iyong chansa ay mas mataas para sa 12 iba’t ibang uri ng kanser kabilang ang colorectal, post-menopausal na dibdib, matris, esophageal, bato at pancreatic cancers.
Kalusugan ng bituka
Ang plant-based food ay nagpapabuti sa kalusugan ng iyong bituka. Dahil dito, mas mahusay mong makukuha ang mga sustansya mula sa pagkain na sumusuporta sa iyong immune system. Makakabawas din ito sa chansa ng inflammation sa katawan. Ang fiber content nito ay maaaring magpababa ng kolesterol at magpatatag ng blood sugar. Ito ay mahusay para sa pamamahala ng bituka. At dahil maraming fiber ang mga plant-based food, mababawasan nito ang panganib ng kanser lalo na ang colorectal cancer.
Habang tumataas ang popularidad ng mga plant-based food, marami namang nauusong masustansyang pagkain na dapat mo ring obserbahan. Ang ilan sa mga ito ay ang dragon fruit na maaaring makonsumo sa maraming anyo tulad ng shake, smoothie, juice, at salad. Maari din itong kainin bilang prutas.
Nauusong masustansyang pagkain lang ba ang dapat kainin?
Huwag ituon lamang ang pansin sa nauusong masusustansyang pagkain. Mas mainam na magkaroon ng isang malusog na pilosopiya sa pagkain na gabay mo kapag ikaw ay nagpaplano ng pagkain, namimili ng grocery o kakain sa labas. Subalit maraming magandang epekto ang pagkain ng plant-based food, hindi ito sapat kung ito lang ang kakainin. Dapat ay may strikto na meal strategy na susundin para ma-maximize ang benefits ng plant-based food. Dagdag pa rito na hindi lahat ng plant-based foods ay masustansya o sapat para matapatan ang nutrients na binibigay ng mga natural na pagkain. Pinakamainam na wasto pa rin ang paraan, dami, at quality ng kinakain pagdating sa kalusugan.
[embed-health-tool-bmi]