backup og meta

Graveyard Shift Problem: Paano Nga Ba Labanan Ang Antok At Puyat?

Graveyard Shift Problem: Paano Nga Ba Labanan Ang Antok At Puyat?

Maraming indibidwal ang kailangan magtrabaho sa graveyard shift, o night shift upang makakuha ng mataas na sahod, at magampanan ang mga responsibilidad sa kanilang workplace. Pero sa kabila ng ating kagustuhan na magawa ang iba’t ibang bagay na may kaugnayan sa ating trabaho, hindi maiwasan kung minsan nakakatulugan natin ang ating mga ginagawa.

Sa katunayan, isa ang antok sa problema ng mga nagtatrabaho sa gabi, dahil ang pagkakaroon ng ganitong pakiramdam ay nakakaapekto sa kalidad ng kanilang gawain. Kaya para maiwasan ito, naghahanap sila madalas ng mga paraan kung paano labanan ang puyat at antok. Nang sagayon hindi ma-interrupt ang kanilang bagay na ginagawa o tinatapos — at maging productive sila.

Para malaman ang ilang mga tip paano labanan ang puyat at antok, patuloy na basahin ang article na ito.

9 Tips Paano Labanan Ang Puyat at Antok

Mahirap kalabanin ang antok at puyat lalo na kung pagod ang iyong katawan at nangangailangan ka ng pahinga. Kaya para malabanan ito, narito ang 9 tips na pwede mong gawin upang manatiling gising sa iyong graveyard shift o mga gawain sa gabi:

  1. Magpahinga ka muna bago ang iyong trabaho o shift

Ang pagkapagod sa anumang aktibidad ay itinuturing na isa sa mga dahilan kung bakit nakakaramdam ng antok ang isang tao. Sapagkat ang antok na nararamdaman ng isang indibidwal ay palatandaan na kailangan ng pahinga ating katawan upang makabawi ng lakas. Kaya naman mahalagang makakuha ng sapat na pahinga ang isang indibidwal bago magsimula ang kanilang shift para hindi agad mapagod at antukin. Ang iba ay maaring sumubok matulog o mag power-nap bago magsimula ng night shift nila. 

  1. Magkaroon ng isang malusog na diyeta

Ang pagkain ng isang malusog na diyeta ay makakatulong sa iyong manatiling gising at alerto. Iwasan ang mabibigat at mataba na pagkain dahil maaari kang makaramdam ng antok dahil sa kabusugan.

  1. Manatiling hydrated

Uminom ng maraming tubig upang mapanatili ang iyong sarili na hydrated at alerto.

  1. Igalaw ang katawan

Magpahinga ka ng maikli o mag-break upang mag-unat at maigalaw ang katawan, makakatulong ito para magising ang iyong diwa, manatiling alerto, at malabanan mo ang iyong antok.

  1. Panatilihing maliwanag ang iyong workspace

Maaaring makatulong sa iyo ang pagkakaroon ng maliwanag na lugar o workspace para manatili kang gising at alerto sa trabaho. Dahil ang liwanag ay nakakatulong para makondisyon ang iyong utak na hindi ka pa matutulog at mayroon ka pang dapat gawin.

  1. Panatilihing abala ang sarili

Isa sa mga dahilan kung bakit nakakaramdam ng antok ang isang tao sa trabaho ay dahil wala siyang ginagawa. Kaya naman kung nakikita mo ang iyong sarili na naiinip o inaantok, maaari kang gumawa ng mga aktibidad na magpapanatili sa iyong isip na aktibo at alerto.

  1. Pagkain ng chewing gum o mints

Ang pagkain ng chewing gum at mints ay maaaring makatulong na pasiglahin ang iyong utak at panatilihin kang alerto. 

  1. Makinig ng musika

Ang pagkikinig ng iba’t ibang musika ay nakakatulong din para panatilihin kang alerto at maiwasang malihis ang iyong isip.

  1. Makipag-usap sa katrabaho o sa ibang tao

Maganda kung makikipag-usap ka sa iyong mga kasamahan para manatili kang alerto at gising. Dahil ang pakikipag-usap ay isang aktibidad na maaaring makatulong sa iyo upang mas mapagana ang iyong utak.

Paalala ng mga eksperto at doktor

Bagama’t may mga tao na kailangan labanan ang kanilang antok at puyat, hindi pa rin dapat na makalimutan na napakahalagang makakuha ng sapat na tulog ang isang indibidwal para mapanatiling malusog ang katawan. 

Ang pagtulog ay mahalaga para sa wastong paggana ng ating katawan, kabilang ang pisikal at mental na kalusugan. Ang kakulangan sa tulog ay maaaring makaapekto sa ating immune system, na nagiging dahilan upang mas madali tayong kapitan ng sakit. Bukod pa rito, ang kawalan ng sapat na tulog ay maaaring humantong sa pagkapagod, kawalan ng focus, at mahinang mood regulation. ISa katunayan, inirerekomenda na ang mga matatanda ay dapat magkaroon ng 7-9 na oras na tulog bawat gabi upang mapanatili ang mabuting kalusugan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to Stay Awake Naturally, https://www.salemhealth.org/services/sleep/how-to-stay-awake-naturally Accessed May 22, 2023

How To Stay Awake, https://www.sleepfoundation.org/sleep-faqs/how-to-stay-awake Accessed May 22, 2023

9 Ways To Stay Awake Without Caffeine, https://health.clevelandclinic.org/how-to-stay-awake-without-caffeine/ Accessed May 22, 2023

How Much Sleep Do I Need? https://www.cdc.gov/sleep/about_sleep/how_much_sleep.html Accessed May 22, 2023

Total sleep deprivation increases pain sensitivity, impairs conditioned pain modulation and facilitates temporal summation of pain in healthy participants, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31800612/ Accessed May 22, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makatulog ng Mabilis? Alamin ang mga Paraan

Paano Makabawi Ng Tulog, Ayon Sa Mga Doktor at Eksperto?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement