backup og meta

Pagtulog Ng Walang Underwear: Top 5 Benefits Para Sa Iyo!

Pagtulog Ng Walang Underwear: Top 5 Benefits Para Sa Iyo!

Pagtulog na walang underwear ba ang iyong nakasanayan tuwing gabi?  Maaring mas komportable kang matulog ng nakahubad. Mahigit sa 50% ng mga tao ang umamin na natutulog nang hubad. At hindi lahat ay ginagawa ito para sa mga dahilan na maaari mong isipin. Sinasabi ng karamihan sa mga tao na ito ay mas komportable, ginagawa silang malaya, at pinapanatili silang cool. Ngunit ang pagtulog ba nang nakahubad ay nagbibigay ng anumang benepisyo sa kalusugan?

Ayon kay Dr. Sherry A. Ross, isang OB-GYN at eksperto sa kalusugan ng kababaihan, ang pagtulog ng may damit man o walang underwear ay isang personal choice. Tingnan ang mga benepisyo nito sa mental at sa pisikal na kalusugan.

Mga Benepisyo ng Pagtulog na walang Underwear

Comfort at relaxation

Halos 70% ng mga taong umamin na natutulog nang hubad ang nagsabing mas komportable ito. Ang pakiramdam na wala kang inhibition at pinipigilan ng masikip na damit ay nagdudulot ng mas komportableng pagtulog sa kanila. Hindi lamang komportable kung hindi mas nakaka-relaks pa sila kapag natutulog ng walang underwear. Dahil dito, nababawasan ang kanilang stress at anxiety kung kaya mas madali silang nakakatulog. Hindi maiiwasan na dala-dala mo sa paghiga ang mga problema sa trabaho ay kung kaya nagdudulot ito ng insomnia. Para sa iba, ang pagtulog ng hubad ay parang pag-alis na rin ng mga alalahanin, kahit na panandalian lamang.

Pagtulog na walang underwear: Nakakabuti ba sa relasyon?

Hindi mahirap isipin ang mga positibong epekto ng pagtulog nang walang underwear sa mga relasyon. Ang pagtulog ng skin-to-skin ay maaaring magdulot ng pakiramdam ng pagiging malapit sa isa’t-isa sa pisikal at emosyonal na aspeto. Kapag natutulog na nakahubad at walang underwear ang mag-asawa ay mas malamang na matulog sila nang magkakalapit. Ayon sa mga eksperto ay nakakabuti din ito sa intimacy at sex life ng mag-asawa. Ang pagtulog nang hubad ay maaaring mag-ambag sa higit na kaligayahan sa mga relasyon.

Sinabi ng isang survey na isinagawa ng Cotton USA na ang mga mag-asawa na natutulog nang hubo’t hubad ay mas malamang na mas masaya sa kanilang relasyon kumpara sa mga mag-asawa na natutulog na nakadamit.

Love hormone na oxytocin

Karugtong ng posibleng benepisyo ng pagtulog na walang damit sa relasyon ay ang pag-release ng love hormone.

Ang pakikipag-ugnayan ng skin to skin ay nag-uudyok sa pagpapalabas ng oxytocin. Ito ay tinutukoy bilang love hormones o happy hormones. Naiimpluwensyahan ng oxytocin ang mga emosyon na nagtutulak sa panlipunang pag-uugali at interpersonal na koneksyon. Nagdudulot ito ng mga damdamin ng tiwala, kadalian, at katatagan sa pagitan ng mag-partner. Ipinakita ng mga pag-aaral na mas nagiging sensitibo ka sa emosyon ng ibang tao kapag mataas ang antas ng iyong oxytocin. Samakatuwid, maaaring tumaas ang mga antas ng atraksyon sa pagitan ng dalawang taong nasa pangmatagalang relasyon. Narito ang mga benepisyo ng oxytocin:

  • Nagpo-promote ng mga positibong emosyon na nagpapahusay sa relasyon. 
  • Nagbibigay din ito ng mga benepisyo sa pisikal na kalusugan. 
  • Tumutulong sa pagbabawas ng mga antas ng stress at pagkabalisa.
  • Nagpapababa ng presyon ng dugo.

Mas mahimbing na pagtulog na walang underwear

Halos 55% ng mga tao ang nag-uulat na ang pagtulog nang nakahubad ay nakakatulong sa mas mahimbing na pagtulog. Walang siyentipikong ebidensya na sumusuporta dito. Ngunit kung minsan, nakakatulong ang positibong attitude sa pagkamit ng kalidad ng pagtulog. Para sa iba, ang pagtulog nang nakahubad ay naglalagay sa kanila sa tamang estado ng pag-iisip. Maaari itong magresulta sa mas mahusay na kalidad ng pagtulog at mas konting mga sintomas ng insomnia.

Ang pagtulog na walang underwear ay maaaring magpabuti ng pangkalahatang kalidad ng iyong pagtulog. Mas maiiwasan ang istorbo sa pagtulog dahil sa daster na masakit sa likod o tumatakip sa ibang bahagi ng katawan. Malamang na palagi kang nagigising dahil sa pagpapawis sa gabi kung hindi ka naman naka aircon. Ang pagtulog nang hubo’t hubad ay maaari ring makatulong sa iyo na i-regulate ang temperatura ng iyong katawan sa buong gabi. Nangangahulugan ito ng pinabuting REM sleep na isa sa pinakamahalagang yugto ng pagtulog. Sa panahon ng pagtulog ng REM, hindi ka lamang nakakaranas ng mga panaginip kundi ang iyong utak at katawan ay mas maayos.

Pagbaba ng panganib ng yeast infections

Ang pagtulog na walang underwear ay makakatulong sa pagbawas ng panganib sa yeast infection. Sa ilang mga kaso, ang pagsusuot ng underwear sa pagtulog ay maaaring hindi mabuti sa kalusugan. Ang bakterya at yeast ay umunlad sa isang basa at mainit na kapaligiran. Tulad ng kapaligiran na nililikha ng ilang uri ng mga damit na panloob. Ang pagtulog gamit ang sobrang sikip na underwear, o yung mga gawa sa sintetiko na tela tulad ng lace o satin ay maaaring mag-trap moisture laban sa iyong balat. Maaari itong magresulta sa pagdami ng bacterya, Maaari itong magdagdag ng panganib para sa mga impeksyon sa ihi, bacterial vaginosis o mga yeast infection.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Health benefits of sleeping naked

https://www.webmd.com/balance/health-benefits-of-sleeping-naked#:~:text=Sleeping%20naked%20together%20might%20improve,to%20reduce%20your%20stress%20levels.

Benefits of sleeping naked

https://www.sleepfoundation.org/sleep-hygiene/sleeping-naked

Is it healthy to sleep naked

https://health.clevelandclinic.org/will-sleeping-naked-help-you-sleep-better/

Top 10 benefits of sleeping naked

https://www.healthline.com/health/benefits-of-sleeping-naked

Why should you be sleeping in the nude

https://www.psychologytoday.com/intl/blog/sleep-newzzz/201508/why-you-should-be-sleeping-in-the-nude

Kasalukuyang Version

06/23/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Bakit Maraming Nagpupuyat? Alamin ang "Revenge Bedtime Procrastination"

Ano Ang Tamang Oras Ng Pagtulog? Narito Ang Sagot Ni Dr. Willie Ong!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement