backup og meta

Pag-Iwas Sa Paggamit Ng Phone: 5 Tips Upang Magkaroon Ng Sapat Na Tulog

Pag-Iwas Sa Paggamit Ng Phone: 5 Tips Upang Magkaroon Ng Sapat Na Tulog

Sa kasalukuyang panahon, mahirap mabuhay nang walang cellphone. Ang mga tao ay mahilig gumamit ng mobile devices sa maraming paraan upang maging madali at maginhawa ang kanilang buhay. Sa pamamagitan ng ilang taps at clicks, marami na agad na impormasyon, at libangan ang maaaring makita. Maging ang pinakakinakailangan ngayon na pagkakaroon ng koneksyon sa mga tao ay naibibigay rin ng mobile devices, lalo na sa panahon ng lockdown dulot ng pandemya. Gayunpaman, sa kasamaang palad, ang pagiging dependent sa cellphone o ang paggamit ng cellphone bago matulog ay maaaring makaapekto sa kalidad ng iyong pagtulog.

Ngayon, maraming tao ang ang gumagamit ng cellphone bago matulog dahil sa pag-aakalang makatutulong ito sa kanila na antukin. Subalit hindi ito ang kaso para sa lahat.

Natuklasan sa mga pananaliksik na ang paggamit ng cellphone bago matulog ay hindi tunay na nakabubuti sa ating kabuoang kalusugan. Narito ang dalawang mga kadahilanan:

Ang blue light ay nakapagpapasigla ng isip, nakapagpapagod ng mga mata

Ang gadgets tulad ng smartphone, tablet, at maging laptop ay lahat naglalabas ng ilaw na tinatawag na blue light. Nakapagpapababa ng lebel ng melatonin o ng sleep hormones ang blue light technology. Dahil nakapagpapasigla ito, nababago nito ang regulasyon ng iyong sleep-wake cycle (circadian rhythm). Nakokompromiso rin nito ang aktwal na lebel ng “pahinga” na natatanggap ng katawan, maging ang lebel ng pagiging alerto.

Ang mas madalas na paggamit ng cellphone bago matulog ay mas nakapagpapasigla ng isipan upang mag-isip ng mga impormasyon o gumawa ng mga bagay na sa iyong palagay ay kailangan mong gawin gamit ang iyong cellphone kahit sa oras ng madaling araw. Totoong ang iyong utak ay nagiging alerto sa tuwing may bagong pop-up notification o update sa iyong gadget.

Dahilan din ng pagkapagod ng mga mata ang matagal na pagtititig sa screen, at kung minsan ay pagkaluha.

paggamit ng cellphone bago matulog

Nababawasan ng screen time ang kabuoang oras ng tulog

Ang mga tao ay dapat matulog sa loob ng 8-10 oras kada araw. Ito ay halos one-third ng kabuoang oras na mayroon sa isang araw. Gayunpaman, ang pagiging gising sa gabi ay dahilan upang malimitahan ang dami ng oras na maaaring ilaan sa slow-wave at rapid-eye movement (REM) sleep, na parehong mahalaga sa kognitibong pagganap.

5 tips kung paano magkaroon ng mapayapang tulog

Maaaring maiwasan ang pagkakaroon ng hindi magandang kalidad ng tulog sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng cellphone bago matulog at pagsunod sa tips na ito:

1. Gamitin ang nighttime mode feature ng iyong cellphone

Ang paglamlam o pagbawas sa blue light na inilalabas ng cellphone ay hindi lamang nakatutulong upang maging matipid sa baterya nito. Nakatutulong din ito upang maiwasang hindi antukin lalo na sa gabi.

2. Magkaroon ng routine sa pagtulog

Inirerekomenda ang paghikayat sa sarili na matulog sa pamamagitan ng pagiging relaxed at komportable sa tulong ng mga positibong araw-araw na gawi. Sa ganitong paraan ay nagiging kalmado ang isip at katawan bago matulog.

3. Patayin o gawing malamlam ang ilaw sa kuwarto

Ang ilaw ay maaaring makapagpasigla sa mata at isip ng isang tao. Sa pamamagitan ng pagkontrol ng ilaw sa gabi, nagkakaroon ang katawan ng lebel ng melatonin na kinakailangan ng katawan upang mas makontrol ang iyong biological clock.

4. Bawasan ang screen time sa umaga at gabi

Isa sa mga dahilan upang hindi mapansin ang takbo ng oras at mabawasan ang oras ng tulog ay ang pagiging dependent ng isang tao sa cellphone sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa. Ayusin ang screen time management system ng iyong gadget upang mabigyan ka ng babala kung naubos mo na ang iyong screen time na nakalaan sa isang araw.

5. Huwag gamitin ang iyong cellphone sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras bago matulog

Ihanda ang iyong sarili sa pagtulog sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong cellphone sa lugar na malayo sa iyong kama. Makakatulong ito upang iwasan ang paggamit ng cellphone sa kalagitnaan ng gabi.

Key Takeaways

Ang pagtulog at teknolohiya ay dalawang mahalagang bagay na iyong kailangan sa iyong buhay ngayon. Ngunit mahalagang magtakda ng oras sa paggamit ng cellphone o iwasan ang paggamit ng cellphone bago matulog upang magkaroon ng sapat na tulog. Balansehin ang parehong oras ng pagtulog at paggamit ng gadgets. Sa pagbalanse ng mga ito, hindi magkakaroon ng negatibong epekto sa iyong kalusugan at sa iyong kakayahang magtrabaho sa susunod na araw.

 Matuto pa tungkol sa malusog na pagtulog dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How Does Technology Affect Sleep? https://www.sleep.org/ways-technology-affects-sleep/, Accessed September 13, 2021

How Electronics Affects Sleep, https://www.sleepfoundation.org/how-sleep-works/how-electronics-affect-sleep, Accessed September 13, 2021

Put the Phone Away! 3 Reasons Why Looking at It Before Bed Is a Bad Habit, https://health.clevelandclinic.org/put-the-phone-away-3-reasons-why-looking-at-it-before-bed-is-a-bad-habit/Accessed September 13, 2021

Why It’s Time to Ditch the Phone Before Bed, https://www.sclhealth.org/blog/2019/09/why-it-is-time-to-ditch-the-phone-before-bed/, Accessed September 13, 2021

Technology & Sleep, https://www.sleephealthfoundation.org.au/technology-sleep.html, Accessed September 13, 2021

Screen time & Sleep:Children and Teenagers, https://raisingchildren.net.au/preschoolers/play-learning/screen-time-healthy-screen-use/screen-time-sleepAccessed September 13, 2021

Kasalukuyang Version

01/30/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Tamang Oras Ng Pagtulog? Narito Ang Sagot Ni Dr. Willie Ong!

Pagtulog Ng Walang Underwear: Top 5 Benefits Para Sa Iyo!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement