backup og meta

Bakit Mahalaga ang Pagtulog? Alamin dito ang mga Dahilan

Bakit Mahalaga ang Pagtulog? Alamin dito ang mga Dahilan

Natutukoy ng maayos na pahinga sa gabi kung tayo ay nasa pinakamahusay na kondisyon sa sumunod na araw. Kung tayo ay mayroong sapat na pahinga, nararamdaman natin ang pagiging mas produktibo. Ngunit, kung hindi sapat ang pahinga sa magdamag, mas nararamdaman natin ang pagod at init ng ulo. Bakit mahalaga ang pagtulog?

Hindi maipagkakaila na ang pagtulog ay mayroong malaking bahagi sa buhay ng tao. Gayunpaman, ipinapakita ng datos na tinatayang 30% hanggang 45% ng mga matatanda ang nagdurusa sa insomnia o kahirapan sa pagtulog. Binibigyang-diin ng sanaysay na “Importance of Sleep” na ang ilang mga nakagawiang gawain tulad ng pagseselpon at paggamit ng  ibang gadgets ay nagtutulak sa tao na magkaroon ng kulang na tulog kaysa sa kinakailangan nila.

Bakit mahalaga ang pagtulog? Ito ba ang mga oras na kung saan ang katawan ay tuluyang tumitigil o mayroon pang mas higit na dahilan kaysa sa naiisip ng karamihan? Ang pag-unawa sa kung paano makakakuha ng sapat na tulog ay makakatulong sa ating kalusugan at magiging unang hakbang sa pagpapabuti ng ating kabuuang pagkatao.

Ano ang mga Pangunahing Rason kung Bakit Mahalaga ang Pagtulog?

Napapabuti ng Pagtulog ang Memorya at ang Kakayahang Matuto

Isa sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagtulog dahil kaya nitong palakasin ang kakayahang matuto at ang memorya ng tao. Pinapakita ng pag-aaral na ang pagtulog ay may malaking papel sa memorya, direkta nitong naaapektuhan ang kakayahan ng tao na matuto. Ganap nitong pinabubulaanan ang sinasabing walang nangyayari sa katawan kung ikaw ay nagpapahinga. Sa kabaligtaran, ang utak ay gumagawa ng iba’t ibang aktibidad habang ikaw ay natutulog.

Mayroong dalawang kategorya ang pagtulog:

  • Tahimik na pagtulog o non-REM sleep
  • Nananaginip na pagtulog o REM sleep

Ang tahimik na pagtulog o non-REM sleep ay kung saan ang utak ng tao ay sumasailalim sa proseso ng pagsasaayos ng mga bagong impormasyon para sa pangmatagalang imbakan. Dahil dumadaan ang utak sa iba’t ibang yugto ng pagtulog buong gabi, ang hindi sapat na pagtulog ay tungo sa kulang sa oras na pagpapatibay.

Pinatunayan ng isang pag-aaral na ang mag-aaral na natutulog sa pagitan ng pag-aaral ay mas mahusay ang resulta sa mga pagsusulit, kung ihahambing sa mga hindi natutulog. Kung ikaw ay mag-aaral na nakagawian na ang pagpupuyat sa magdamag bago ang pagsusulit maaaring mas magiging maigi ang iyong magiging resulta kung gagamitin na lamang ito sa pagtulog.

Kinokontrol ng Tulog ang iyong Gana sa Pagkain 

Isa sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagtulog ay dahil sa kung paano nito kinokontrol ang gana sa pagkain, dahil naapektuhan nito ang metabolismo. Ito ay kabilang sa maraming dahilan kung bakit mahalaga ang pagtulog. Mayroong dalawang hormones na nakakaapekto sa ating gutom:

  • Ghrelin ay hormone sa tiyan, maliit na bituka, lapay, at utak. Ito ay tinatawag na “hunger hormone” dahil sa pangunahin nitong gawain na pasiglahin ang iyong gana kumain.
  • Leptin ay hormone na nilalabas ng fat cells. Ang hormone na ito ay kilala rin bilang “satiety hormone” dahil sa kung paano nito pigilan ang gutom. Pinananatili ng Leptin ang timbang ng tao.

Kung ikaw ay walang sapat na tulog, tumataas ang ghrelin na nagpapasigla sa iyong gana kumain. Ito ang dahilan kung bakit inilalagay ka sa panganib ng kakulangan sa tulog at nagiging sobra sa timbang.

Ipinapakita rin ng datos na ang mga taong nagdurusa sa problema sa tulog tulad ng sleep apnea ay mas madali maging sobra sa timbang dahil sa kakulangan sa mga gawain na nagdudulot na kawalan ng enerhiya upang mag-ehersisyo o magsagawa ng mga pisikal na gawain.

Kaya naman, kung ikaw ay sumusubok na mapanatili ang hugis ng katawan o nagbabawas ng timbang marapat lamang na siguruhing kasama sa plano ang maayos na pagtulog.

Napalulusog ng Pagtulog ang Balat 

Malaki rin ang ginagampanan ng pagtulog sa iyong balat. Kung pangit ang pakiramdam mo matapos makakuha ng hindi sapat na pahinga, mararamdaman din ito ng iyong balat. Ang kakulangan sa tulog ay nagpapalabas sa katawan ng cortisol na kilala rin bilang stress hormone.

Ang mataas na lebel ng cortisol ay mayroong negatibong epekto sa hitsura ng iyong balat. Kung nakagawian ang hindi pagtulog, mas madaling magkaroon ng sakit sa balat tulad ng tigyawat at eczema.

Isa sa mga benepisyo ng wastong pagtulog sa balat ay inaalis nito ang mga sobrang likido sa katawan. Ito ay nangangahulugan na ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay pumipigil sa pag-ipon ng mga likido sa iyong mukha na maaaring maging eye bags.

Ang pagkakaroon ng sinusunod na hakbang sa pangangalaga ng balat bago matulog ay nakakapagbigay ng magandang pahinga sa iyong balat. Siguruhing sundan ang mga sumusunod bago matulog:

  • Maghilamos ng mukha
  • Maglagay ng moisturizer na napili
  • Huwag agad matulog matapos ilagay ang mga ito, bigyang oras itong masipsip ng balat

Kahihinatnan ng Kulang sa Tulog 

Ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog sa mahabang panahon o maging ang kakulangan mula sa naunang gabi ay maaaring tumungo sa katakot-takot na kahihinatnan sa iyong kalusugan at seguridad.

  • Mental illness. Ang kakulangan sa tulog sa mahabang panahon ay maaaring magdala sa’yo sa panganib ng pagkabalisa at depresyon.
  • Banta sa buhay. Maraming mga nagbabanggaan na sasakyan ay dahil sa mga nakakatulog habang nagmamaneho. Ang kakulangan sa tulog ay nakakabawas sa pagiging alerto at nakakatulong sa pagtaas ng tsansang maaksidente.
  • Mga sakit sa puso. Ang naaantalang iskedyul ng pagtulog ay maaaring magdulot ng hindi maayos na paggalaw ng katawan na maaaring maging sanhi na mga kondisyon na nakakaapekto sa puso o daluyan ng dugo sa katawan.

Paano Magkaroon ng Maayos na Tulog 

Upang makuha ang lahat ng benepisyo ng pagtulog nang maaga, marapat lamang alamin kung paano magkaroon ng maayos na tulog. Para sa ilang tao, ang pagtulog ay madali laman. Gayunpaman, kung ikaw ay nakakaranas ng hirap sa pagtulog, narito ang ilan sa maaari mong gawin na makakatulong sa iyo upang agad na makatulog o makatulog nang mahaba.

  • Pagsasagawa ng 30 minutong nakapag papa-relax na gawin bago ang oras ng pagtulog. Pagbabasa ng libro, pagtatahi, o pagmumuni-muni ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga gawain na makakatulong mag-relax bago matulog.
  • Iwasan ang paggamit ng gadget bago matulog o habang nasa kama. Ang liwanag mula sa cellphone, TV at iba pang gadget ay nagpapaaktibo sa utak upang iparamdam sa iyo ang walang pahinga at gising.
  • Subukin ang pagtulog at paggising sa parehong oras. Inaayos nito ang oras ng katawan na nagpapadali sa pagtulog.

Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay isa sa mga pinaka magandang bagay na maaaring gawin para sa kalusugan at katauhan dahil sa dami ng positibong epekto nito sa katawan. Kung ikaw ay nakakaranas ng kawalang ayos sa pagtulog at nais na matuto sa kung ano ang maaaring gawin, mainam na humingi ng payo mula sa ekspertong medikal.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.helpguide.org/harvard/biology-of-sleep-circadian-rhythms-sleep-stages.htm

https://www.learningscientists.org/blog/2016/7/14-1

https://www.hormone.org/your-health-and-hormones/glands-and-hormones-a-to-z/hormones/ghrelin

https://www.sleepfoundation.org/articles/diet-exercise-and-sleep

https://www.hormone.org/your-health-and-hormones/glands-and-hormones-a-to-z/hormones/cortisol

https://www.sleep.org/articles/how-sleep-improves-your-skin/

Kasalukuyang Version

10/17/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pagtulog Ng Walang Underwear: Top 5 Benefits Para Sa Iyo!

Ano ang Sleep Deficiency at Paano Ito Makaapekto sa Iyong Kalasugan?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement