backup og meta

Ano Ang Tamang Kutson Para sa Masakit na Likod? Alamin Dito!

Kutson para sa masakit na likod ba ang tugon sa mga problemang hinaharap ng maraming tao pag gising pa lamang sa umaga? Hindi ka nag-iisa kung ang sakit ng likod ay pang araw-araw na kaganapan sa iyong buhay. Karamihan ng mga nasa hustong gulang ang nakakaranas ng hindi bababa sa isang yugto ng pananakit ng likod sa kanilang buhay.

Sa katunayan, aabot sa 80 porsyento ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang dumaranas ng pananakit ng likod. Ang pananakit ng likod ay laganap sa halos lahat ng grupo ng industriya ng trabaho sa Pilipinas. Noong 2014, hanggang 35 porsyento ng 85,483 ng occupational disease na iniulat ng mga kumpanya kaugnay sa pananakit ng likod.

Kutson sa likod para sa magandang gising

Halos lahat ay makakaranas ng pananakit ng likod sa isang punto ng kanilang buhay. May pagkakaiba ang sakit ng likod na maaaring maranasan ng bawat tao. Maaari itong mula sa banayad hanggang malubha, at maaaring panandalian o pangmatagalan. Sa kasamaang palad, ang pagpigil sa lahat ng sakit sa likod ay maaaring hindi posible. Hindi maiiwasan ang normal na pagkasira ng mga gulugod habang tumatanda. Subalit mayroong ilang mga bagay na maaaring gawin sa trabaho at sa bahay upang maiwasan ang mga problema sa likod.

Ang pananakit ng likod sa umaga ay kadalasang iniuugnay sa katotohanan ang pinakamahina ang iyong gulugod sa umaga. Ito ay maaaring dahil sa kung ano ang iyong ginagawa bago matulog o kung paano ka matulog. Ngunit ang pananakit ng likod ay maaari ding isang senyales ng isang pinagbabatayan na isyu sa iyong nervous system. Maaari din itong indikasyon na may problema sa iyong kutson na dapat nang tugunan.

Kutson o sahig?

Maaari bang maging sanhi ng pananakit ng likod ang kutson? Kung palagi kang nagigising na may matigas at masakit na likod, maaari kang magtaka kung ang iyong kutson ang may kasalanan. Posibleng ito ang rason kung:

  • Ang iyong kutson ay luma
  • Hindi angkop ang kutson sa iyong katawan
  • Ang kutson ay hindi angkop para sa pagsuporta sa iyong posisyon sa pagtulog

Maraming mga tao ang nagsasabi na ang pagtulog sa sahig ay nakakatulong sa mas mahimbing na pagtulog sa gabi. Hindi lamang napapabuti ang kanilang postura, kung hindi nababawasan din ang sakit sa likod. Gayunpaman, hindi sapat ang katibayan na ang pagtulog sa sahig ay mas mahusay kaysa sa pagpili ng isang medium firm na kutson.

Sintomas ng sakit sa likod dulot ng maling kutson

Dapat kang pumunta sa doktor kapag malubha o talamak na ang pananakit ng iyong likod. Ngunit kung ang pananakit sa likod ay nawawala pagkatapos mong bumangon at gumalaw pagkagising, maaaring kailangan mo ng kutson para sa masakit na likod.

Ang pananakit ng likod sa umaga ay isa sa mga unang senyales na ang iyong katawan at ang iyong kutson ay maaaring hindi na akma. Maayos ba ang pakiramdam mo kapag natutulog ka ngunit nagising ka na umuungol at nakahawak sa ibabang bahagi ng iyong likod? Maaaring sanhi ito ng maling kutson. Kapag hindi akma ang kutson, maaari itong mag-ambag sa hindi pagkakaayos ng gulugod, na humahantong naman sa pananakit ng ng likod sa umaga.

Sa isang pag-aaral, mahigit 35% ng mga nasa hustong gulang ang nagigising ng hindi bababa sa tatlong gabi bawat linggo. Kahit na karaniwan ang paggising sa gabi dapat isaalang-alang kung akma nga ba ang iyong kutson kung lumalala ang problemang ito.

Malambot o matigas na kutson?

Masama ba sa iyong likod ang malambot na kutson? Oo, kung ito ay sobrang lambot at hindi na nito sinusuportahan ang iyong gulugod. Kung lumubog ka sa kutson at ang iyong mga balakang ay mas mababa kaysa sa iyong mga balikat,maaaring masyadong malambot ito kung kaya nagiging sanhi ng pananakit ng likod. Tandaan na ang timbang ay dapat isaalang-alang sa pagpili ng kutson. Kung mas mabigat ka, malaki ang tsansa na lulubog ka sa isang napakalambot na kutson.

Maaari bang maging sanhi ng pananakit ng likod ang matigas na kutson? Bagama’t may paniniwala na mabuti ang isang matigas na kutson para sa masakit na likod hindi sumasang-ayon dito ang pananaliksik. Muli, ang timbang ay mahalaga sa pagpili ng tamang kutson. Kung mas mabigat ang isang tao malamang na mas kailangan mo ng mas matigas na kutson upang magbigay ng tamang antas ng suporta para sa iyong gulugod.

Pagpili ng kutson

Humanap ng kutson na magbibigay ng suporta para sa natural na mga kurba at pagkakahanay ng gulugod. Ang tamang dami ng back support ay makakatulong din upang maiwasan ang pananakit ng kalamnan sa umaga. Bagama’t walang gaanong klinikal na data tungkol sa mga kutson, natuklasan ng isang pag-aaral na ang mga medium-firm na kutson ay kadalasang nagbibigay ng higit na lunas sa sakit sa likod kaysa sa mga matatag na kutson.

Dapat hanapin ang balanse sa pagitan ng suporta sa likod at kaginhawaan sa pagpili ng kutson. Ang pangkalahatang kaginhawaan habang natutulog sa kutson ay kasing halaga ng sapat na suporta sa likod. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.sleepfoundation.org/best-mattress/best-mattress-for-back-pain

https://orthoinfo.aaos.org/en/staying-healthy/preventing-back-pain-at-work-and-at-home/

https://www.medicalnewstoday.com/articles/mattresses-for-lower-back-pain

https://my.clevelandclinic.org/health/articles/4290-low-back-pain-coping

https://www.nata.org/press-release/030210/aaos-and-nata-team-psa-campaign-combat-back-pain

Kasalukuyang Version

11/01/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Pagtulog Ng Walang Underwear: Top 5 Benefits Para Sa Iyo!

Ano ang Sleep Deficiency at Paano Ito Makaapekto sa Iyong Kalasugan?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement