backup og meta

Stress Sa Relasyon, Bakit Ito Nangyayari At Ano Ang Dapat Gawin Dito?

Stress Sa Relasyon, Bakit Ito Nangyayari At Ano Ang Dapat Gawin Dito?

Natuklasan ng mga pag-aaral kung paano negatibong nakakaapekto sa kalusugan ang stress sa relasyon. Bagama’t napatunayan din ng iba’t ibang pananaliksik na ang pagkakaroon ng healthy at loving relationships ay may positibong epekto sa kalusugan ng mga tao.

Ang mga indibidwal nasa healthy at loving relationship ay karaniwan na mga “happy person”. Sila rin ang mga klase ng tao na mas kaunti ang nararanasang stress. Positibo itong nakakaapekto sa kanilang pisikal at mental well-being.

Subalit sa mga toxic relationships, may negative consequences ito sa parehong mental at physical health ng indibidwal. Ang stress ang pangunahing dahilan ng lahat ng negatibong epekto. Ito ang nag-uudyok sa katawan na maglabas ng biochemicals na nag-a-allow na mag-operate ito sa heightened state.

Gayunpaman, ang mga tao ay hindi nakalaan na mag-function sa ganoong paraan nang regular. Kaya ang pagdanas nito ng matagal ay may negatibong epekto sa mga indibidwal. Ang mga nakakaranas ng madalas na pag-aalala at salungatan ay nasa risk na maranasan ang mga epekto ng stress sa relasyon sa kalusugan.

Paano Makakaapekto ang Stress sa Relasyon sa Kalusugan

Mas mahinang immune system

Tulad ng nabanggit, ang stress ay nagbibigay ng signal sa katawan para mag-operate sa isang antas na higit sa normal. Ito ay bahagi ng ebolusyon ng tao. Nakatulong ito sa ating mga unang ninuno na magkaroon ng kapaki-pakinabang na kakayahan. Para madaig ang mga dangerous encounters.

Gayunpaman, ang pagiging constant sa antas na ito ay maaaring maging taxing sa ilang partikular na indibidwal. Idagdag mo pa na maaapektuhan rin ang kakayahan sa pag-iwas sa sakit.

Binanggit ng American Psychological Association ang isang pag-aaral mula 1982 hanggang 1992. Kung saan ang medical students ay nagpakita na ang simpleng pagsasailalim sa 3 araw na pagsusulit ay humahantong sa mataas na stress. Nakita rin na mas mababa ang kanilang natural na resistensya sa mga sakit. Ang mga karagdagang pag-aaral ay nagpakita na ang matagal na exposure sa stress ay sanhi para lubhang ma-compromise ang immune system.

Sakit ng katawan o Body pains

Bukod sa mas madaling kapitan ng sakit ang taong stress. Ang pagkakaroon nito madalas, mula man sa mga relasyon o iba pa ay nagdudulot ng headache at body pain.

Iniuugnay ito ng American Institute of Stress (AIS) sa katotohanan na ang stress ay nagiging sanhi ng pag-igting ng muscles. Para maprotektahan ito mula sa pinsala. Ang muscles ng mga taong constantly bombarded ay mas strained. Dahil sa mas kaunting pagkakataong makapagpahinga.

Idagdag pa na maaari rin itong ma-trigger ng vicious cycle ng pagiging dependent para i-manage ang sakit.

Stress sa Relasyon: Sexual dysfunction o mababang libido

Ang pagharap sa stress sa relasyon ay nakakaapekto sa ating sexual drive at maaaring magresulta sa dysfunction.

Ang pagiging stress ay nakakapagod sa mga tao sa pisikal at mental. Kapag tayo ay nasa ilalim ng stress, ang ating katawan ay gumagawa ng mas maraming cortisol. Ang madalas na stress ay maaaring makaapekto sa konsentrasyon ng mga sex hormone. Nagreresulta ito sa pagkawala ng interes sa sex at maaaring magresulta sa dysfunction.

Sinabi rin ng AIS na ang matagal na stress ay nagdudulot ng pagbaba sa antas ng testosterone sa mga lalaki. Ito ay maaaring magdulot ng erectile dysfunction, impotence at pagtaas ng risk ng impeksyon sa male reproductive organs. Para sa mga kababaihan, ang stress ay maaaring magdulot ng hindi regular na mens. Mabigat o painful periods at paggawa ng hindi kanais-nais na physical symptoms ng menopause.

Bukod sa physiological effects, maaari din nitong bawasan ang libido. Sa pamamagitan ng pag-apekto sa isang indibidwal psychologically. Ang pagkawala ng interes sa sex ay maaaring resulta ng pagkabalisa o stress.

Pagtaas ng cardiovascular disorders

Natuklasan ng isang pag-aaral ng isang team ng mga epidemiologist sa Britanya. Ang pagkakaroon ng away o alitan ng magkarelasyon ay nagko-contribute sa relational stress. Sila ay may 34% na risk sa pagkakaroon ng mga atake sa puso at stress na sanhi ng chest-pains.

Ang mga taong nakakaranas ng stress sa relasyon, ayon sa pag-aaral. Sila ay may posibilidad na magkaroon ng mataas na chance na magkaroon ng mga isyu sa cardiovascular. Tulad ng sakit sa puso, diabetes, insulin resistance, at hypertension.

Bukod sa mga epekto nito sa pisyolohikal, maaari din nitong bawasan ang libido, sa pamamagitan ng pag-apekto sa isang indibidwal sa psychologically. Ang pagkawala ng interes sa sex ay maaaring resulta ng pagkabalisa o stress.

Gastro-intestinal issues

Kapag nasa ilalim tayo ng stress, ina-activate ng ating nervous system ang tugon na “fight-or-flight”, na naglalabas ng stress hormone cortisol. Maaari itong humantong sa mga gastrointestinal effect. Ang mga taong stress ay kilala na nakakaranas ng esophagus spasms at pagtaas ng acidity. Ito ay maaaring magdulot ng hindi pagkatunaw ng pagkain, pagduduwal, pananakit ng tiyan, heartburn. At kung minsan, pagtatae at constipation.

Problema sa pagtulog

Bukod sa mga pisikal at sikolohikal na epekto na nabanggit. Ang stress ay maaaring makapinsala din sa mga pattern ng ating pagtulog. Tandaan na ang stress sa relasyon ay maaaring humantong sa mga isyu sa pagtulog tulad ng insomnia.

Ang pagkakaroon ng problema sa pagtulog kapag nakakaranas tayo ng stress sa relasyon ay maaaring humantong sa nakakapanghina na insomnia. Ito ay maaaring magresulta sa kakulangan ng enerhiya at matinding mood swings.

Mga problema sa balat

Ang stress ay nag-i-istimulates sa pagre-release ng cortisol. Kung saan nakakaapekto ito sa organs ng katawan at ang balat. Ang mga mayroon nang dati nang kondisyon tulad ng acne, psoriasis, dermatitis at eczema. Sila ang mga taong maaaring makaranas ng mga pinalubhang sintomas. Pinapabilis din ng stress ang pagtanda ng balat. At humahantong sa duller at mas magaspang na texture. Dahil nakakasagabal ito sa natural na proseso ng pagpapagaling.

Kalusugang pangkaisipan o Mental Health

Bukod sa nakakapinsala sa’yong physical well-being. Ang madalas na stress ay maaaring magdulot ng kalituhan sa’yong kalusugang pangkaisipan. Ito’y maaaring humantong sa mababang pagpapahalaga sa sarili, kawalan ng kapanatagan, pagkabalisa, at depresyon. Ang mga pag-aaral ay nagpapatuloy sa paksang ito. Ipinakita ng pananaliksik na ang stress ay maaaring makaapekto sa istraktura ng utak at cells ng utak, kaya humahantong sa sakit sa isip.

Paano makayanan ang stress sa relasyon

Mahalagang matukoy kung ang stress sa relasyon ay isang temporary glitch lamang o isang permanenteng features. Kung dumaan lang kayo sa isang rough patch, kinakailangan na makipagtulungan sa’yong kapareha. Para matugunan ang mga underlying issues na nagdudulot ng stress.

Ang isang matigas, tapat ngunit kalmado at mapagmahal na pag-uusap ay kailangan. Upang i-hash out ang iyong mga pagkakaiba at magkasundo sa mga kompromiso. Kung kinakailangan, humingi ng tulong sa mga pinagkakatiwalaang tagapayo o propesyonal. Para tumulong na matugunan ang mga isyu, at sa huli ay ayusin ang iyong relasyon. Gawin ito!

Gayunpaman, kung ang relasyon ay mapang-abuso na sa salita o emosyonal na. Dapat isaalang-alang kung ito ay ito ay mahalaga pa rin na sagipin ang relasyon.

Kung hindi na matatagalan, ang naghihirap na kapareha ay dapat gumawa ng mga kinakailangan at agarang hakbang. Upang makaalis sa relasyon para sa kapakanan at maging sa kaligtasan.

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng isip, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Health Benefits of Strong Relationsips https://www.health.harvard.edu/newsletter_article/the-health-benefits-of-strong-relationships

https://www.apa.org/research/action/immune

http://www-personal.umich.edu/~nesse/Articles/Stress&Evolution-2000.PDF

Stress Effects: How is Stress Affecting You? https://www.stress.org/stress-effects

A Bad Relationship Can Cause a Heart Attack https://www.reuters.com/article/us-heart-relationships-idUSL0824271720071009

https://jamanetwork.com/journals/jamainternalmedicine/fullarticle/413183

https://www.sleepfoundation.org/insomnia/insomnia-you

https://www.businessinsider.com/skin-conditions-that-get-worse-with-stress-2018-1

https://www.mqmentalhealth.org/posts/stress-and-mental-health

www.psychologytoday.com/us/blog/how-the-mind-heals-the-body/201412/the-stress-sex-connection

Kasalukuyang Version

09/11/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

4 Tips Paano Ka Makakaalis sa Toxic Relationship!

Posible Bang Mabago Ang Masamang Ugali? Alamin Ang Kasagutan Dito!


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement