Bakit nakikipagtalik ang mga tao? Depende sa iyong paniniwala at tradisyon, maaari mong tignan ang pakikipagtalik bilang gawain upang magbigay ng pleasure. Maaaring ito rin ay upang magbigay ng romantic intimacy, o paraan upang mapagpatuloy ang dugo sa pamilya. Gayunpaman, ang abnormal na kagustuhan ay maaaring humantong sa compulsive sexual behaviors. Ito ay maaaring makasasama sa iyo, sa iyong buhay sa bahay, trabaho, at relasyon. Basahin upang malaman ang sex addiction, at ano ang gamot sa sex addiction.
Ano ang sex addiction?
Nangyayari ang sex addiction kung naranasan mo ang compulsive na kagustuhan na magsagawa ng sekswal na gawain sa dalas ng panahon (sa loob ng anim na buwan). Nasa punto itong masasayang ang mahabang oras, nakararanas ng kawalan ng kontrol, at pakiramdam ng naka-depende sa pagsasagawa ng sekswal na gawain. Darating sa punto kung saan ang pagsasagawa sa mga behaviors na ito ay maaaring nakasasama sa iyo at sa mga taong nakapaligid.
Ang kondisyon na ito ay maaaring makita sa labis na pagnanais ng gawaing sekswal tulad ng:
- Sexual intercouse o pakikipagtalik (sa maraming partners)
- Pagkonsumo ng pornograpiya
- Masturbation
- Pakikisangkot sa cybersex
- Pag-access sa prostitution
- Voyeurism
- Ilegal na sekswal na gawain
Ang kondisyon na ito ay maaaring lumala dahil sa pagkakaroon ng access sa sexual content at privacy sa paggawa ng compulsive na gawain.
Kung hindi gagamutin, ayon sa American Addiction Centers, maaaring makaranas ka ng mas malalang pagnanais. Ito ay hahantong sa seryosong epekto kabilang ang:
- Personal na pinsala
- Banta sa kalusugan
- Banta sa trabaho
- Abuso sa substance
- Legal na kahihinatnan
Kailan tatawag ng doktor?
Ang pagtanggap na mayroong problema sa pagkontrol ng sekswal na gawi at pagnanais ay maaaring mahirap para sa mga taong may sintomas ng sex addiction. Ayon sa American Addiction Centers, ang mga taong may kondisyong ito ay nagdadalawang isip na sabihin ang kanilang problema. Gayunpaman, ang pagdadalawang isip na ito ay maaaring humantong sa hindi magandang epekto na kabilang ang social at personal na buhay.
Ang paghingi ng tulong sa paggamot ng isyu na ito ay maaaring mapakinabangan ng mga may sintomas ng sex addiction. Ang unang hakbang para rito ay tukuyin at tayahin ang mga senyales ng compulsive sexual behavior nang maaga. Maaari mong makita ang mga senyales na maaaring ang iyong sekswal na gawain ay hindi nakokontrol, o ito ay adversely na nakaaapekto sa iyong pangkabuuang kalusugan.
Gamot sa sex addiction
Ang sex addiction ay nagiging malala sa paglipas ng panahon, na humahantong sa nakapamiminsalang gawi. Maaari nitong maapektuhan ang kabuuang pagkatao o pagkatao ng ibang tao.
Paano nadi-diagnose ang sex addiction at paano ito nagagamot? Ang kondisyon na ito ay maaaring tugunan sa pamamagitan ng maraming paraan. Layunin nito na bumalik ang kontrol sa pagnanais na sekswal at bawasan ang compulsive behaviors sa sexual urges. Ang mga lunas na ito ay kabilang ang:
Psychotherapy
Kilala rin sa tawag na “talk therapy,” kabilang sa psychotherapy ang one-on-one counseling sa mga doktor o therapists. Sa paraan na ito, maaaring matutuhan ng mga pasyente na i-manage ang compulsive behaviors, maging ang pagnanais na makikita sa sex addiction. Sa ilalim nito ay ang mga sumusunod:
- Cognitive Behavioral Therapy (CBT) – Ang mga therapist ay nakatutulong sa mga pasyente sa pagtukoy at pagharap ng mga negatibong pag-iisip na nakati-trigger sa kanilang addiction. Natutuhan ng mga pasyente ang coping mechanism na maaaring makatulong sa positibong pagma-manage ng pagnanais.
- Acceptance and Commitment Therapy – Kabilang dito ang pagtanggap ng mga pasyente sa pag-iral ng mga ganitong gawi at pagnanais habang nagco-commit sa maayos na pagtugon sa mga pagnanais na ito na may kaugnay sa kanilang addiction. Kabilang din dito ang pagbabalik sa values at pagninilay sa paniniwala ng isang tao.
- Psychodynamic Therapy – Kabilang dito ang pagtugon sa “emotional development at attachment styles” sa pamamagitan ng pagtanaw sa naranasan ng tao noong bata at ang kanyang history.
- Motivational Enhancement Therapy – Matapos ito, ang mga indibidwal ay maaaring magkaroon ng motibasyon upang maayos na tugunan ang kanilang sekswal na gawi.
- Couple Therapy – Ang porma ng therapy na ito ay nakatutulong para sa couples na ang sex addiction ay naging salik ng pagkasira ng kanilang relasyon.
Mga Gamot
Ang ilan sa mga gamot sa sex addiction ay maaaring gamitin upang matugunan at mabawasan ang compulsive na pagnanais at gawi na may kaugnayan sa sex addiction, tulad ng:
- Antidepressants tulad ng Selective Serotonin Reuptake Inhibitors o SSRIs ito ay nakatutulong sa paggamot ng depression at obsessive compulsion na makikita sa sex addiction.
- Naltrexone (Vivitrol) ay nakatutulong sa pagtugon ng alcohol at opiate dependence. Gayunpaman, maaari din nitong matugunan ang compulsive behaviors na may kaugnay ng pagnanais na sekswal.
- Mood stabilizers na karaniwang tumutugon sa bipolar disorder na makatutulong sa pagbawas ng labis na pagnanais sekswal.
- Anti-androgens na nakababawas sa “biological effects ng sex hormones” sa mga lalaki. Kabilang dito ang kagustuhang sekswal.
Support groups
- Self-help groups – Ang mga grupong ito ay maaaring makapagbigay ng dagdag na suporta para sa mga indibidwal na sumusubok na tugunan ang sex addiction. Karamihan ng mga grupo ay sumusunod sa 12-step na recovery program na mula sa Alcoholics Anonymous
- Inpatient o residential treatment – Sa ilalim ng gamot na ito, ang mga indibidwal ay mananatili sa recovery center ng ilang linggo para sa kanilang recovery mula sa sex addiction.
Mahalagang Tandaan
Ang compulsive sexual behavior o sex addiction ay isang disorder na kaugnay ng labis na pagnanais sa sekswal na gawain. Ito ay maaaring mag-trigger sa iba’t ibang aspekto ng pagkatao. Maaari din nitong maapektuhan ang mga tao sa paligid mo. Ang pagkawala ng kontrol sa sekswal na gawain ay maaaring lumala sa paglipas ng panahon. Maaari din itong humantong sa mas mapaminsalang gawain.
Ano ang gamot sa sex addiction? Maraming mga therapies at gamot na mabibili upang makatulong sa pagharap ng ganitong uri ng adiksyon. Ilan sa mga unang hakbang ay ang pagtanggap sa pagkakaroon ng mga pagnanais na ito at pangangailangan na tugunan ang problema.
Matuto pa tungkol sa Malusog na Pag-iisip dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.