Ayon sa psychologist na si Lynn Bufka, ang stress at pakiramdam ng kawalan ng katiyakan ay pwedeng mangyari. Kapag may mga bagay tayong hindi makontrol at hindi na maintindihan ang mga nagaganap.
“Even po sa gc namin, politics na po ang usapan, kasi aware na po kami sa effects ng election na ito sa buhay namin. Kaya po nakakaiyak na hindi namin pwedeng kontrolin ‘yung mga nangyayari,” ayon kay Cath.
Lumalabas din sa iba’t ibang pag-aaral, na ang election news. Maging ang panonood ng news coverage, at exposure sa social media ay pwedeng mag-trigger ng acute stress symptoms.
“Siguro po maganda na i-divert natin muna ‘yung attention natin sa ibang bagay po. Para ma-refresh ang utak natin, need pa rin po kasi natin magpatuloy,” pagwawakas ni Cath.
Resulta ng Eleksyon: Reaksyon ng mga botante

“Sobrang naapektuhan talaga ako ng election, hindi dahil botante lang ako. Kasi nu’ng nag-pandemic mas naisip at nakita ko ‘yung kalagayan ng less fortunate. Kaya sabi ko sa sarili ko, dapat ang lider nalalapitan,” pahayag ni Joan Lee, isang financial advisor at assistant unit manager.
Ayon sa artikulo na pinamagatang “Political change and mental health” ang pulitika ay pwedeng makaapekto sa’tin sa iba’t ibang paraan. Maaari itong magdulot ng pagkabalisa at depresyon sa isang tao. Sapagkat, ito’y isang mabigat na usapin at kinakailangan ng malalim na diskurso.
“Umaasa ako sa good governance, hindi lang para sa sarili ko at sa pamilya ko. Gusto ko rin na maging way ‘yung lider natin na matulungan ang mga kapos,” pagdaragdag ni Joan.
Hindi maiaalis kay Joan na maapektuhan ng mga pangyayaring may kaugnayan sa eleksyon. Dahil na rin sa kanyang perspektibo tungkol sa resulta ng halalan. Ayon na rin sa pag-aaral na pinamagatang “Friends, relatives, sanity and health: The costs of politics”. Kinumpirma na pwede talagang makasama sa pisikal na kalusugan ng isang tao ang pulitika.
“Ineexpress ko na lang sa social media ‘yung naging pakiramdam ko sa eleksyon. Doon ako nagve-vent out. Kasi kailangan kong ilabas ‘yung nararamdaman ko, para maka-move on na rin,” pagwawakas ni Joan.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap