backup og meta

Resulta Ng Eleksyon: Ano Ang Mabuting Paraan Upang Harapin Ito?

Resulta Ng Eleksyon: Ano Ang Mabuting Paraan Upang Harapin Ito?

Iba-iba ang reaksyon at pagtanggap ng mga tao sa resulta ng eleksyon.  Dahil kinabukasan ng mga Pilipino at bansa ang nakasalalay. Marami sa tao ngayon sa Pilipinas ang hindi maiwasan na hindi maging apektado. Ang ilan sa kanila ay prinoproseso pa ang mga kaganapan kaugnay ng eleksyon. Sapagkat, ang resulta ng Halalan 2022 ang magdidikta ng kanilang bukas sa Pilipinas.

Basahin ang artikulong ito upang marinig ang iba’t ibang kuwento ng mga Pilipino. Tungkol sa naging reaksyon at damdamin sa Halalan 2022 — at kung ano ang mga pwedeng gawin para i-handle ito.

Resulta ng eleksyon: Reaksyon ng mga kabataang hindi pa botante

“Mas naramdaman ko po ‘yung involvement ng kabataan ngayon. Kumpara sa previous years po. Dala na rin po siguro ng eargerness natin na magkaroon ng pagbabago. Kasama na rin po ‘yung takot na dinala ng pandemic,” pahayag ni Trisha Espiritu.

Si Trisha ay isang mag-aaral mula sa pribadong unibersidad. Kalahok siya sa iba’t ibang organisasyon na may layuning magmulat ng kapwa kabataan. Naniniwala si Trisha na ang Halalan 2022 ang isa sa pwedeng maging susi. Para malagpasan nilang mga kabataan ang suliraning kinakaharap bunga ng pandemya.

“Nakakalungkot lang po na madalas kailangan lang po ng matunog na plataporma. ‘Yung kapag tinanong po paano makukuha, wala pong konkretong paraan kung paano ma-achieve. Tapos dahil sikat po, iboboto ng tao,” pagdaragdag ni Trisha.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nakaramdam ng pagkadismaya si Trisha sa kanyang kapaligiran. Dahil pakiramdam niya maraming tao at bagay ang nasayang sa paraan ng pagpili ng mga tao. Batay na rin sa survey mula sa American Psychological Association and Harris Poll. Lumalabas na ang Presidential Election ay makabuluhang source ng stress ng kanilang buhay.

Bakit nakikiisa ang mga kabataang hindi pa botante?

“Na-realize ko po kasi kahit hindi pa po kami botante at wala pa sa legal age. May karapatan pa rin po kami maglabas ng opinyon at saloobin namin. Hindi lang kami basta kabataan na nanood lang, may voice kami na dapat gamitin. Kasi po na-realize ko rin po na isa kami sa apektado ng resulta ng botohan,” pahayag ni Cath De Borja.

Tulad ni Trisha, isa ring mag-aaral si Cath na naghahangad ng pagbabago para sa kanyang bansa. Umaasa siya na magkakaroon ng magandang administrasyon, dahil kinabukasan nila ang nakataya.

“Hindi po ako madasaling tao, pero napadasal po ako. Nagawa ko pong magrosaryo,” pagdaragdag ni Cath.

Ayon sa psychologist na si Lynn Bufka, ang stress at pakiramdam ng kawalan ng katiyakan ay pwedeng mangyari. Kapag may mga bagay tayong hindi makontrol at hindi na maintindihan ang mga nagaganap.

“Even po sa gc namin, politics na po ang usapan, kasi aware na po kami sa effects ng election na ito sa buhay namin. Kaya po nakakaiyak na hindi namin pwedeng kontrolin ‘yung mga nangyayari,” ayon kay Cath.

Lumalabas din sa iba’t ibang pag-aaral, na ang election news. Maging ang panonood ng news coverage, at exposure sa social media ay pwedeng mag-trigger ng acute stress symptoms.

“Siguro po maganda na i-divert natin muna ‘yung attention natin sa ibang bagay po. Para ma-refresh ang utak natin, need pa rin po kasi natin magpatuloy,” pagwawakas ni Cath.

Resulta ng Eleksyon: Reaksyon ng mga botante

“Sobrang naapektuhan talaga ako ng election, hindi dahil botante lang ako. Kasi nu’ng nag-pandemic mas naisip at nakita ko ‘yung kalagayan ng less fortunate. Kaya sabi ko sa sarili ko, dapat ang lider nalalapitan,” pahayag ni Joan Lee, isang financial advisor at assistant unit manager.

Ayon sa artikulo na pinamagatang “Political change and mental health” ang pulitika ay pwedeng makaapekto sa’tin sa iba’t ibang paraan. Maaari itong magdulot ng pagkabalisa at depresyon sa isang tao. Sapagkat, ito’y isang mabigat na usapin at kinakailangan ng malalim na diskurso. 

“Umaasa ako sa good governance, hindi lang para sa sarili ko at sa pamilya ko. Gusto ko rin na maging way ‘yung lider natin na matulungan ang mga kapos,” pagdaragdag ni Joan.

Hindi maiaalis kay Joan na maapektuhan ng mga pangyayaring may kaugnayan sa eleksyon. Dahil na rin sa kanyang perspektibo tungkol sa resulta ng halalan. Ayon na rin sa pag-aaral na pinamagatang “Friends, relatives, sanity and health: The costs of politics”. Kinumpirma na pwede talagang makasama sa pisikal na kalusugan ng isang tao ang pulitika. 

“Ineexpress ko na lang sa social media ‘yung naging pakiramdam ko sa eleksyon. Doon ako nagve-vent out. Kasi kailangan kong ilabas ‘yung nararamdaman ko, para maka-move on na rin,” pagwawakas ni Joan.

Resulta ng Eleksyon: Iba pang mga epekto sa mental health

Narito pa ang mga sumusunod na epekto ng resulta ng eleksyon sa isang tao:

  • Economic Anxiety. Nangyayari ito, kapag ang isang indibidwal ay walang tiwala sa taong nanalo at maging sa kanyang mga plataporma. 
  • Cumulative Effect. Pwedeng makaranas ang tao nito, depende sa degree ng resilency niya.
  • Walang kasiguraduhang pakiramdam. Ang takot na hindi mo alam saan nagmumula ay “makapangyarihan”. Maaaring makaranas ang tao nito, dahil sa pagkakaroon ng bagong administrasyon.

Resulta ng Eleksyon: Mga tip para harapin ito

Kagaya ng nabanggit, ang eleksyon at pulitika ay hindi birong usapin. Kahit sino pwedeng makaranas ng depresyon at pagkabalisa — botante ka man o hindi. Narito ang mga sumusunod na paraan na maaaring gawin para harapin ang resulta ng eleksyon:

  • Limitahan ang paggamit muna ng social media. Maganda, kung ipahinga mo muna ang iyong sarili sa pag-absorb ng negativity. Dahil maraming balita ang pwedeng makaapekto sa’yong mental health.
  • Pagsasagawa o pagpapanatili ng healthy habits. Marahil, hindi ka makatulog dahil sa eleksyon at pulitika. Mas makakabuti para sa’yo na kumuha pa rin ng sapat na tulog. Para mas maging malinaw ang pag-iisip at makapagpahinga. Huwag ring kakalimutang kumain ng masusustansyang pagkain.
  • Pagkakaroon ng awareness sa 5 stages of grief. Makakatulong ito para mas maunawaan mo ang iyong pinagdadaanan. Sapagkat, sa pagtanggap ng resulta ng eleksyon. Maaaring pagdaanan mo muna ang mga sumusunod: denial, bargaining, depresyon at galit.
  • Makipag-usap sa mga taong mahal at pinagkakatiwalaan. Sa bahaging ito pwedeng gamitin ang “motivate healthy coping mechanism”. Ito ang pagpapalakas ng loob sa bawat isa sa pamamagitan din ng pakikipag-usap, at makita ang pag-asa sa pangyayari na may kaugnayan sa pulitika at eleksyon.

Key Takeaways

Ang eleksyon o paghahalal ng mga bagong pinuno ng bansa ay isang mahalagang desisyon sa bawat isa. Nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng lahat — botante ka man o hindi. Sa desisyon ng bawat indibidwal, apektado ang lahat. Kaya naman, hindi maiiwasan na makaranas ng depresyon at pagkabalisa ang ilan sa mga tao. Sapagkat, hindi ito isang birong usapin lamang. Magpakonsulta agad sa doktor, sa oras na makaranas ng mga sintomas kaugnay sa pagkakaroon ng mental illness.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Election Stress Getting To You? 4 Ways To Keep Calm https://www.npr.org/sections/health-shots/2020/10/26/927340197/election-stress-getting-to-you-4-ways-to-keep-calm Accessed May 12, 2022

68% of people are significantly stressed by the election – here are 4 science-backed ways to cope with election anxiety

https://www.cnbc.com/2020/10/07/study-american-adults-report-election-stress-anxiety-tips.html Accessed May 12, 2022

Political change and mental health https://www.mentalhealth.org.uk/blog/political-change-brexit-research Accessed May 12, 2022

Post-election grief is real, and here are 5 coping strategies – including getting back into politics https://theconversation.com/post-election-grief-is-real-and-here-are-5-coping-strategies-including-getting-back-into-politics-149125 Accessed May 12, 2022

High ‘election anxiety’ palpable as polls near https://newsinfo.inquirer.net/1593686/high-election-anxiety-palpable-as-polls-near Accessed May 12, 2022

 

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement