Madalas na iniuugnay ang fatigue sa estado ng pagiging sobrang pagod. Ngunit, ayon sa mga eksperto, ang fatigue ay maaaring lumampas pa sa pisikal na estado. Ang ibang tao ay maaaring “subjectively fatigued”, kung saan ito ay pakiramdam ng antok o pagod. Kadalasan, ang kalagayang mental ang nagdurusa sa kapaguran. Ano ang mga senyales at dapat gawin sa mental fatigue?
Ano ang mental fatigue?
Bagaman ang mental fatigue ay walang opisyal na diagnosis, ang mga sintomas at epekto nito ay maaaring makaapekto sa kalidad ng pamumuhay ng tao.
Sa pangkalahatan, kung ikaw ay may mental fatigue, ang iyong isipan ay labis na pagod. Ito ay makaaapekto sa iyong kakayahan magdesisyon, magbigay-pansin, o proseso ng pag-iisip.
Iba-iba ang mga rason sa kapagurang mental. Maaaring ito ay dulot ng stress, mataas na demand ng trabaho, at mga walang kasiguraduhan sa hinaharap. Maging ang mga paulit-ulit na gawain at ang nakapalibot ay maaaring magdulot ng fatigue.
Sumakatawid, ang pandemya rin ay nagdulot sa karamihan ng tao na makaranas ng fatigue (pandemic fatigue).
Minsan, ang pisikal na pagkilos ay maaaring magsanhi ng pagod sa isipan. Gayundin sa mental, maaaring pisikal na maramdaman ang pagod kung pagod ang isipan.
Itinala ng isang ulat na ang mental fatigue ay ang sentral na bahagi ng cognitive at clinical na katangian ng stress-related exhaustion disorder (ED). Ang ED ay kondisyon na resulta ng mga sintomas mula sa pisikal at sikolohikal na kapaguran dulot ng matagal na psychosocial stress.
Paano malaman kung may Mental Fatigue
Dahil ito ay walang klinikal na diagnosis, walang opisyal na tala ng mga senyales at sintomas. Ngunit mayroong mga senyales na ang isang tao ay nakararanas ng kapaguran ng isip.
Narito ang ilan sa mga sintomas ng mental fatigue:
- Pagiging short-tempered o mabilis mainis
- Kawalang kakayahan magbigay-pansin, madaling malihis ang atensyon
- Hirap sa pag-unawa ng mga binibigay na impormasyon
- Hirap na paglutas ng problema
- Pakiramdam ng pagiging hindi konektado
- Madaling makalimot
- Hirap sa paggawa ng desisyon; nahihirapan maging desidido sa mga nakagawian
- Nahihirapan sa paggawa ng pang-araw-araw na gawain
- Umiiwas sa responsibilidad
Tandaan na ang mental fatigue ay maaaring makaabot sa mga pisikal na sintomas (problema sa pagtulog, pananakit ng ulo, etc.)
Kung hindi ima-manage, maaaring maging balisa o ma-depress ang tao. Ano ang dapat gawin sa mental fatigue?
Paano Harapin ang Mental Fatigue
Kung ikaw ay nakararanas ng sintomas ng kapagurang mental, maaaring gawin ang mga sumusunod na tips.
1. Tanungin ang sarili: Ano ang dahilan ng mental na kapaguran mo?
Sa maraming kaso, ang mental fatigue ay resulta ng maraming kadahilanan. Ngunit, kung alam ang partikular na sanhi, mas magagawa ang angkop na paraan upang ma-manage ang fatigue.
Halimbawa, kung ang mataas na demand ng trabaho ang nagdudulot ng fatigue, maaaring kausapin ang iyong superior o mga katrabaho tungkol dito. Marahil, maaaring kang magpahinga, italaga ang ilang mga gawain, o iurong ang mga deadlines.
2. Mag-focus sa Kalusugan
Ang maling nutrisyon, kakulangan sa ehersisyo, at hindi sapat na tulog ay maaaring makadagdag sa mental fatigue.
Kumain ng balanseng diet at masustansyang pagkain, mag-ehersisyo ng ng nasa 30 minuto araw-araw, at matulog ng hindi bababa sa 7 oras bawat gabi. Ito ay nagpapalakas sa katawan at lumaban sa mga stressor.
3. Ang self-care ay hindi “waste of time”
Ang pagpapahinga mula sa trabaho, pagsasanay ng meditation, at paggawa ng mga bagay na nagdudulot sa iyo ng kaligayahan ay hindi pagsasayang ng oras.
Sa katunayan, ayon sa mga eksperto, kinakailangang maghanap ng mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo araw-araw.
4. Organize at prioritize
Ang pagiging organisado at pagbibigay prayoridad sa mga gawain ay nakatutulong upang mabawasan ang mental fatigue. Napabibilis ang pagkilos ng pagiging organisado at nababawasan ang kaguluhang pisikal at mental.
Ang pagbibigay prayoridad ay nakatutulong na magawa ang mga bagay sa mas madaling panahon.
5. Humingi ng Suporta
Kung nais na matalo ang mental fatigue, kinakailangan humingi ng tulong kung kinakailangan.
Humingi ng tulong kung kinakailangan mapabilis ang mga gawain. Kung ang delegasyon ng mga gawain ay nakababawas ng stress, ang paghindi sa tao kung wala kang kakayahan o lakas na gumawa ng mga bagay ay isa rin paraan ng paghingi ng suporta.
Ang paghingi ng tulong ay nangangahulugan ding pakikipag-ugnayan sa mga eksperto sa mental health kung kinakailangan. Ito ay napakahalaga kung ang mga mental na sintomas ay nakakaapekto na sa pang-araw-araw na gawain o kung may sintomas ng pagkabalisa o depression.
Matuto pa tungkol sa pagkakaroon ng malusog na pag-iisip dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.