backup og meta

Dark humor bilang coping mechanism, epektibo ba?

Dark humor bilang coping mechanism, epektibo ba?

Maraming nagtatanong kung ang dark humor bilang coping mechanism ay epektibo sa pagkaya ng stress at depresyon. Gayunpaman, sumang-ayon ang mga eksperto na ang humor ay talagang isang malusog na mekanismo. Sa pagkaya at pagpapabuti sa quality of life.

Ano ang coping mechanism?

Kapag nahaharap sa mabigat o traumatikong mga sitwasyon. Ang mga tao ay gumagamit ng ilang mga pamamaraan at techniques para makayanan ito. Coping mechanism— ay ang conscious actions at mga desisyon upang mapawi ang stress. Sa kabaligtaran, ang mga defense mechanism ay ang unconscious responses. Tulad ng pag-flinching o initial denial.

Mayroong apat na kategorya ng pagkaya o coping at ang bawat isa ay nakatuon sa mga problema, emosyon, mean, at aspetong panlipunan. Ang katatawanan ay emotionally focused na type ng coping mechanism. Kasama sa iba pang mga halimbawa ang positive mental reframing, espirituwal o relihiyosong mga kasanayan (hal. panalangin, pagmumuni-muni), at pagtanggap.

Epektibo ba ang paggamit nito?

Ang pagharap sa isang isyu ay hindi palaging nangangahulugan na ang isyu ay nareresolbahan. Sa halip, gumagana ang mga mekanismong ito sa pamamagitan ng pag-alis ng stress at pagpapanumbalik ng kapayapaan ng isip. Tandaan na ang coping mechanism ay kapaki-pakinabang.Tulad sa sitwasyong ito: Ang pagharap sa isang pagkamatay sa pamilya o pagharap sa paghihiwalay sa panahon ng pandemya ng COVID-19.

Dark humor bilang coping mechanism

Ang pagpapatawa ay isang natural na mekanismo para sa mga tao. Sa katunayan, ang kakayahang gawing magaan ang isang sitwasyon ay isang tanda ng katatagan. Bagama’t iba-iba ang sense of humor ng lahat. Kadalasan ay nakakahanap pa rin tayo ng mga taong tulad ng ating humor at naibabahagi sa kanila.

Masasabing isa itong istilo ng komedya na gumagamit ng bawal o sensitibong paksa. Bilang mga topic ng mga biro. Ang ganitong uri ng katatawanan ay kadalasang kinabibilangan ng mga paksa tulad ng sakit, diskriminasyon, at kamatayan. Dahil dito, nakalaan ang dark humor para sa mas mature na tao.

Kapansin-pansin, ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga taong gumagamit ng dark humor ay may mas mataas na IQ. Bilang karagdagan, nagpapakita sila ng mas mababang aggression at mas resistant sa mga negatibong emosyon. Kaysa sa mga may typical humor.

Ang mga taong may mga propesyon kaugnay sa krimen, sakit, o kamatayan. Tulad ng police officers, mortician, medical professionals, at tauhan ng militar ay malamang na gumamit ng dark humor. Para makayanan ang kanilang mga trabaho. Sa panahon ng krisis, maaaring mas laganap ang dark humor sa media.

Mag-lighten up

Bagama’t lahat ay may sense of humor, kung ano ang itinuturing na katanggap-tanggap sa lipunan ay lubos nakadepende sa kultura. Sa ilang bansa, katanggap-tanggap na gumawa ng quips at biro tungkol sa mga politiko o religious figures. Gayunpaman, sa ibang mga bansa, ang isang negatibong komento ay maaaring ituring na isang krimen o kalapastanganan.

Ang dark humor ay touchy. Hindi ito cup of tea ng lahat at maaaring maging bastos o nakakasakit para sa ilang tao. Subalit hindi ito nangangahulugan na ang black humor ay masama; gayunpaman, gamitin ito nang may discretion.

Sa mga dumaranas ng karamdaman tulad ng kanser. Ang paggawa ng katatawanan sa kanilang kalagayan ay tila hindi gaanong seryoso sa kanila.

Maaaring may punto na ang mga biro na ito ay maaaring maging sanhi ng pagkabalisa at harassment (lalo na kapag masyadong below the belt). Kung ang iyong kaibigan o pamilya ay dumaranas ng isang mahirap na sitwasyon. Pinakamahusay na iwasan ang mga nakakasakit na biro na kinasasangkutan nila at/o kanilang kalagayan.

Bilang karagdagan, ang ilang mga tao ay nagbibiro tungkol sa kamatayan bilang isang paghingi ng tulong. Kung sa tingin mo ay madalas na iniisip mo ang kamatayan at pagpapakamatay sa buong araw. Maaari gustuhin mong isaalang-alang ang paghahanap ng isang propesyonal sa kalusugan ng isip.

Key Takeaways

Sa buod, ang dark humor bilang coping mechanism ay valid para sa maraming tao. Ang pagbibigay-liwanag sa isang mabigat na sitwasyon ay isang paraan para harapin ang stress at negatibong emosyon.
Gayunpaman, hindi lahat ay gumagamit ng dark humor o pinapahalagahan ito. Kaya palaging maging maalalahanin sa iba at sa paligid mo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cognitive and emotional demands of black humour processing: the role of intelligence, aggressiveness and mood https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5383683/ Accessed February 11, 2021

Who Benefits From Humor-Based Positive Psychology Interventions? The Moderating Effects of Personality Traits and Sense of Humor https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2018.00821/full Accessed February 10, 2021

Cultural Differences in Humor Perception, Usage, and Implications
https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2019.00123/full Accessed February 10, 2021

Coping Mechanisms https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK559031/Accessed February 10, 2021

Humor and Resiliency: Towards a Process Model of Coping and Growth https://ejop.psychopen.eu/index.php/ejop/article/view/464 Accessed February 10, 2021

Defense Mechanisms https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK559106/ Accessed February 10, 2021

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Law of Attraction at Paano Ito Gumagana sa Kalusugan?

Nakatutulong Ba ang Scented Candles sa Pagrelax? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement