backup og meta

Paano mo malalaman kung ikaw ay isang overthinker?

Paano mo malalaman kung ikaw ay isang overthinker?

Maliit man na pagkakamali o pagkabalisa sa mga nagyayaring hindi mo gusto, ang overthinking ay pwedeng magdulot ng pag-aalala. Nahihirapan ka ba sa kawalan ng tulog at pagkabalisa? Palagi ka bang nanghuhula tuwing may sasabihin sa iyo? Palagi mo bang iniisip ang tungkol sa iyong nakaraan o patuloy na nag-aalala tungkol sa mangyayari? Well, mukhang ito ay senyales ng overthinking! Paano mo malalaman kung ikaw ay isang overthinker?

Maaaring mahirap kontrolin ang nakababahalang mga iniisip, pero ang mga ito ay sisira lamang sa mental peace mo pagtagal. Ang iyong katawan ay naglalabas ng maraming cortisol kapag ang isip mo ay patuloy na nasa state of flux at anxiety mode. Ang pagtaas ng cortisol ay nakakaapekto sa iyong kalusugan sa mga negatibong paraan. Basahin upang malaman ang mga senyales ng overthinking at mga paraan upang matugunan ang mga ito.

Sino ang Mga Overthinker?

Ang mga overthinker ay kadalasang mga taong sobrang nagsusuri sa pinakamaliit na bagay at nahihirapan na manatiling kalmado. Bawat isa sa atin ay nag-o-overthink paminsan-minsan, ngunit ang ilang mga tao ay hindi kayang bawasan o pamahalaan ang kanilang mga nakakagambalang pag-iisip.   

Sila ay patuloy na nag-iisip sa dalawang mapanirang pattern – nagmumuni-muni at nag-aalala.

Ang pagmumuni-muni ay pag-iisip tungkol sa nakaraan. Ito ay mga kaisipan tulad ng – ‘Hindi ko dapat ginawa iyon ngayon’, ‘Hindi ako dapat sumagot sa aking nakatatanda ngayon’, ‘Tama ang aking mga magulang’ o ‘Hindi ko dapat kinuha ang trabahong ito’.

Sa kabilang banda, ang pag-aalala ay may kasamang pagkabalisa tungkol sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap at kung ano ang iyong gagawin sa bawat posibleng senaryo.

10 Senyales ng Overthinking

Bagama’t ang ganitong pagtingin ay hindi nangyayari overnight, may mga palatandaan na makakatulong kung ikaw ay nagiging overthinker. Karamihan sa overthinkers ay nag-iisip na ang sobrang pag-iisip ay makakatulong na maiwasan ang mga masasamang insidente. Ngunit hindi nila alam na ang overthinking ay humahantong lamang sa mas maraming problema. 

Heto ang 10 senyales ng overthinking na malinaw na nagpapatunay na ikaw ay isang overthinker:

  1. Pinauulit-ulit sa isip ang isang nakakahiyang pangyayari.
  2. Palagi mong tinatanong sa iyong sarili “ What if o Paano kung?”
  3. Gumugugol ka ng maraming oras sa pag-iisip tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng mga tao sa sinabi nila. 
  4. Nahihirapan kang makatulog dahil pakiramdam mo ay hindi humihintong mag-isip ang iyong utak.
  5. Pag-replay mo sa isip mo lahat ng mga pag-uusap at iniisip ang lahat ng mga bagay na gusto mo o hindi mo sinabi. 
  6. Palagi mong iniisip ang mga pagkakamali mo.
  7. Pag-replay sa mga sinabi at ginawa ng iba, na hindi mo nagustuhan.
  8. Hindi ka makaget over sa mga sinabi o ginawa ng mga tao sa nakaraan. Naninirahan ka sa nakaraan at nag-aalala tungkol sa iyong hinaharap.
  9. Parang hindi mo maalis sa isip mo ang mga alalahanin.
  10. Gumugugol ng maraming oras sa pag-aalala tungkol sa mga bagay na hindi mo kontrolado.

Mga Epekto Ng Overthiking Sa Kalusugan

Nakakagambala sa Mental Health

Maaring paulit-ulit mo na itong narinig, pero ang sobrang pag-iisip at stress ay tiyak na makakaapekto sa mental health mo at utak.

Ang stress ay may posibilidad na makaapekto sa utak sa maraming paraan. Ang labis na cortisol na inilabas ay nakakasira at pumapatay ng brain cells. Maaari ring baguhin ng overthinking ang pag-andar ng utak mo at baguhin ang connectivity at istraktura nito. Kilala ring sanhi ng mood at anxiety disorder ang chronic stress.

Nakakaapekto sa Digestive System

Ang sobrang pag-iisip ay humahantong sa stress na pagtagal ay nagreresulta sa mga gastrointestinal  problems. Tulad ng irritable bowel syndrome, inflammatory bowel disease, pagtaas ng intestinal permeability, mga pagbabago sa gastrointestinal motility at gastric secretions, atbp.

Panganib sa Puso

Ang pag-aalala at labis na pag-iisip sa bawat oras ay naglalagay din sa panganib sa puso mo. Ang pananakit ng dibdib, pag-iinit ng ulo, hirap sa paghinga, tachycardia, pakiramdam na nasasakal, atbp. ang ilan sa mga problemang kakaharapin mo sa senyales ng overthinking.

Skin Affections

Talagang nakakaapekto sa balat ang chronic anxiety, stress at overthinking. Ang emotional stress ay maaaring humantong sa iba’t ibang mga sakit sa balat tulad ng psoriasis, alopecia, seborrheic dermatitis, atopic dermatitis, pruritus, atbp. 

Karamihan sa mga dermatological na kondisyon ay karaniwang psychosomatic. Ang mga ito ay may posibilidad na mabuo sa paglipas ng panahon dahil sa mental stress. Ang stress ay nagdudulot ng mga pamamaga sa iyong katawan na sumisiklab sa balat at nagreresulta sa mga sakit sa balat.

Pinipigilan ang Immune System

May posibilidad kang magkasakit sa tuwing ikaw ay stressed o nababalisa. Ito ay dahil sa paglabas ng cortisol sa katawan na dala ng stress na humahantong sa mahinang immune system. Kapag ang immunity ng iyong katawan ay bumaba at pinigilan, nagiging mas mahina ka at madaling kapitan ng mga impeksyon.

Tumataas ang Risk para sa Cancer

Ang overthinking ay madalas na humahantong sa stress at patuloy na paglabas ng cortisol. Ang resulta, ay nagpapahina sa iyong immune response at ginagawa kang madaling magkaroon ng ilang mga cancer.

Paano Mo Haharapin ang Senyales ng Overthinking?

Mas madaling sabihin kaysa gawin ang paghinto sa patuloy na paghula at pag-replay. Pero ang susi ay tingnan ang mga senyales ng overthinking at tukuyin ang problema. Sa sandaling tanggapin mo na ikaw ay isang overthinker, ang kailangan mo lang gawin ay sikaping gumawa ng paraan na huwag mag-overthink. 

Narito ang tatlong paraan upang limitahan ang iyong mga pattern ng negatibong pag-iisip at ihinto ang labis na pag-iisip sa bawat oras.

  • Maging Conscious Tungkol sa Overthinking State Mo

Awareness ang unang hakbang para itigil ang sobrang pag-iisip mo. Maging mas conscious sa paraan ng pag-iisip mo. Ang ilang mga senyales ng overthinking ay ang paulit-ulit na pag-replay ng lahat ng nangyayari sa isip mo. O pag-aalala tungkol sa mga bagay na wala sa iyong kontrol. Kilalanin at sabihin sa sarili mo na ang mga kaisipang ito ay hindi productive at mas makakasama kaysa makabuti para sa iyo.

  • Baguhin ang Iyong mga Iniisip

Sa tuwing nararamdaman mong napupunta ka sa overthinking, ihinto ito. Huminga ng malalim, at suriin muli ang kasalukuyang mga negative thoughts. Matutong kilalanin ang mga maaaring labis na negatibo at palitan ang mga ito ng aktwal at matinong mga kaisipan. Makakatulong ito sa iyo na makawala sa cycle bago maging isang ganap na siklab ng galit.

  • Mag-focus sa Paglutas ng Problema

Kung may napansin kang anumang senyales ng overthinking, harapin ng mahinahon ang problema at pagkatapos ay maghanap ng solusyon. Hindi makakatulong sa anumang paraan ang basta lamang pag-iisip sa mga problema mo. Tanungin sa sarili kung ano ang kailangang gawin para malutas ang problema at maiwasan ang pagkakamali na mangyari muli. Sa halip na tanungin ang sarili kung bakit ako o bakit nangyari ito? Itanong kung ano ang maaaring gawin ngayon?

Mga Paalala

Pinakamahusay na laging aktibo at abala sa sarili mo. Ito ang paraan para maiwasan ang mga senyales ng overthinking. Makisali sa mga healthy conversations sa iba’t ibang paksa. Magsimula ng bagong hobby o ehersisyo. Piliin kung ano ang pinaka nababagay sa iyo, at ipagpatuloy ito. Sa gayon, makakatulong ito na maabala ang isip mo mula sa mga pabigat na mga negatibong kaisipan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stress and high blood pressure: What’s the connection?/https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/in-depth/stress-and-high-blood-pressure/art-20044190/Accessed on 8/01/2020

Health anxiety/https://www.nhs.uk/conditions/health-anxiety/Accessed on 8/01/2020

Generalized Anxiety Disorder: When Worry Gets Out of Control/https://www.nimh.nih.gov/health/publications/generalized-anxiety-disorder-gad/index.shtml/Accessed on 8/01/2020

Kasalukuyang Version

08/13/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Kristina Campos, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyung medikal ni

Kristina Campos, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement