Ano ang bipolar disorder? Ito ay kilala noon bilang manic depression o manic-depressive illness. Ito ay isang sakit sa isip na nagsasanhi ng malalang imbalances sa mental state ng isang tao. Ito ay nagdudulot sa tao ng malalang mood swings na nakaaapekto sa lebel ng enerhiya, kakayahang tumutok sa isang gawain o bagay, at abilidad na makagawa ng mga gawain.
Ang matinding pagbabago-bago ng mood ay kabuuang binubuo ng mataas at mababang emosyon. Kilala ito bilang mania o depresyon.
Mga Senyales at Sintomas
Ang mga taong pinaghihinalaang may sakit na ito ay maaaring makaranas ng matinding emosyon na sinasamahan ng pabago-bago sa lebel ng enerhiya, pattern ng pagtulog, at pag-uugali na magiging iba para sa kanila. Kilala rin ang mga ito bilang mga episode ng mood.
Mga Uri ng Bipolar Disorder
Mayroong tatlong uri ng Bipolar disorder:
Bipolar I Disorder
Ang bipolar I ay inilalarawan bilang manic episodes, na nagreresulta sa abnormal na pagtaas ng enerhiya. Ito ay maaaring magtagal ng 7 araw. Ang sakit din na ito ay makikita sa mga pasyenteng matagal nang nakararanas ng mga sintomas ng manic at nangangailangan ito ng agarang atensyong medikal dahil sa lala nito.
Bipolar II Disorder
Nailalarawan ang Bipolar II Disorder sa pattern ng pagkakaroon ng mga yugto ng depresyon at hypomania. Ang mga hypomanic episodes ay may pagkakatulad, ngunit nasa milder na bersyon ng manic. Kung kaya ang mga sintomas ng hypomania ay hindi malala. Bagaman ang mga epekto ng Bipolar II Disorder ay hindi buong-buo kung ihahambing sa Bipolar I Disorder, ang mga pasyenteng mayroon pa rin ng nabanggit na sakit ay nangangailang pa rin ng propesyonal na tulong.
Cyclothymic Disorder
Ito ay kilala rin bilang cyclothymia, ito ay ang nagpapalit-palit na sintomas mula sa depresyon at hypomania sa loob man lang ng 1 taon sa mga bata at adolescent, at 2 taon sa matatanda. Ito ay naiiba mula sa mga sintomas na hindi kuwalipikado para sa kailangan para ma-diagnose ng depresyon o hypomanic episode.
Mga Sanhi, Panganib, at Diagnosis ng Bipolar Disorder
Ang tamang diagnosis at maayos na paggagamot sa mga pasyente ay makatutulong sa kanilang mamuhay nang produktibo, malusog at kasiya-siya. Ang pakikipag-ugnayan sa lisensyadong medikal na propesyonal ay napakahalaga. Isasailalim din sa mga pisikal at iba pang pagsusuri upang matukoy ang iba pang kondisyon. Ang psychiatrist, psychologist, at iba pang may kaugnayan na mga propesyonal ay maaaring makatulong sa pagbibigay ng planadong paggagamot sa iyong sakit.
Ang diagnosis ay karaniwang inaahin sa history ng pamilya, history sa ibang sakit, at mga nararanasan na sintomas.
Karagdagan, mayroong mga pagkakataon kung saan ang bipolar disorder ay maaaring mangyari dahil sa pag-inom ng mga gamot, alak, iba pang kondisyong medikal. Ang mga kondisyong medikal na ito ay kinabibilangan ng stroke at multiple sclerosis.
Ang wastong diagnosis, partikular sa mga batang pasyente ay napakahalaga. Mas maigi ang maagap na paggagamot.
Paggamot
Psychotherapy
Nangunguna sa lahat ng paggamot ng bipolar at iba pang kagaya na mga sakit ang psychotherapy, kung saan isinasagawa sa pagkakaroon ng mga sesyon sa tagapagbigay ng mental na pangangalaga
Ang mga pasyente ay nararapat makipagtulungan sa kanilang pinagkakatiwalaan at kapagaanan ng loob na doktor.
Gamot
Nakatutulong ang ilang gamot sa may manic at depresyon, bagaman hindi ito pare-pareho para sa mga pasyente. Ang iyong propesyonal na healthcare ay maaaring magbigay ng akmang gamutan para sa pasyente. Ito at marapat gawin kasama ang tamang diagnosis na mayroon ang pasyente.
Ang mga gamot na karaniwang ginagamit upang gamutin ang bipolar disorder ay kinabibilangan ng antipsychotics at mood stabilizer.Ibang gamot na maaaring gamitin ay ang lithium, antipsychotic, anticonvulsive, at benzodiazepine. Ang antidepressant ay ibinibigay rin sa mga pasyenteng nakararanas ng malalang episodes ng depresyon.
Mahalagang Tandaan
Ang bipolar disorder ay pangmatagalang sakit, ngunit mayroon pa rin itong pag-asa para sa mga apektado ng pasyente. Ang depresyon at episodes of mania na karaniwang umuulit ay maaaring mapagaan sa tuloy-tuloy na psychotherapy. Sa pagitan ng mga yugto nito, ang karamihan sa mga pasyente ay malaya sa mga pagbabago-bago ng mood at malayang kumilos nang natural at produktibo. Ang patuloy at pangmatagalang gamutan ay ang pinaka mabisang paraan upang labanan ang mga epekto ng bipolar disorder.
Matuto pa tungkol sa Mood Disorders dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.