backup og meta

Zeinab Harake: Anu-Ano Ang Relationship Lessons Ngayong 2022?

Zeinab Harake: Anu-Ano Ang Relationship Lessons Ngayong 2022?

Naging laman ngayon ng iba’t ibang controversial news ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake dahil sa iba’t ibang isyung kinasangkutan niya. Matatandaan din na noong October 23 na gumawa ang vlogger ng isang live video upang sagutin ang mga paratang sa kanya ni Wilbert Tolentino tungkol sa isyu nila bilang magkaibigan.

Marami ang nadamay sa away nina Wilbert at Zeinab na mga kilalang tao sa industriya ng pag-aartista at vlogging, dahil sa mga ipinakitang screenshots ng private conversation ni Wilbert sa publiko.

“Gusto ko lang po sana humingi ng paumanhin sa lahat ng taong napagsalitaan ko ng hindi maganda at sa mga kaibigan kong nadamay sa issue na aking kinasangkutan. “Ate Jelai, Ate Alex, Ate Donna, Ivana, Robi, Sanya, Whamos, Toni, Toro Fam, Makagago, Inuts and Sachzna. Hindi po ako magbibigay ng kahit na anong excuse, ang mga nabasa nyo po ay mga salitang nabitawan ko ng hindi ko napag isipan, tao lang din po ako katulad nyo. Ang ugali kong ito ay hindi tama at dapat kong baguhin. I’m really sorry,”  sinabi ni Zeinab.

Bukod pa rito, ang isa pa sa kontrobersyal na balita na kinasangkutan ni Zeinab Harake ay ang isyu tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Skusta Clee. Nagdulot ng matinding stress kay Zeinab ang problema nilang mag-couple, kaya naman nauwi ito sa pagkalaglag ng ikalawang anak sana nila.

“Nawala baby ko, yung pangalawa, si Moon… Ang sabi kasi ng doctor noon, hindi na kinaya ng katawan ko. Lumalaban yung bata, e. Four months, baby boy. Buhay siya nung lumabas, so sabi ng doctor lumalaban yung baby. Kaya lang yung anakan ko daw ba, bumuka na. Nakunan ako, ” ibinahagi ni Zeinab sa kaniyang video.

Sa dami ng pinagdaanan ng sikat na vlogger, naging bukas pa rin siya sa pagpapahayag ng kanyang mga natutunan ngayong 2022.

Patuloy na basahin ang artikulong ito para malaman ang relationship lessons ni Zeinab Harake ngayong 2022.

Friendship Lessons

Matapos pumutok sa social media ang naging away nina Zeinab at Wilbert, agad na humingi ng kapatawaran ang vlogger sa mga taong naapektuhan ng kanilang isyu. 

“Humihingi rin po ako ng tawad sa lahat ng zebbies ko na sobrang nadismaya sa akin. Tao lang din po ako at hindi perpekto. Nawa’y magkaroon po ng kapatawaran ang pagkakamali kong ito and I will try my best upang magbago, again galing sa puso ko I’m so sorry.” 

Aminado si Zeinab na marami siyang bagay na nasabing hindi maganda sa kanyang kapwa at mga kaibigan na hindi niya napag-isipan. Kaya naman naging malaking aral ito sa kanya para baguhin ang sarili, para maiwasan na rin niyang makasakit.

“I will move on and move forward from this dark chapter of my life. I will become better. Maraming salamat po.”

Ayon Sa Mga Eksperto Ang Tao Ay Maaaring Magbago

Makikita sa iba’t ibang mga pag-aaral at pahayag ng doktor na ang tao ay may kapasidad na baguhin ang kanyang pag-uugali, lalo na kung gugustuhin niya. Madalas ang nagtutulak sa tao para magbago ay ang pagkakaroon niya ng mga karanasan na nag-iiwan ng malaking impact sa kanyang damdamin at alaala.

Relationship Lessons

“Nu’ng nawala si Moon, sabi ko nu’ng tapos na ang misa ni Moon, pag-iyak ko nang sobra — siguro mga one hour ako umiyak nang malakas na malakas. Sumisigaw,”  sabi ni Zeinab.

Hindi makakaila na ang miscarriage ni Zeinab ang isa sa biggest challenge sa kanya ngayong taon. Bagamat mahirap ang pinagdadaanan niya pinilit pa rin niyang makatayo para sa kanyang natitirang anak.

“Sabi ko, after noon, hindi na ako iiyak nang ganito. Kung iiyak ako, yung [tahimik] na lang ‘tapos sandali na lang kasi may Bia. Kawawa talaga si Bia. Si Bia yung pinaka-naapektuhan alam ko, pero ako din, naaawa na ako sa sarili ko.”

Ibinahagi ni Zeinab sa kanyang mga interbyu na natutunan niyang bumangon at ayusin ang kanyang sarili para sa kapakanan ng kanyang anak. Tinanggap rin niya na may mga relasyon talaga na kailangang tapusin upang mas gumaan ang kanyang buhay.

Paano Haharapin Ang Depresyon Na Dala Ng Miscarriage Ayon Sa Doktor?

Isa sa mabisang paraan upang maharap ng isang ina ang depresyon na dala ng miscarriage ay ang paghingi niya ng medical assistance at advice sa doktor. Makakatulong ito para sa ina upang mas maintindihan niya ang kanyang pinagdadaanan at makakuha siya ng angkop na medikal na atensyon.

Malaki rin ang papel na gampanin ng mga pamilya at kaibigan na nakapaligid sa isang ina na nakunan, dahil ang pagbibigay nila ng emotional at moral support ay makakatulong upang makayanan ng isang ina ang sakit ng pagkawala ng isang anak.

Imahe mula sa Instagram

Matuto pa tungkol sa Mabuting Relasyon dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Miscarriage, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pregnancy-loss-miscarriage/symptoms-causes/syc-20354298#:~:text=Miscarriage%20is%20the%20spontaneous%20loss,even%20know%20about%20a%20pregnancy. Accessed November 3, 2022

Miscarriage, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9688-miscarriage Accessed November 3, 2022

Miscarriage, https://www.nhs.uk/conditions/miscarriage/ Accessed November 3, 2022

Miscarriages, https://kidshealth.org/en/parents/miscarriage.html Accessed November 3, 2022

What is miscarriage? https://www.plannedparenthood.org/learn/pregnancy/miscarriage Accessed November 3, 2022

Zeinab Harake issues another apology, https://mb.com.ph/2022/10/25/zeinab-harake-issues-another-apology/ Accessed November 3, 2022

 

Kasalukuyang Version

03/23/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

4 Tips Paano Ka Makakaalis sa Toxic Relationship!

Posible Bang Mabago Ang Masamang Ugali? Alamin Ang Kasagutan Dito!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement