Trending sa facebook ang post ni Mark Vincent Yap Nodado tungkol sa kanyang asawa. Maraming netizen ang nag-react sa kung paano dapat maging isang supportive na mister. Iba-iba ang naging opinyon at pahayag ng mga facebook user. Dahil na rin sa samu’t saring “point of view” ng mga netizen, tungkol sa isang malusog na pakikipagrelasyon. At sa kung paano dapat tratuhin, at suportahan ang asawa na babae— sa kanyang mga pangarap.
Ang ginawa ni Engr. Nodado para sa kanyang asawa ay isang appreciation post. Ito ay tungkol sa pasasalamat niya sa kanyang partner. Nang minsan magtanong ang kanyang kapareha.
“10 years na pala akong graduate, parang wala akong personal achievements.”
Reaksyon ng netizens sa kanyang appreciation post
Binigyang-diin ni Engr. Nodado sa kanyang post na kung wala ang suporta ng kanyang partner ay hindi siya magtatagumpay. Lalo na sa mga bagay na mayroon siya ngayon. Malaki rin ang pagkilala ni Engr. Nodado sa kanyang asawa, dahil sa naging kontribusyon nito sa pagiging maayos ng kanilang mga anak.
“‘Wag mo sabihin ‘yan. ‘Yung achievement ko, achievement mo. Kasi hindi ko naman magagawa ng wala ka eh,” pahayag ni Nodado.
Mayroong mga naka-relate sa kanyang facebook post. Kaya marami ring fb users ang nagbigay ng kanilang positibong opinyon.
“Lagi mo sinasabi ‘to sa akin. Sa lahat ng achievements ko mas masaya ka sa akin. Pero you keep on reminding me, lahat ng achievements mo ay achievements ko pa rin at all. Grabe ‘yung pag-strive mo, dahi lagi mong sinasabi na motivation mo ako. Marami na tayo maa-unlock, we almost there na, pero wala ka na,” pahayag ni Rodalyn DV.
Ayon sa artikulong ‘20 Steps to Becoming a Supportive Partner to Becoming a Supportive Partner”. Ang bawat indibidwal ay may emotional needs na kailangang matugunan. Anuman ang iyong kasarian— ang tao ay isang “emotional beings” na naghahangad din ng respeto, suporta at achievement.
Dahilan ng negatibong reaksyon: Misogynist Issues
Bagamat may mga nagpahayag ng pagkatuwa sa appreciation post ni Engr. Nodado, hindi maitatanggi na maraming netizen ang nagpakita ng kanilang frustration sa appreciation post— dahil sa misogynist issues.
“Misogyny, how about the wife’s personal achievements? Shadow na lang sa achievement ng husband?” pahayag ni Argyl Laura.
Dagdag pa ni Lea Tobias, “Hindi nakakatuwa ‘yung pagiging burara/dugyot. I’m sure laging source of stress/irritation ‘yan ng asawa. And if you keep on doing that despite constant reminders because “nandyan naman siya,” that is not a show of respect. And kung ako lang, I don’t wanna be loved that way, if that’s how we define it.”
Marami ang nagbigay ng saloobin na kapag ang isang babae ay nakaramdam na wala na siyang pagpipilian, at na-deprive sa pagkakaroon ng sariling achievements— ay normal lamang na makaramdam ito ng pagkabalisa, at mapatanong sa asawa tungkol sa kanyang halaga.
“There is nothing wrong with a woman opting for a full-time career as a housewife. But, when a woman has already forgotten she has a voice of her own, she is no longer free. Marriage has become bondage,” pahayag ni Cesar Carino Jr.
Ayon na rin mula sa artikulong “How Men Can Support Their Partners as Equals”, maganda sa isang relasyon na magdesisyon bilang isang team. Dahil ang pakikinig sa kahilingan at pangarap ng bawat isa ay makakatulong sa pagpapatibay ng relasyon.
Paano maging isang supportive na mister?
Ang pag-aasawa ay hindi lamang tungkol sa kung sino ang malakas, upang magdala ng relasyon. Ito ay tungkol din sa pagbibigay ng suporta sa bawat isa— at pagiging mabuting kapareha sa karelasyon. Hindi lamang ang babae ang may responsibilidad sa pagbibigay ng suporta at pangangailangan ng pamilya. Mahalaga rin na suportahan ng mga mister ang kanyang misis sa kanyang mga pangarap at kagustuhan. Narito ang ilang mahahalagang tips, kung paano maging isang supportive na mister:
Supportive na mister: #1 Key Open Communication
Sa lahat ng anumang uri ng relasyon, ang komunikasyon sa kapareha ay mahalaga. Dapat mapag-usapan ng mga mag-partner ang kanilang personal goals at career. Dahil maiiwasan nito ang pagkakaroon ng unresolved issues, sa pagitan ng magkarelasyon. Kung malalaman ng bawat isa ang damdamin at pangarap na gustong ma-achieve. Ito ay makakatulong sa pagkakaroon ng personal growth habang nasa isang relasyon.
Supportive na mister: #2 Key Freedom
Mahalaga ang pagbibigay ng kalayaan sa asawa sa paggawa ng mga sariling desisyon. Makakatulong ito upang mas maging malinaw ang daang gustong tahakin ng kapareha para sa kanyang sarili.
Supportive na mister: #3 Key Maging mag-partner sa gawaing bahay
Hindi dapat lahat iasa sa babae ang gawaing bahay. Lalo na kung may kakayahan at oras ang asawang lalake na tumulong dahil ang pag-aasawa ay “partnership”. Makakatulong ito para masuportahan ang kapareha na maramdaman niyang may halaga siya. Mayroon kasing mga pagkakataon na nararamdaman ng babaeng asawa na para ba silang “katulong” sa bahay kung sila lang parati ang gumagawa ng trabaho sa tahanan.
Supportive na mister: #4 Key Stop Gender Stereotypes
Ayon sa ilang mga artikulo at pag-aaral, madalas ang babae ay inaasahang maging maunawain, mapagbigay at collaborative. Bilang resulta, marami ang hindi komportable kapag nagli-lead ang isang babae. Kaya naman may mga kalalakihan na mas gusto nilang maging lider ng tahanan.
Minsan naman, pumapasok ang maling kaisipan tungkol sa mga babae— na ang mga babae ay mahina. Subalit, ang totoo ay hindi. Maraming pagkakataon na naipakita at naipapakita ng mga kababaihan ang kanilang mga kakayahan. Ang mga kakayahan na iyon ay dapat nai-acknowledge ng kanilang mga kapareha sapagkat nakakatulong ito para mas mabuo ang pagtitiwala sa pagsasama at mas magkaroon ng healthy relationship. Kung saan, walang mas mataas o mas mababa.
Supportive na mister: #5 Key Respect
Isa sa mabisang paraan para ipakita ang suporta ng isang lalake sa kanyang kapareha— ay ang pagbibigay ng respeto sa kanyang partner. Hindi lamang ito tungkol sa usaping sa pagtrato ng tama sa mga babae. Pumapasok din dito ang paggalang sa mga pangarap at kagustuhan ng kapareha. Nakakatulong ito upang matugunan parehas ang personal na pangangailangan ng bawat isa. Sa ganitong paraan, maiiwasan rin ang pagkaka-deprive ng karelasyon sa mga bagay na gustong makuha at ma-achieve.
Mga Pag-uugali ng Isang Supportive na Mister
Ang mga sumusunod ay ang ilang mga pag-uugali na taglay ng mga asawang lalake— na supportive sa kanyang asawa,
- Good listener
- Nagpapakita ng konsiderasyon sa kapareha
- Nagbibigay ng atensyon sa iniisip at nararamdaman ng partner
- Pagiging matulungin
- Pagkakaroon ng abilidad sa paghingi ng tawad
- Pagiging tapat
- Pagtrato sa asawa bilang partner
Key Takeaways
Larawan mula sa Facebook.com