backup og meta

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Bulimia

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Bulimia

Natuklasan sa mga pag-aaral na ang mababang pagpapahalaga sa sarili ay maaaring humantong sa eating disorders tulad ng bulimia. Subalit mahalagang tandaan na ang eating disorders ay maaari ding sanhi ng iba pang salik. Magbasa pa upang malaman kung ano ang bulimia at ano ang puwedeng gawin tungkol sa eating disorder na ito.

Ngayon, maraming larawan ang patuloy na nakikita na dahilan upang ikumpara ang ating sarili sa iba. Sa Facebook, makikita ang ibang taong nagdiriwang dahil sa pagbaba ng kanilang timbang. Sa Instagram naman, makikita ang larawan ng mga modelo at artista na may magagandang hubog ng katawan.

Dahil sa pananaw ng ibang tao nagiging masama ang tingin natin sa ating sarili. Maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa pagpapahalaga sa ating sarili at maging dahilan upang maging mas malay sa ating insecurities. Ang sobrang pag-iisip ng tungkol sa timbang at sa pisikal na itsura ay maaaring maging mapanganib. Ito ay dahil ang mga uring ito ng pag-uugali ay maaaring humantong sa eating disorders.

Ano Ang Eating Disorders?

Ang eating disorders ay mga sakit na lubhang nakaaapekto sa paraan ng pagkain ng isang tao. Ang disorders na ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng mga pag-uugali sa pagkain na maaaring negatibong makaapekto sa kalusugan at sa araw-araw na pamumuhay. Dagdag pa, nagiging sakit/disorder ito kung naaapektuhan nito ang kalusugan o sikososyal na aspeto ng isang tao.

Tunay na normal na mag-alala tungkol sa iyong mga kinakain, lalo na kung ginagawa ito para sa kalusugan. Gayunpaman, ang mga taong may eating disorders ay may mga malulubhang pag-uugali sa pagkain. Kung hindi sosolusyunan, ang eating disorders ay maaaring magkaroon ng matinding negatibong epekto sa kalusugan ng isang tao.

Kadalasan, ang eating disorders ay sinasabayan ng ibang problema sa kalusugang pangkaisipan tulad ng pagkabalisa, depresyon, trauma, o paggamit ng droga at pag-inom ng alak.

At nakita sa mga datos na ang mga pinakakaraniwang nakararanas ng eating disorders ay ang mga kababaihang nasa pagitan ng edad 12-35.

Isa sa mga pinakasikat na paniniwala ay ang eating disorders ay “lifestyle choices.” Gayunpaman, ang mga taong nakararanas ng eating disorders ay laging nakikipaglaban sa kanilang isip at katawan. Ang disorders na ito ay totoong sakit na dapat gamutin.

Ang pag-alam sa mga sanhi ng eating disorders at sa mga epekto nito sa katawan ay makatutulong upang mawala ang stigma na kaugnay nito. Gayundin, nagbibigay ito ng kaalaman kung ikaw o ang taong iyong kakilala ay nangangailangan ng tulong.

Ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng mas malalim na impormasyon tungkol sa bulimia, at kung paano lubhang mapanganib ang eating disorder sa kalusugan ng isang tao.

Ano Ang Bulimia? Mga Katangian Nito

Ano ang bulimia? Tinatawag din itong bulimia nervosa. Isa itong eating disorder na mailalarawan sa pamamagitan ng “binge eating” at “purging”. Kung ikaw ay may bulimia, maaaring mapansin ang palihim na pagkain ng maraming pagkain.

Matapos ito, maaaring magsimulang makaramdam ng matinding pagkabahala sa iyong kinakain. Ang dahil ito, ilalabas ng iyong katawan ang pagkaing iyo lamang kakakain.

Para sa mga nakararanas ng bulimia, maaaring isagawa ang purging sa iba’t ibang mga paraan. Ang bulimic na tao ay maaaring pilitan ang sarili na sumuka, uminom ng maraming laxatives,  uminom ng maraming inumin o supplements na nanghihikayat ng pagbaba ng timbang, o maling paggamit ng enemas upang isuka ang kinaing pagkain.

Ang isang bagay na dapat tandaan ay hindi lahat ng taong nakararanas ng bulimia nervosa ay nagsasagawa ng “purging.” Ang ibang taong nakararanas nito ay nagsasagawa ng fasting o crash diet, o nag-eehersisyo nang sobra. Ito ang dahilan kung bakit hindi lahat ng nakararanas ng bulimia ay may mababang timbang. May ibang nagiging overweight, at may ibang may normal na timbang.

Nahihirapan ang mga mananaliksik na alamin ang tiyak na bilang ng mga taong nakararanas ng sakit na ito. Ito ay dahil hindi sila komportableng humingi ng tulong.

Sa kabila nito, nakita sa estadistika na ang mga kalalakihan ay nakararanas din ng bulimia nervosa.

Natuklasan sa isang pananaliksik na isinagawa noong 2007 na 1.5% ng mga kababaihan at 0.5% ng mga kalalakihan sa United States ang nakararanas ng bulimia.

Ano Ang Bulimia? Mga Sintomas Nito

Kung ang isang tao ay may bulimia, madalas siyang sobrang nahihiya sa kanyang pag-uugali.

Dahil dito, maraming bulimics ang gumagawa ng lahat ng paraan upang itago ang kanilang pinagdaraanan. Ang pagkatakot at pagkabalisa na mahuling nagsasagawa ng binge eating ay ilang lamang sa mga bagay na ang bulimics lamang ang nakaaalam at nakauunawa.

Kung nakararanas ng bulimia nervosa, maaaring maranasan ang mga sumusunod:

  • Pagkain hanggang sa makaramdam ng pisikal na pananakit, o pakiramdam na walang kontrol sa paraan ng pagkain
  • Pagkain ng hindi normal na dami ng pagkain sa isang kainan
  • Pakiramdam na kailangang isikreto ang paraan ng pagkain
  • Pagtatago ng mga balat ng pinagkainan dulot ng takot na mahuli
  • Pagpipilit sa sarili na mag-ehersisyo matapos kumain ng marami, minsan ay hanggang sa mapagod
  • Pagpipilit na sumuka matapos kumain
  • Pagkatakot na madagdagan ang timbang

[embed-health-tool-bmi]

Ano Ang Bulimia? Mga Dapat Bantayan

Para sa mga malulubhang kaso, ang mga pasyente ay madalas magkaroon ng mga partikular na senyales at sintomas; kapansin-pansin ang mga ito kung titingnan ang pasyente.

Ilang sa mga pisikal na sintomas ng bulimia ay ang mga sumusunod:

  • Russel’s sign: Ang ilang taong nakararanas ng bulimia ay maaaring magkaroon ng “Russell’s sign” na sugat sa mga kasukasuan sa daliri na nabubuo sa pamamagitan ng pagpilit sa sarili na sumuka.
  • Pagkasira ng ngipin. Ang paulit-ulit na pagsuka ay maaaring makasira ng enamel ng ngipin dahil sa acidity ng juices ng tiyan.
  • Mukha o pisngi ng bulimia. Ang pamamaga ng pisngi ay maaaring senyales ng dehydration sanhi ng pagsusuka.

Kung sa iyong palagay ay isa sa iyong mga kaibigan o mahal sa buhay ay nakararanas ng bulimia, huwag siyang komprontahin. Kausapin siya tungkol sa iyong alalahanin sa lugar na pribado at subukang kumalma.

Huwag siyang puwersahing humingi ng propesyunal na tulong, subalit ipaalam sa kanyang susuportahan mo siya.

Paaano Mapabubuti Ang Iyong Pagkain

Kung ikaw ay nababahala sa pagkakaroon ng eating disorder, narito ang ilang bagay na maaaring gawin upang mapabuti ang iyong pagkain.

  1. Huwag magsagawa ng crash diet. Maliban na lamang kung ikaw ay may problema sa kalusugan o kung kailangang magbawas ng timbang, subukan ang diets na maaaring humanting sa “rules” na maaaring makatulong sa pagkontrol ng gawi sa pagkain.
  2. Sundin ang iskedyul. Ang pagkain ng tatlong meals sa loob ng isang araw ay mahalaga upang mapanatiling malusog ang katawan. Ang hindi pagkain ng isang meal ay maaaring humatong sa pagkaabala sa pagkain at timbang. Kumain nang regular, o sa tuwing nagugutom.

Ano ang bulimia? Tinatawag din itong bulimia nervosa na isang eating disorder na nagiging dahilan upang ang isang tao ay sapilitang magsagawa ng binge eating at purging. Maaaring maging mapanganib ang siklong ito sa kabuong kalusugan at kapakanan ng isang tao. Kung sa iyong palagay ay nakararanas ka o ang iyong mahal sa buhay ng bulimia, pinakamainam na kumonsulta sa isang doktor sa lalong madaling panahon.

Matuto pa tungkol sa Eating Disorders dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eating disorders, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/eating-disorders/symptoms-causes/syc-20353603

What are Eating Disorders? https://www.psychiatry.org/patients-families/eating-disorders/what-are-eating-disorders, Accessed June 30, 2022

Stigmas surrounding eating disorders – A devastating reality, https://mhaustralia.org/general/stigmas-surrounding-eating-disorders-devastating-reality, Accessed June 30, 2022

Bulimia nervosa, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bulimia/symptoms-causes/syc-20353615, Accessed June 30, 2022

EATING DISORDER STATISTICS, https://www.nationaleatingdisorders.org/toolkit/parent-toolkit/statistics, Accessed June 30, 2022

Russell’s Sign, http://glossary.feast-ed.org/3-treatment-medical-management/russells-sign, Accessed June 30, 2022

Kasalukuyang Version

01/31/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano nga ba ang kondisyon na anorexia nervosa?

Anorexia Nervosa vs Bulimia: Mga Pagkakaiba, Sintomas, at Paggamot


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement