backup og meta

High Functioning Anxiety: Ano ang Kondisyong Ito?

High Functioning Anxiety: Ano ang Kondisyong Ito?

Ano ang high-functioning anxiety? Bagaman kadalasang tinitingnan ito sa negatibong paraan, ang anxiety ay isang normal na reaksyon ng katawan sa stress. Maaari kang makaramdam ng pagiging balisa (nag-aalala o natatakot) kapag humaharap sa mahirap na sitwasyon. Minsan, nakatutulong pa nga ang anxiety. Pinatataas nito ang iyong focus at lakas upang harapin ang hamon mo sa buhay. Sa oras na maresolba na ang sitwasyon, nawawala na rin ang anxiety.

Ang taong may anxiety na hindi nawawala ay maaaring nakararanas ng anxiety disorder. Kadalasan, nahihirapan ang mga taong ito na kumilos o gawin ang kanilang pang-araw-araw na gawain. Sa ibang pagkakataon, sa may high-functioning anxiety, maaaring maayos ang kanilang ginagawa ngunit nakararanas pa rin ng negatibong mga epekto ng kondisyong ito.

Totoo ang High-Functioning Anxiety

Hindi kinikilalang sakit sa pag-iisip ang high-functioning anxiety dahil hindi mo ito makikita sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM-5), ang manuwal na nagbibigay ng pamantayan para sa mga mental disorder.

Ngunit hindi ibig sabihin na hindi ito totoo.

Sinasabi ng mga eksperto na totoo ang kondisyong ito at dapat na seryosohin. Ngunit paano ba natin ito bibigyan ng kahulugan? Ano ang high-functioning anxiety?

Sa pangkalahatan, ang ibig sabihin ng high functioning anxiety ay nakakikilos nang maayos ang isang tao sa kabila ng pagiging balisa. Napapamahalaan nila nang maayos ang kanilang mga gawain, organisado, at matagumpay sa kanilang mga proyekto o karera. Ngunit sa kanilang kaloob-looban, mayroon silang patuloy na pag-aalala, takot, at negatibong iniisip.

Telltale Signs ng High-Functioning Anxiety

Dahil hindi clinically recognized ang kondisyong ito, wala itong opisyal na listahan ng mga senyales at sintomas. Gayunman, pinaniniwalaan pa rin ng mga tao na ang mga senyales at sintomas ay nakahanay sa Generalized Anxiety Disorder (GAD). Kabilang dito ang:

  • Pakiramdam na sagad na o walang pahinga
  • Pagkahapo o madaling mapagod
  • Nahihirapang magpokus
  • May tensyon sa kalamnan
  • Naiirita
  • Nahihirapang kontrolin ang pag-aalala o takot
  • Nahihirapang matulog

Paano mo maiuugnay ang mga pangkalahatang sintomas na ito sa high-functioning aspect? Sinasabi ng mga eksperto na ang high-functioning anxiety ay nagdudulot sa iyo ng pagiging:

1. Palaging abala

Kung mayroon kang high-functioning anxiety, posibleng madalas kang abala sa paggawa ng iyong mga gawain o trabaho. Hindi mo magawang magrelaks o huminto, kaya’t mas mabilis kang mapagod.

Ang sintomas ay maaaring may kaugnayan sa iyong takot na may makalimutan o baka magkamaling gawin ang isang bagay.

2. Pagiging perfectionist

Ang pagkakaroon ng high-functioning anxiety ay maaaring magtulak sa iyo na gawin ang mga bagay nang pulido. Isa sa dahilan ay ang takot na masita sa trabahong hindi maayos.

3. Kulang sa Tulog

Gaya ng karamihang anxiety disorder, maaaring magdulot ng kakulangan sa tulog ang high-functioning anxiety. 

Maaaring alalahanin mo ang mga bahay na maaaring hindi mo nagawa nang tama o nag-aalala ka sa mga bagay na hindi mo pa nagagawa.

4. Madalas na pag-oo sa mga kahilingan ng iba sa iyo

Nahihirapan ka bang humindi sa hiling ng mga tao sa iyo? O napapansin mo ba ang sarili mong tumatanggap ng trabaho kahit hindi mo na kayang gawin ito?

Kung oo, ibig sabihin, taglay mo ang isa sa katangian ng high-functioning anxiety. Kadalasang konektado ang hindi pagsasabi ng hindi sa pangangailangan ng taong mapakisamahan ang iba.

5. Umasa sa mga gawaing nagpapamanhid sa iyo

Panghuli, kung may ganitong uri ka ng anxiety, maaaring mayroon kang isa o dalawang gawain na nagpapamanhid sa iyo. Maaaring paninigarilyo, pagkain, o pag-eehersisyo ito.

Posible ring may mga oras na ginagawa mo ang mga ito nang lubos.

Ano ang High-functioning Anxiety: Mga Paalala

Ang nakalilito sa high-functioning anxiety ay maraming tao ang tinitingnan ang mga sintomas nito sa positibong paraan. Halimbawa, ang isang tao ay maaaring napakaaga sa pagpupulong o palaging inaalala ang kaniyang kasuotan o hitsura. Sa likod ng mga ugaling ito ay ang kanilang anxiety na baka may mangyaring mali. Dagdag pa, kapag napupuri ang mga taong may ganitong kondisyon dahil sa kanilang mga natamong tagumpay at ugali, iniisip ng iba na wala namang problema.

Kung mayroon kang mga sintomas ng high-functioning anxiety, lalo na kung naaapektuhan na nito ang iyong paraan ng pag-iisip at iba pang ginagawa, makipagkita sa iyong doktor. Maaaring hindi nila masuri kung mayroon kang high-functioning anxiety, ngunit matutulungan ka nila sa pangkalahatan mong nararamdaman na patuloy na anxiety.

Matuto pa tungkol sa Anxiety dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Anxiety, https://medlineplus.gov/anxiety.html, Accessed January 31, 2022

2 What is high functioning anxiety and is it real?, https://www.sacap.edu.za/blog/applied-psychology/high-functioning-anxiety/, Accessed January 31, 2022

3 High-Functioning Anxiety: What It Is, Symptoms And Treatment, https://www.forbes.com/health/mind/what-is-high-functioning-anxiety/#:~:text=Instead%2C%20high%2Dfunctioning%20anxiety%20typically,obsessive%20thoughts%20on%20the%20inside, Accessed January 31, 2022

4 Anxiety Disorders, https://www.nimh.nih.gov/health/topics/anxiety-disorders, Accessed January 31, 2022

5 Signs You Have High-Functioning Anxiety, https://www.rosehillcenter.org/mental-health-blog/signs-you-have-high-functioning-anxiety/, Accessed January 31, 2022

Kasalukuyang Version

10/09/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng Panic Attack: Alamin Ang Mga Ito

Chronic anxiety: Ano ang ibig sabihin ng kondisyong ito?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement