Ang pagtingin sa mga pornographic material at pakikibahagi sa sexual activities ay normal. Kaya lang, may mga pagkakataon na ang mga ito ay maaaring maging sobra. At magkaroon ng mga negatibong epekto na makakasama sa indibidwal. Sa ganitong kaso, maaaring magkaroon ng pagkaadik sa porn. Heto ang mga palatandaan at sintomas ng pagkaadik sa porn.
Ano ang mga Palatandaan at Sintomas ng Pagkaadik sa porn
Ang hindi mapigilang pakikibahagi sa pornograpikong material ay maaaring makaapekto sa pag-uugali ng tao. Ito rin ay maaaring magkaroon ng negatibong kahihinatnan. Mahalagang tandaan ang mga posibleng senyales at sintomas ng pagkaadik sa porn.
Mga Palatandaan ng Pagkaadik sa Porn:
- Nahihirapang pigilan ang sarili na manood ng pornograpikong nilalaman. Malinaw ang kawalan ng kontrol.
- Ang pagkaadik sa porn ay maaaring dahilan ng hindi magandang ugali sa katagalan. Maaaring makaapekto ang mga ito sa malapit na relasyon ng isang tao sa iba.
- Pakiramdam na kilig at sigla na nangyayari bago at habang nanonood ng pornograpikong materyal ay napapalitan ng mga damdamin ng panghihinayang, pagkakasala, pagsisisi, at kung minsan ay depresyon.
- Ang pagkaadik ay maaaring makaapekto sa iba pang aspeto ng buhay ng tao. Halimbawa na ang hindi makapag-trabaho o makapag-aral ng maayos. At hindi maganda ang nangyayari.
- Isa pang palatandaan ng pagkaadik sa porn ay ang pagiging malihim ng isang tao tungkol sa madalas na paggamit ng porn. Palagi nilang tinatanggal sa kanilang browser history dahil natatakot sila na baka malaman ng mga tao ang tungkol sa kanilang addiction.
- Ang panonood ng pornographic materials ay nakagambala sa kanyang buhay. Kinakain nito ang karamihan ng kanyang oras at humahadlang sa kanilang mga responsibilidad, relasyon, at paggawa ng mga bagay na gusto nila.
- Ang isang taong nalulong sa porn ay madalas na nag-iisip tungkol dito kapag hindi sila nakikibahagi sa mga aktibidad tungkol sa porn. Gayundin, magsisimula silang mag-isip tungkol sa oras kung kailan sila manood muli ng pornograpikong nilalaman.
Ang mga sumusunod ay maaari ding nauugnay sa paggamit ng pornograpiya:
- Mas mataas na antas ng mga sintomas ng depresyon
- Mas mahinang kalidad ng buhay
- Madalas na suppressive na mga araw na nakakaapekto sa mental at physical wellbeing ng isang tao
- Mas mataas na level ng anxiety
- Pagkakaroon ng narcissistic personality disorder
- Mas mataas na level ng compulsive at impulsive pornographic use
Mga Epekto ng Pagkaadik sa Porn
Kapag ang isang tao ay nagpakita ng mga palatandaan at sintomas ng pagkalulong sa porno, malamang na ang kanilang paraan ng pamumuhay ay unti-unting magbabago. Heto ang ilan sa mga epekto na maaaring idulot ng pagkalulong sa porno:
- Mataas ang posibilidad na maapektuhan ang mental health dahil sa porn addiction. Magkakaroon ng depresyon, social anxiety, at mga negatibong kaisipan tungkol sa imahe ng kanilang katawan. Maaaring ma-diagnose na may eating disorders dahil hindi sila nasisiyahan sa kanilang mga katawan.
- May pakiramdam ng pamamanhid na nagsisimulang maging normal pagkatapos gumamit ng pornograpiya.
- Ang pagkaadik sa porn ay maaaring makagambala sa buhay ng isang tao. Halimbawa, maaari itong makaapekto sa pagganap ng trabaho, o maging sanhi ng kawalan ng tiwala sa kanilang intimate relationship. Higit pa rito, ang pagkaadik sa porn ay makakaabala sa isang tao mula sa pag-abot sa kanilang mga layunin dahil ang porn ay umuubos sa kanilang oras.
- Social isolation
- Mood disorders
- Sekswal na pagtingin sa ibang indibidwal
- Pagsali sa sarili sa mga mapanganib na pag-uugali
- Sexual problems
- Nasusuklam sa sarili
Diagnosis at Treatment ng Pagkaadik sa Porn
Ang pagkagumon sa porn ay hindi pormal na kasama sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders ng American Psychiatric Association (DSM-5). Tinutulungan ng DSM ang mga medical professional, at iba pang mga taong nauugnay sa larangang ito, na tukuyin, masuri, at gamutin ang mga isyu na nakakaapekto sa kalusugan ng isip ng isang tao.
Gayunpaman, ang mga dumaranas ng mga negatibong epekto mula sa mataas na antas ng paggamit ng porn inirerekomenda na makipag-usap sa isang tagapayo. Idinagdag ng ilang doktor na kailangan ng higit pang mga pag-aaral upang lumikha ng mga evidence-based treatment para sa mga taong maaaring magdusa mula sa sobrang paggamit ng porn.
Sa kasalukuyan, ang porn addiction ay itinuturing na bahagi ng hypersexual disorder. Dalawang pamantayan na dapat naroroon upang masuri ang hypersexual disorder. Ito ay kinabibilangan ng pasyente na hindi bababa sa 18 taong gulang at nakaranas ng mga sintomas nang hindi bababa sa 6 na buwan.
Key Takeaways
Bagama’t ang pagkaadik sa porn ay maaaring hindi officially diagnosed na isang adiksyon, napakahalagang tugunan ang isyung ito dahil nakakaapekto ito sa kapakanan ng mga indibidwal at ng mga nakapaligid sa kanila. Pinakamainam na kumunsulta sa mga propesyonal tungkol sa pagkakaroon ng pagkaadik sa porn.