backup og meta

Alamin: Epekto sa Kalusugan ng Sobrang Paggamit ng Cellphone

Walang duda na mahalaga ang mga smartphones bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Ginagamit natin ang mga ito sa trabaho, edukasyon, komunikasyon, balita, at entertainment. Gayunpaman, napag-alaman ng mga pag-aaral ang ilang negatibong epekto ng paggamit ng cellphone. Paano makaaapekto ang smartphones sa inyong kalusugan?

Alamin: Epekto sa Kalusugan ng Sobrang Paggamit ng Cellphone

Nagiging sanhi ito ng “imbalance” ng kemikal sa utak

Ang kamakailang pag-aaral mula sa Pew Research Center ay nagbunyag na 46% ng mga Amerikano ay “hindi kayang mabuhay nang walang smartphones.” Ito ay nagbigay ng alalahanin sa kalusugan. Dahil napag-alaman ng pag-aaral na ang adiksyon sa smartphone ay maaaring mag-resulta sa hindi balanseng neurotransmitter GABA.

Ang GABA ay pinaikling gamma-aminobutyric acid. Ito ay ang main inhibitory neurotransmitter sa nervous system. Ito ay nagre-regulate ng iba’t ibang functions ng utak. Bilang inhibitory chemical, maaari itong maging sanhi ng sintomas tulad ng pagiging antukin. Sa pag-aaral, napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga bata ay may adiksyon sa phone. Sila ay nagpakita ng mataas na level ng GABA sa isang region ng kanilang utak. Ayon sa mga imbestigador, maaari itong humantong sa anxiety.

Ano ang maaari mong gawin ukol dito:

Subukan na magkaroon ng break mula sa iyong gadgets. Maraming mga paraan upang gawin ito. Halimbawa, maaari mong piliin na temporary na mag-deactivate ng isa sa iyong social media accounts. Maaari din na maglaan ng “smartphone-free” na araw sa buong linggo. Maaari mo ring gamitin ang iyong gadgets sa mga tiyak na lugar ng inyong bahay, tulad ng study o home office.

Makasasagabal ito sa iyong kognitibong kapasidad

Ang kognitibong kapasidad ay ang sumatotal na dami ng impormasyon na kaya ng utak na makatanda sa partikular na pagkakataon. Sa dumaraming mga tao na nakadepende sa smartphones, nagtatanong ang mga mananaliksik kung ano ang epekto ng paggamit ng cellphone?

Ibinunyag ng 2017 pag-aaral na ang presensya lamang ng smartphones ay nakababawas na sa kognitibong kapasidad ng isang tao. Bago i-test ang mga kognitibong kapasidad ng mga kalahok, hinati sila ng mga mananaliksik sa tatlong pangkat:

  • Isang pangkat na iniwan ang kanilang phones sa ibang kwarto.
  • Ang sumunod na pangkat ay inilagay ang kanilang phones sa kanilang bulsa o bags.
  • Ang huling pangkat ay iniwan ang kanilang smartphones sa kanilang lamesa.

Ipinakita ng resulta na ang mga kalahok sa unang pangkat ay “mas mainam na gumawa” kaysa sa mga iniwan ang phones sa kanilang lamesa. Karagdagan, napag-alaman din ng mga mananaliksik na habang matagumpay na nakayanan ng mga kalahok ang temptasyon na tignan ang kanilang phones, ang presensya ng smartphones ay “nakababawas pa rin sa available na kognitibong kapasidad.” Ito ay sa kadahilanan na nagbibigay ito ng dagdag na impormasyon, entertainment, at pinagmumulan ng distraction kung kayang maabot. 

Ano ang maaari mong gawin tungkol dito:

Kung nais na matapos ang gawain, iwasan ang paglalagay ng iyong smartphone sa iyong lamesa o sa loob ng iyong bulsa. Kung kaya, iwan ito sa hindi madaling maabot na drawer o sa ibang kwarto. Karagdagan, i-disable ang maraming mga notifications kung maaari at ilagay sa silent mode ang iyong phone.

Nagsusulong ito ng “digital amnesia”

Ang cybersecurity firm na Kaspersky Lab ay bumuo ng terminong “digital amnesia.” Ito ay tumutukoy sa pagiging dependence ng isang tao sa digital technology upang maalala ang mga mahahalagang bagay.

Kung mananaliksik tungkol sa kung ano ang epekto ng paggamit ng cellphone (partikular na sa memorya), nagsagawa ang Kaspersky Lab ng pag-aaral kabilang ang 1,000 US consumers na nasa edad 16 hanggang 55. Nakaaalarma rin na 91 porsyento ng mga kalahok ay sumang-ayon na ginagamit nila ang kanilang smartphones bilang extension ng kanilang mga utak.” Karagdagan, 44 na porsyento ang sumang-ayon na ang kanilang phone ay “nagsisilbing imbakan ng lahat ng mga bagay na dapat nilang maalala o malaman.”

Gayunpaman, ang pag-alala ng mga mahahalagang detalye ay hindi lamang ang pinaka inaalala. Maraming mga Amerikano ang nagsabi na sila ay “malulugmok” kung nawala ang kanilang data (tulad ng photos) sa kanilang digital devices.

Ano ang maaari mong gawin tungkol dito:

Maliban sa pagbawas ng dami ng oras na inilalaan sa iyong smartphones, ikonsidera ang old-school na pamamaraan ng pag-alala ng mga bagay. Halimba ay pagsusulat sa planners, mnemonics, at sticky notes. Karagdagan, kung kailangan mong alalahanin ang mahahalagang impormasyon, iwasan ang pagnanais na i-check kaagad ang phone. Sa halip, subukan na aalahanin muna ito nang kusa.

Maaaring magpahirap ito ng pagtulog

Ano pa ang epekto sa kalusugan ng paggamit ng cellphone? Tinukoy ng mga mananaliksik na maaari itong humantong sa kawalan ng tulog.

Ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga taong ginagamit ang kanilang devices bago matulog ay nahihirapan na matulog. Gayunpaman, hindi lang natatapos doon ang ugnayan. Ipinakita rin ng pag-aaral na ang mga taong nananatiling attached sa kanilang phones bago matulog ay nakararanas ng pagbaba ng kalidad ng pagtulog at hirap na manatiling tulog sa kabuuan ng gabi.

Lahat ng ito ay bahagi ng vicious cycle: mas restless ang isang tao sa kama, mas maaari silang tumingin sa kanilang smartphones. Bilang resulta, hindi sila nagkakaroon ng sapat na tulog. Naniniwala ang mga siyentista na ang blue light na mula sa phone screens ay nakapagdaragdag ng kakayahan na hindi matulog ang isang tao. Maaaring magpababa ng melatonin ang blue light, isang mahalagang hormone na nagre-regulate ng sleep-wake cycle. 

Anong maaaring gawin tungkol dito:

Nagmungkahi ang mga siyentista na ibaba ang iyong phone ng 30 minuto bago matulog. Makatutulong din ito na ilagay ang iyong phone sa isang lugar na hindi mo maaabot mula sa kama.

epekto ng paggamit ng cellphone

Nagiging dahilan ng aksidente sa trapiko

Isa sa pinaka nakakaalarma na paraan sa kung ano ang epekto sa kalusugan ng cellphone ay ang abilidad nito na maka-distract sa mga tao habang nagmamaneho.

Sa Estados Unidos, 1.6 milyon na banggaan ang nangyayari kada taon dahil sa pagce-cellphone habang nagmamaneho. Dito sa PIlipinas, ang National Statistic Office (NSO), sa kanilang 2015 na ulat, ay nabanggit nila na ang paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho ay isa sa mga pangunahing sanhi ng aksidente sa trapiko.

Ayon sa pag-aaral, ang banta ng aksidente sa trapiko ay 3 hanggang 4 na beses na mas marami kung ang drayber ay gumagamit ng kanilang phone habang nagmamaneho.

Ano ang maaaring gawin tungkol dito:

Kung nagmamaneho, magpatulong sa iba na hawakan ang phone o ilagay ito sa loob ng bag (na kailangan itago sa upuan sa likod). Kung kailangan talaga na tignan ang phone, huminto sa ligtas na lugar. Maaari mo ring ilagay ang iyong phone sa stand at ilagay ito sa loud speaker mode kung ginagamit sa navigation.

Maaari itong humantong sa anxiety at depression

Sa alalahanin ng mental na kalusugan, ang smartphones ay nakaugnay sa anxiety. Hindi lang ito dahil sa negatibong headlines na nakikita online. Ang smartphones ay maaari ding humantong sa anxiety kung napagtanto ng mga users na nawala ang kanilang phone, naubusan ng credits, o walang network coverage. Maraming mga mananaliksik ang nagsagawa ng mga pag-aaral sa nomophobia, na ibig sabihin ay “No Mobile Phone Phobia.”

Sa puntong ito, maaaring nagtatanong ka: kung nagiging sanhi ng anxiety ang smartphones, maaari din ba silang maging sanhi ng depression?

Napag-alaman na maaari din. Ang isang cross-sectional na pag-aaral ay napag-alaman na mayroong “nakaaalarma” na positibong relasyon sa pagitan ng adiksyon sa smartphone at depression. Sa ganitong kaso, binigyan na kahulugan ang adiksyon sa smartphone bilang obsessive. Ito ay labis na paggamit ng isang smartphone sa mahabang panahon. Ito ay nagsasanhi ng sagabal ng mga gawain sa buhay at sintomas ng withdrawal at/o agitation kung tinanggal ang smartphone.

Anong maaari mong gawin tungkol dito:

Ang digital detox ay maaaring makatulong sa mental na kalusugan. Maaari ka ring mag-unfollow ng accounts at profiles na nagpapaskil ng headlines at/o mga nilalaman tungkol sa pagtanggal ng stress.

Maaaring maapektuhan ka sa pisikal na aspekto

Huwag nating kalimutan ang epekto ng smartphones sa iyong pisikal na kalusugan.

Isang obvious na banta ay ang pathogens sa surfaces ng iyong smartphones. Dahil dinadala mo ang iyong smartphones palagi, hindi na nakagugulat na nakapagdadala ito ng sakit na dulot ng bacteria at viruses sa screen at ibang high-touch surfaces.

Nagbabala rin ang mga doktor sa publiko tungkol sa “text neck” at ang “trigger thumb.” Ito ay nag-uugat mula sa panget na postura. Maging ang labis na paggamit ng hand muscles habang gumagamit ng smartphone. Syempre, mayroon ding pagod sa mga mata mula sa pagtitig sa screen.

Ano ang maaaring gawin tungkol dito:

Laging linisin ang iyong phone gamit ang disinfectant wipes upang maiwasan na kumalat ang pathogens.

Sa kabilang banda, ang pinaka mainam na paraan upang maiwasan ang trigger thumb at text neck ay bawasan ang dami ng oras na inilalaan sa iyong phone. Kung kailangan mong gamitin ang iyong smartphone sa mahabang panahon, mag break kada 30 hanggang 45 na minuto.

Mahalagang Tandaan

Gaya ng pinauulit ng maraming eksperto, ang smartphones ay narito na at parte na ng sistema. Ang tanging paraan upang maiwasan ang negatibong epekto ng devices na ito ay i-manage ang oras sa paggamit ng ating smartphones gamitin ito nang naaayon.

Matuto pa tungkol sa Malusog na Pag-iisip dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Smartphone Addiction Creates Imbalance in Brain
https://press.rsna.org/timssnet/media/pressreleases/14_pr_target.cfm?ID=1989
Accessed October 13, 2020

Brain Drain: The Mere Presence of One’s Own Smartphone Reduces Available Cognitive Capacity
https://www.journals.uchicago.edu/doi/10.1086/691462
Accessed October 13, 2020

Americans face Digital Amnesia as connected devices are increasingly trusted to recall memories
https://usa.kaspersky.com/about/press-releases/2015_americans-face-digital-amnesia-as-connected-devices-are-increasingly-trusted-to-recall-memories
Accessed October 13, 2020

https://plos.my.salesforce.com/sfc/p/#U0000000Ifis/a/0B000000LKHk/jL9AZb4lxFgN8ysmCAMblGjTCbpVUt4aMAfHacDe0.U
Accessed October 13, 2020

Health risks associated with mobile phones use
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4350886/#:~:text=Individuals%20who%20are%20concerned%20about,phone%20use%2C%20particularly%20among%20children.&text=Scientists%20have%20reported%20adverse%20health,reaction%20times%2C%20and%20sleep%20patterns.
Accessed October 13, 2020

NOMOPHOBIA: NO MObile PHone PhoBIA
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6510111/
Accessed October 13, 2020

Understanding the Positive and Negative Impact of Smartphones On Our Health
https://campuspress.yale.edu/tribune/understanding-the-positive-and-negative-impact-of-smartphones-on-our-health/
Accessed October 13, 2020

Smartphone Addiction, Sleep Quality and Mechanism

https://clinmedjournals.org/articles/ijcb/international-journal-of-cognition-and-behaviour-ijcb-1-002.php?jid=ijcb

Accessed November 11, 2020

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Addict Sa Phone Ang Asawa?

Natural na Solusyon sa Addiction: Ano ang mga Posibleng Opsyon?


Narebyu ng Eksperto

Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

Psychology · In Touch Community Services


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas