Noon, ang termninong sexual addiction ay hindi ginagamit bilang isang pormal na diagnosis. Subalit taong 2019, nagsagawa ng update ng World Health Organization sa International Classification of Disease (11th edition), ang pandaigdigang pamantayan para sa pag-uuri at pagkontrol ng mga sakit. Sa kamakailang update sa ICD-11, ang Compulsive Sexual Behavior Disorder o CSBD ay binigyang-kahulugan at ngayo’y kabilang sa impulse disorders. Hanggang sa kasalukuyan, may matindi pa ring debate ang pumapalibot sa diagnosis ng CSBD. Kailangan pang magsagawa ng mga karagdagang pag-aaral kung ano ang sex addiction at ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pag-diagnose ng disorder na ito. Ngunit ano ang magagawa tungkol sa sex addiction? Alamin sa artikulong ito.
Ano Ang Sex Addiction?
Ang Compulsive Sexual Behavior Disorder o sex addiction ay maaaring ilarawan bilang hindi matagumpay na pagkontrol sa sarili mula sa mga sekswal na pagnanasa at pag-iisip na nagreresulta sa paulit-ulit na sexual behavior Kasama sa sexual behavior ang masturbating, panonood ng porn, at sexting. Sa paglipas ng mga taon, ang disorder na ito ay kilala sa iba’t ibang mga pangalan tulad ng hypersexuality at porn addiction. Alamin kung ano ang magagawa tungkol sa sex addiction.