backup og meta

Sanhi Ng Dwarfism At Pagiging Maliit Na Tao? Alamin Dito

Sanhi Ng Dwarfism At Pagiging Maliit Na Tao? Alamin Dito

Normal na hindi pare-pareho ang sukat ng tangkad ng bawat tao. Ngunit hanggang ngayon marami ang walang alam tungkol sa dwarfism. Kaya naman bilang resulta, nagiging dahilan ito ng pagkalito sa pagtukoy ng mga natural na maliliit na tao at mga taong nagtataglay ng dwarfism. Gayunpaman, dapat mong iwasan na tawagin ang isang taong maliit na isa siyang “pandak” o “unano.” Kinakailangan mong maging sensitibo sa paraan ng pagtrato at pagtawag sa bawat tao upang hindi makasakit ng damdamin.

Sa artikulong ito lilinawin natin ang pagkakaiba ng mga natural na maliit na tao sa mga indibidwal na may dwarfism, upang maging mulat tayo sa usapin na ito — at maiwasan ang diskriminasyon.

Maliit Na Tao vs Dwarfism

Hindi dapat lahatin na ang mga maliliit na tao ay may mga medikal na kondisyon kaya hindi ganoon kataas ang height nila. Maraming factors kung bakit hindi sila naging matangkad. Narito ang ilang mga dahilan:

Mayroong mga tao na natural lang na maliit dahil sa genes na nakuha mula sa kanilang magulang. Kaya sa madaling salita, hindi lahat ng mga maliliit na tao ay mayroong dwarfism. Sa katunayan ang dwarfism ay isang short stature na maaaring resulta ng genetics o medical condition. Ang mga taong may dwarfism ay kadalasang nasa 4 feet (122 cm) ang kanilang average adult height. May 2 kategorya rin ang dwarfism — ang  disproportionate at proportionate. 

Sa disproportionate dwarfism nagaganap dito ang pagpigil ng development ng mga buto ng tao. Ang mga palatandaan na taglay ng disproportionate dwarfism ay madalas na nakikita agad sa kapanganakan o sa early infancy. 

Sa proportionate dwarfism naman, kadalasan ang body parts ng tao ay maliliit sa pare-parehong degree, kaya nagmumukha itong proporsyon sa katawan ng tao na may average na tangkad. Kaugnay nito, maaaring akalain ng ibang indibidwal na normal lamang ang laki ng isang tao, dahil proporsyon ang sukat ng mga bahagi ng katawan sa kanyang taas. Ito ang nagiging sanhi kung bakit hindi nakikita kaagad kung minsan ang dwarfism ng isang tao — at napagkakamalan pa silang bata dahil sa kanilang itsura.

Sanhi Ng Dwarfism

Narito ang ilang sanhi ng dwarfism na dapat mong malaman:

Growth Hormone Deficiency

Batay sa Mayo Clinic ang pagkakaroon ng kakulangan sa growth hormone ay maaaring ma-trace sa isang genetic mutation o injury. Sa madaling sabi, maaaring maging sanhi ang hormone deficiency sa pagkakaroon ng dwarfism. 

Achondroplasia

Isang genetic condition ang achondroplasia na maaaring gawing maikli o maliit ang iyong mga kamay, at hita na hindi angkop sa laki ng iyong trunk at ulo.

Turner Syndrome

Ang Turner syndrome ay isang kondisyon kung saan ang naapektuhan lamang nito ay ang mga babae. Isa ito sa kilalang uri at sanhi ng dwarfism. Ang Turner syndrome ay dahilan din ng pagkakaroon ng heart defect — at hindi paglaki nang normal ng mga obaryo ng ng babae.

Treatment Para Sa Dwarfism

Ang layunin ng gamutan para sa dwarfism ay palawigin ang paggana at kalayaan ng isang tao. Karamihan sa paggamot na ginagawa sa dwarfism ay hindi nagpapataas ng tangkad. Pero pwede nitong mapawi ang mga problemang dulot ng mga komplikasyon sa pagkakaroon ng dwarfism.

Narito ang ilang mga treatment:

  • Surgical treatments
  • Hormone therapy
  • Pagkakaroon ng ongoing health care
  • Limb lengthening

Pwede ka ring makipag-usap sa pediatrician at specialist para sa home-care at mga medikal na payo sa pagharap ng kondisyon. Pero dapat mo pa ring tandaan na mahalaga munang ma-diagnose ang pagkakaroon ng dwarfism upang maiwasan ang anumang maling paggamot. Kaya ipinapayo ang pagpapakonsulta sa doktor bago ang pagsasagawa ng anumang treatment. 

Iwasan din ang pagse-self diagnose o pagda-diagnose sa ibang tao na sila ay may dwarfism dahil sa kanilang sukat at tangkad, lalo na kung hindi ka naman doktor o eksperto. Ang tanging mga indibidwal lamang na pwedeng makapagsabi at makapag-diagnose ng dwarfism ay mga doktor at espesyalista.

Key Takeaways

Ang paglitaw ng dwarfism ay pwedeng resulta ng random genetic mutation. Ayon sa Mayo Clinic, karamihan sa mga dwarfism-related na kondisyon ay mga genetic disorder. At ang ibang mga dahilan ng disorders ay hindi pa alam at tukoy o “unknown.” Dapat mo ring iwasan nang pagtawag sa mga maliliit na tao nang “pandak,” “unano,” at may “dwarfism” upang hindi makasakit ng kapwa at makaranas ng anumang diskriminasyon mula sa’yo.  Tandaan mo rin na hindi lahat ng maliit ang height ay may dwarfism. Ang iba sa kanila ay natural na maliit dahil sa genes na nakuha nila sa kanilang magulang.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dwarfism, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dwarfism/diagnosis-treatment/drc-20371975#:~:text=For%20individuals%20with%20dwarfism%20due,adult%20range%20for%20their%20family, Accessed August 1, 2022

Dwarfism, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dwarfism/symptoms-causes/syc-20371969#:~:text=Overview,4%20feet%20(122%20cm), Accessed August 1, 2022

Dwarfism, https://kidshealth.org/en/parents/dwarfism.html, Accessed August 1, 2022

Dwarfism, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/dwarfism, Accessed August 1, 2022

Dwarfism (Skeletal Dysplasia) and Other Causes of Short Stature, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17862-skeletal-dysplasia-dwarfism-and-other-causes-of-short-stature, Accessed August 1, 2022

Dwarfism, https://medlineplus.gov/dwarfism.html, Accessed August 1, 2022

Hypopituitarism, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hypopituitarism/symptoms-causes/syc-20351645#:~:text=Hypopituitarism%20is%20when%20you%20have,or%20hormones%20you%20are%20missing, Accessed August 1, 2022

Kasalukuyang Version

05/22/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pampatangkad Na Vitamins Para Sa Bata, Mayroon Ba?

Pagkain Na Pampatangkad: Heto Ang Mga Dapat Kainin


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement