backup og meta

Saan Makakakuha ng Medical Assistance? Alamin Dito ang Kasagutan

Saan Makakakuha ng Medical Assistance? Alamin Dito ang Kasagutan

Ang pagkakasakit ay hindi lang tungkol sa pagkakaroon ng masamang pakiramdam sa loob ng ilang araw na nasa kama, o pakiramdam ng pagiging miserable, at hindi pagpasok sa trabaho o paaralan. Ito rin ay tungkol sa usaping pera para sa pambayad sa doktor, gamot, laboratory o hospital confinement. Ang mga mild na sakit ay hindi magiging sanhi ng malaking kabawasan sa iyong savings, ngunit ang mga kritikal na sakit, tulad ng kanser at stroke o kondisyon na nangangailangan ng surgery ay maaaring maglagay sa iyong pamilya sa pinansyal na krisis. Upang matulungan ka, alamin natin saan makakakuha ng medical assistance sa Pilipinas.

Ang Medical Assistance Program ng Department of Health

Para makakakuha ng medical assistance sa Pilipinas, maaari mong tingnan ang Medical Assistance Program (MAP) ng Kagawaran ng Kalusugan.

Ang mga maaaring makatanggap ay ang mga taong nangangailangan ng konsultasyon, o naka-confine sa mga pampublikong ospital kahit na anumang room category.

Sa pangkalahatan, ang Department of Health (DOH) ay may partnership kasama ng iba’t ibang ospital. Kung ang ospital ay nakatanggap na ng pondo para sa MAP (Retained Health Facilities with Downloaded Funds), maaari kang manghingi ng medikal na tulong direkta sa pasilidad. Ipoproseso na ng ospital lahat ng kailangan.

Para sa non-DOH na ospital at ang mga wala pang mga downloaded na pondo, maaari kang humingi ng tulong sa MAP Unit.

Tandaan na ang programa ay hindi naglalabas ng pondo direkta sa mga pasyente at ang professional fees ay hindi kasama rito.

Para sa mga listahan na kabilang sa MAP, tignan ang page na ito.

Opisina ng Pangulo

Kung nais humingi ng medikal na tulong sa Pilipinas, ang Opisina ng Pangulo ay ibinigay ang mga sumusunod na contact details:

Contact No. : 8-2498310 loc. 8175 or 8182, 8-736-8645, 8-736-8603, 8-736-8606, 8-736-8629, 8-736-8621,

Telefax 8-736-8621

Email Address: [email protected]

Opisina ng Pangalawang Pangulo (OVP)

Ang Opisina ng Pangalawang Pangulo ay maaaring makapagbigay ng medikal na tulong sa Pilipinas dahil ito ay may Memorandum of Agreement kabilang ang iba’t ibang pribado at pampublikong ospital, pribadong dialysis centers, diagnostic centers at medical supplies.

Maaaring mag-request ang kliyente ng tulong isang beses kada taon ngunit hindi maaaring piliin ang pribadong ward o pribadong kwarto.

Para sa listahan ng mga institusyon na kaugnay ng OVP, mga kinakailangan, at medical assistance form, maaari kang pumunta sa page na ito.

Senate Public Assistance Office

Upang manatili ang serbisyo sa mga tao, ang Senate Public Assistance Office ay nagsagawa ng online application para sa medikal na tulong sa Pilipinas.

Ang proseso ay kabilang ang paghahanda ng Medical Assistance Form, iba pang mga kinakailangang papeles, at personal na liham na naka-address sa senador (email). Matapos ito, ipadala ito sa email ng senador. Ang mga taong hindi kayang magpadala ng application online ay maaaring magpadala sa dropbox na makikita sa senate entrance gate.

Ang mga listahan na kinakailangan at ang email addresses ng mga senador ay makikita rito.

Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)

Ang PAGCOR ay walang contact application para sa mga taong kailangan ng tulong medikal sa Pilipinas. Sa ngayon, inuuna nila ang mga pasyente na tumatanggap ng chemotherapy at ang mga sumasailalim sa dialysis.

Sa halip na maghintay, maaari mong ipadala ang mga kinakailangang dokumento sa dropbox sa lobby ng PAGCOR Corporate Annex, 1105 United Nations Avenue, Ermita, Manila.

Matapos maipadala, magpapadala sila ng SMS o text message bilang update. Binigyang-diin din ng mga opisyales sa PAGCOR na hindi nila ipoproseso ang mga peke at hindi kumpletong dokumento.

Alamin ang tungkol sa mga kinakailangan ng PAGCOR dito.

Philippine Charity Sweepstakes Office

Ang mga taong nagnanais ng medikal na tulong sa Pilipinas ay karaniwang nagtutungo sa PCSO.

Sa pamamagitan ng kanilang flagship program na Individual Medical Assistance Program, nagbibigay sila sa mga kliyente ng liham na may garantiya na nagsasabing ang PCSO ay nagbibigay ng obligasyon sa tiyak na halaga sa kliyente para sa serbisyo ng healthcare facility

Maaari kang humingi ng tulong sa mga sumusunod:

  • Confinement
  • Chemotherapy
  • Dialysis
  • Mga gamot

Para sa kumpletong listahan ng pangkalahatan at tiyak na mga kailangan, maaari kang magtungo sa page na ito. Sa kasalukuyan, nagbibigay ang PCSO ng online application para sa mga aplikante sa National Capital Region. Gayundin, narito ang listahan ng Medicine Providers na tumatanggap ng PCSO Guarantee Letter.

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Ang DSWD ay nagbibigay ng medikal at tulong sa ospital para sa mga tao na mahihirap (certified ng barangay), at ang mga taong hindi nag-avail ng Crisis Unit Intervention assistance sa isang taon.

Iba-iba ang oras sa pagproseso. Halimbawa, ang issuance ng liham sa garantiya ay nasa 20 minuto, ang cash disbursement ay hindi aabot ng isang oras, at ang issuance ng tseke ay maaaring umabot ng ilang mga araw.

Maaari mong makita ang kumpletong listahan ng mga kinakailangan at proseso rito.

Gayundin, ang DSWD ay nagbibigay ng medikal na tulong sa mga taong kailangan ng mga gamot. Sa kanilang Memorandum Circular, nabanggit na ang eligible beneficiaries na kinakailangan ng wala pang 5,000 PHP ay kailangan lang ng kompirmasyon mula sa doktor tungkol sa mga nireseta. Para sa halaga na higit sa 5,000 PHP, kinakailangan ng Social Case Study Report.

Karaniwan, ang halaga na maaaring maibigay ay nasa PHP 25,000. Kung ang kaso ay makatarungan, maaaring magbigay ang DSWD hanggang Php 75,000. Para sa listahan ng mga kinakailangan, maaari kang magtungo sa kanilang Memorandum Circular.

Masakit Centers

Saan makakakuha ng medical assistance? Ang Malasakit Center ay tulad ng one-stop shop para sa mga taong nangangailangan ng medikal na tulong para sa hospitalization. Pinagsasama nito ang iba’t ibang opisina sa pamahalaan, tulad ng PCSO, PhilHealth, PAGCOR, at DSWD.

Kinakailangan mo ba ng medikal na tulong sa Pilipinas? Kung oo, ikonsidera ang paghingi ng tulong sa pinakamalapit na Malasakit Center.

Matuto pa tungkol sa Pangkalahatang Isyu sa Kalusugan dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na tulong, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Implementing Guidelines: Medical Assistance Program, https://ro10.doh.gov.ph/files/programs_and_projects/medical_assistance_program/MAP.pdf, Accessed October 26, 2021

Medical Assistance Program, https://doh.gov.ph/medical-assistance-program, Accessed October 26, 2021

Medical Assistance, https://ovp.gov.ph/programs/medical-assistance.html, Accessed October 26, 2021

Senate Public Assistance Office (SPAO) Online Medical Assistance, https://legacy.senate.gov.ph/PAC.asp, Accessed October 26, 2021

PAGCOR implements “No contact application” policy for medical assistance requests, https://www.pagcor.ph/press-releases/pagcor-no-contact-application-policy-for-medical-assistance.php, Accessed October 26, 2021

Medical Access Program (MAP), https://www.pcso.gov.ph/ProgramsAndServices/CAD/MedicalAccessProgram.aspx, Accessed October 26, 2021

Processing of Assistance to Clients of DSWD Crisis Intervention Unit, https://ncr.dswd.gov.ph/about-us/citizens-charter/assistance-to-individuals-in-crisis-situations/?fbclid=IwAR3ElCMWRVuE3nQscWuVdb7r_xvdxiNkoL_GAznnpNjOMzwo6zDjIJ7Hvj0, Accessed October 26, 2021

Medicine Assistance, https://www.dswd.gov.ph/issuances/MCs/MC_2016-014.pdf, Accessed October 26, 2021

Kasalukuyang Version

04/05/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

4 Na Pwedeng Mangyari Sa’yo Kapag Tinamaan Ka Ng Kidlat

Pahinga: Bakit ito Mahalaga Para sa Iyong Kalusugan?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement