backup og meta

Anu-Ano Ang Mga Dapat Gawin Bago Magpabakuna?

Para sa maraming mga nakatatanda, ang pagpapabakuna ay para lamang sa mga bata. Gayunpaman, hindi lamang ito ang tamang paniniwala. Bagama’t nagkaroon ka na ng mga mahahalagang bakuha sa iyong pagkabata, ito ay hindi naggarantiya ng pangmatagalang proteksyon dahil maaari din itong mawala sa paglipas ng panahon. Kung kaya, maging sa matanda, mahalaga pa ring malaman ang mga dapat gawin bago magpabakuna.

Bakit Mahalaga Ang Bakuna Sa Mga Nakatatanda

Gumagana ang bakuna sa pamamagitan ng pagpapasigla sa katawan upang labanan ang mga impeksyon. Bawat isa ay naglalaman ng patay o mahinang mikrobyo (o maaaring sa ilang bahagi) na nagiging dahilan ng tiyak na sakit. 

Sinasanay ng katawan ang sarili nito sa paglaban sa mga sakit sa pamamagitan ng paggawa ng mga antibodies na lumalaban sa tiyak na bahagi ng mikrobyo. Ang pangmatagalang tugon na ito ay nangangahulugan na kung ang isang tao ay may tyansang magkaroon ng tiyak na sakit, ang antibodies ay nakahanda na. Dahil dito, alam na ng katawan kung paano lalabanan ang mga ito. Tinatawag itong immunity. 

Ang mga nakatatanda ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng mga malulubhang karamdaman, at dito pumapasok ang mga bakuna. 

Ayon sa American Academy of Family Physicians (AAFP), ang pagpapabakuna ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit. Nagbibigay ito ng kakayahan upang protektahan hindi lamang ang iyong sarili ngunit maging ang iyong mga mahal sa buhay, tulad ng mga matatanda at mga bata. Ito ay dahil ang bakuna ay nakatutulong na maiwasan ang posibilidad na maipasa ang sakit sa ibang tao. Halimbawa, ang taunang bakuna para sa flu ay nakakatulong na mapigilan ang tyansa ng pagkakaroon ng heart attack na kaugnay ng flu at ng iba pang mga komplikasyong kaugnay ng flu. 

Inindorso ng Center for Disease Control ang Prevention (CDC) ang mga bakunang para sa mga nakatatanda ayon sa mga sumusunod na mga kadahilanan:

  • Edad
  • Naunang bakuna
  • Kabuoang kalusugan
  • Paraan ng pamumuhay
  • Trabaho
  • Pupuntahang lugar
  • Sekswal na gawain

Mga Dapat Gawin Bago Magpabakuna: Bago Ang Araw Ng Pagpapabakuna 

Maliban sa pag-alam at pag-unawa kung bakit mahalaga ang bakuna sa iyong kalusugan, kailangang mo ring sumailalim sa mga hakbang upang ihanda ang iyong sarili sa pagpapabakuna. 

Narito ang ilan sa mga bagay na maaaring gawin bago magpabakuna. 

  • Maging pamilyar sa mga bakuna na para sa mga nakatatanda. Maaaring magbasa sa online o ng pamphlets mula sa mga klinika upang malaman ang mga bakuna na angkop sa iyong edad. Ilan sa mga bakunang para sa mga nakatatanda ay kinabibilangan ng influenza vaccine, pneumococcal vaccine, shingles, human papillomavirus (HPV), at COVID-19, at marami pang iba.
  • Hanapin ang mga rekord ng iyong mga pagpapabakuna. Magiging madali kung mayroon kang rekord ng mga bakuna upang malaman ng doktor kung ano na ang mga bakunang naibigay sa iyo.
  • Makipag-ugnayan sa iyong doktor. Siguraduhing kumonsulta sa iyong doktor kung ikaw ay nakaranas ng anomang malubhang epekto mula sa mga naunang bakuna. Maaari din magtanong pa upang matugunan ang iyong mga alalahanin.
  • Alagaan ang sarili. Bago magpabakuna, mahalagang magkaroon ng sapat na tulog at tamang hydration bago ang iskedyul ng pagpapabakuna. 

Mga Dapat Gawin Bago Magpabakuna: Habang Nagpapabakuna 

Habang nasa proseso ng pagpapabakuna, makatutulong ang panatilihing kalmado ang sarili sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga sumusunod: 

  • Iwasang tingnan ang hiringgilya o syringe.
  • Huminga nang malalim.
  • Irelaks ang muscle o bahagi na tuturukan (upang hindi labis na maging masakit ang pagbabakuna). 

Mga Dapat Gawin Matapos Na Magpabakuna 

Ang mga bakuna ay ginawa upang magbigay ng immunity nang walang tyansang magkaroon ng  sakit. Bagama’t normal na magkaroon ng immunity nang hindi nakakaranas ng anomang side effects, karaniwan ding makaranas ng ilang side effects. 

Matapos ang pagpapabakuna, maaari kang makaranas ang ilang mga mild-to-moderate na side effects

  • Pananakit, pamamaga, o pamumula ng tinurukang bahagi.
  • Sinat
  • Panginginig
  • Pagtatae
  • Pagkapagod
  • Pananakit ng ulo
  • Pananakit ng muscles at kasukasuan 

Tandaan na ang mga iti ay kusang nawawala matapos ang ilang araw. 

Kung nakakaranas ng mga hindi masyadong malubhang side effects, maaaring gawin ang mga sumusunod upang maiwasan ang hindi komportableng pakiramdam: 

  • Uminom ng maraming tubig.
  • Maglagay ng tuwalyang binasa ng malamig na tubig sa apektadong bahagi.
  • Uminom ng non-aspirin na gamot na pampawala ng sakit.
  • Dahan-dahang igalaw ang mga braso. 

Kung alinman sa mga sintomas na ito ay tumagal ng higit pa sa ilang araw, o nagkaroon ng malubhang epekto, agad na komunsulta sa doktor.

Key Takeaways

Kinakailangan ng lahat, ang sanggol, bata, o nakatatanda, ang bakuna, lalo na sa mga panahong katulad nito kung saan ang kaligtasan sa sakit ay mas kinakailangan. 
Ang pag-alam sa mga dapat gawin bago magpabakuna ay makakatulong sa iyo at sa ibang mga nakatatanda na maunawaan buong proseso.

Matuto pa tungkol sa General Health Knowledge dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What you need to know before, during and after receiving a COVID-19 vaccine, https://www.unicef.org/coronavirus/before-during-after-covid-19-vaccine, Accessed April 18, 2022

Before, During, and After Shots, https://www.cdc.gov/vaccines/parents/visit/before-during-after-shots.html, Accessed April 18, 2022

Vaccines for adults: Which do you need?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/vaccines/art-20046750, Accessed April 18, 2022

What to Expect — for Adults, https://www.hhs.gov/immunization/get-vaccinated/for-adults/index.html, Accessed April 18, 2022

Adult Immunization: Importance of Staying Up to Date with Vaccines, https://www.immunize.org/catg.d/p4033.pdf, Accessed April 18, 2022

The Importance of Vaccinations, https://familydoctor.org/the-importance-of-vaccinations/, Accessed April 18, 2022

Why Vaccines are Important for You, https://www.cdc.gov/vaccines/adults/reasons-to-vaccinate.html, Accessed April 18, 2022

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

4 Na Pwedeng Mangyari Sa’yo Kapag Tinamaan Ka Ng Kidlat

Pahinga: Bakit ito Mahalaga Para sa Iyong Kalusugan?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas