backup og meta

Benepisyo Ng White Flower, Alamin Dito!

Benepisyo Ng White Flower, Alamin Dito!

Ang white flower (Embrocation) ay maaaring nasa maliit na bote lamang, pero marami itong gamit. Mula sa sakit ng ulo hanggang sa pagpapabuti ng mga sintomas ng trangkaso. Ano ang benepisyo ng white flower at saan nakukuha ng langis na ito ang kanyang “cure-all” properties? Alamin dito ang mga sagot at kasama na kung paano ito ginagamit ng tama.

Ano Ang White Flower Oil?

Ang White Flower Embrocation, na mas kilala bilang White Flower Oil, ay isang timpla ng mahahalagang langis, kabilang ang eucalyptus oil at lavender oil¹. Tandaan na sa package, ang eucalyptus oil, lavender oil, pati na rin ang peppermint oil at fragrance, ay nakalista bilang “hindi aktibong” na sangkap²,³.

Ang mga aktibong sangkap ay:

Paalala

Sinasabi ng mga ulat na ang mga aktibong sangkap ay ang mga sangkap na may mga therapeutic effect. Sa madaling salita, sila ang nagpapagaan ng pakiramdam mo⁴. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na ang mga hindi aktibong sangkap ay hindi mahalaga. Ang mga hindi aktibong sangkap ay maaaring gumana bilang mga filler, stabilizer, o buffer.

Ano Ang Mga Benepisyo Ng White Flower Oil?

Nasa website ng manufacturer (Hong Kong-based) ang mga sumusunod na gamit ng White Flower Oil¹:

  • Ginhawa mula sa “stuffed up” na pakiramdam dahil sa mga sakit, tulad ng trangkaso at karaniwang sipon.
  • Nagtataguyod ng pag-alis ng pananakit (sakit ng ulo, pananakit ng tiyan, pananakit ng muscles)
  • Nakakatulong sa motion sickness at pagkahilo
  • Tumutulong sa pangangati mula sa kagat ng insekto
  • Maaaring gumana bilang antiseptic
  • Nagbibigay ng mga remedyo sa mga pimples, hiwa, scalds, at paso
  • Tumutulong sa pagdurugo at pananakit ng maliliit na sugat
  • Nagbibigay ng soothing aromatherapy
  • Tumutulong na i-refresh ang katawan
  • Nakakatulong mapawi ang stress

Mula sa mga gamit na ito, madaling sabihin kung bakit itinuturing ng marami ang White Flower Oil bilang isang “lunas-lahat” na remedy.

Ngunit ang tanong, maaari ba nating gamitin ang White Flower Embrocation para sa mga nabanggit na kondisyon? Ano ang benepisyo ng white flower?

Mga Pagsasaalang-Alang

Sa kabila ng mahabang listahan ng mga gamit, ang ulat ng Philippine FDA para sa White Flower Oil (na-import, ni-repack, at ipinamahagi ng Jelma Philippines) ay nagsasabi na ang layunin nito ay bilang isang “external analgesic,” ibig sabihin ito ay para sa pangpawala ng sakit mula sa:

  • Simpleng sakit ng likod
  • Strains at sprains
  • Mga pasa
  • Arthritis

Taliwas sa website ng manufacturer na nakabase sa HK, na nagsasabing maaaring makatulong ito sa maliliit na sugat, ang ulat ng Philippine FDA ay partikular na nagsaad na hindi ito dapat gamitin sa irritated o damaged na balat at mga sugat³.

Ang official website ng White Flower Oil sa Pilipinas (by Jelma) ay hindi rin binanggit ang mga gamit nito para sa open wound at antiseptic. Gayunpaman, sinasabi na magagamit mo ito para sa⁵:  

  • Sakit ng ulo
  • Sakit sa kalamnan
  • Sipon at baradong ilong
  • Travel sickness
  • Kagat ng insekto
  • Stress
  • Masahe sa likod
  • Masahe sa ulo

Nangangalaga sa mga pananakit at kirot ang active ingredients nito. Samantala ang mga hindi aktibong sangkap, ang lavender oil, ay nakakatulong sa stress. Ang camphor ay mayroon ding mga anti-inflammatory properties na maaaring makatulong sa kagat ng insekto. Ano ang mga benepisyo ng white flower at paano ito ginagamit?

Paano Tamang Gamitin Ang White Flower Oil?

Para sa pansamantalang pag-alis ng minor pains at pananakit, maglagay ng 1 hanggang 2 patak ng oil sa palad, banayad na kuskusin ang magkabilang kamay, pagkatapos ay imasahe ang apektadong bahagi. Maaari mo ring direktang ilapat ang langis sa masakit na bahagi ng katawan. Gamitin 3 hanggang 4 na beses araw-araw.

Mayroon ding benepisyo ng white flower para sa stress, sakit ng ulo, at stuffy nose. Maaari mo itong gamitin para sa aromatherapy. Maglagay ng oil sa mga kamay, rub gently, at langhapin ang vapor. Maaari rin na maglagay ng oil sa panyo.

Huwag itong gamitin sa mga buntis at mga batang 3 taong gulang pababa.

Mahalaga

Ang benepisyo ng White Flower Oil ay maaaring ituring ng marami bilang isang “cure-all” remedy, ngunit hindi nito mapapagaling ang kondisyon. Halimbawa, kung may arthritis ka, maaari lamang itong magbigay ng pansamantalang lunas, ngunit bibigyan ka pa rin ng doktor ng iba pang mga tagubilin o gamot.

Kung magpapatuloy o lumala ang iyong mga sintomas, magtakda ng appointment sa iyong doktor.

Key Takeaways

Ang White Flower Oil ay isang blend ng essential oils na itinuturing ng maraming tao bilang “cure-all”. Sa kabila nito, sinabi ng ulat ng FDA na ang tanging layunin nito ay bilang isang external analgesic.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

WHITE FLOWER EMBROCATION, https://www.whiteflower.com/en/philippines/, Accessed February 17, 2022

WHITE FLOWER ANALGESIC BALM- camphor, menthol and methyl salicylate oil, https://dailymed.nlm.nih.gov/dailymed/drugInfo.cfm?setid=f3e3b8b5-b12b-49ac-9318-b0c358b136e9, Accessed February 17, 2022

WHITE FLOWER ANALGESIC BALM FLORAL SCENTED – camphor, menthol and methyl salicylate oil JELMA PHILIPPINES INC, https://fda.report/DailyMed/E323AA81-675C-4FE2-B643-9BD1FCEBDAA4.pdf, Accessed February 17, 2022

Inactive Ingredients in Approved Drug Products Search: Frequently Asked Questions, https://www.fda.gov/drugs/drug-approvals-and-databases/inactive-ingredients-approved-drug-products-search-frequently-asked-questions, Accessed February 17, 2022

Benefits, https://whiteflower.com.ph/how-to-use-whiteflower-embrocation/, Accessed February 17, 2022

Analgesic and anti-inflammatory articular effects of essential oil and camphor isolated from Ocimum kilimandscharicum Gürke leaves, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/33316364/, Accessed February 17, 2022

Lavender and the Nervous System, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3612440/, Accessed February 17, 2022

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

4 Na Pwedeng Mangyari Sa’yo Kapag Tinamaan Ka Ng Kidlat

Pahinga: Bakit ito Mahalaga Para sa Iyong Kalusugan?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement