Ang acromegaly ay isang hormonal disorder na nangyayari kapag may sobrang produksyon ng growth hormone mula sa pituitary gland. Ang mga sintomas ay maaaring magpakita lamang sa early stage ng adulthood, ngunit ang pagkakaroon ng acromegaly ay maaaring magsimula sa panahon ng pagkabata. Narito ang mga dapat malaman kung ano ang acromegaly.
Ang hormonal disorder na ito ay madalas nauugnay sa gigantism. Sa acromegaly, ang pag-atake ng growth hormone ay limitado lamang sa mga buto sa kamay, paa, at mukha.
Ang development ng acromegaly sa katawan ay mabagal. Maaaring mahirap kilalanin ang mga pagbabago sa maagang yugto. Ito ay karaniwang nabubuo kapag ang isang tao ay umabot na sa adulthood. Kung hindi ginagamot, maaari itong humantong sa mga problema sa kalusugan na nagbabanta sa buhay.
Ano ang Acromegaly: Mga Sanhi
Ang pituitary gland ay nasa base ng utak, sa likod ng ilong. Tungkulin nito ang magbigay ng signal sa atay na maglabas ng insulin-like growth factor (IGF-1), na nagpapalaki sa mga tissue at buto sa katawan. Ang sobrang paglaki ng hormone ay nagti-trigger ng paglaki ng acromegaly.
Ito ang dalawang uri ng mga tumor na nagti-trigger sa pituitary gland sa pagpapalabas ng labis na growth hormone:
- Pituitary Tumor. Ito ay isang tumor na nabubuo sa pituitary gland, na nagbibigay ng pressure sa mga tisyu ng utak. Ang tumor na ito ay may posibilidad na mag-stimulate ng labis na growth hormone at nagpapakita ng mga sintomas, tulad ng pananakit ng ulo at damaged vision. Ang pagkakaroon ng tumor na ito ay karaniwang namamana.
- Non-Pituitary Tumor. Ang mga tumor sa baga at pancreas ay maaaring magdulot ng acromegaly sa ilang tao. Gumagawa ang mga tumor na ito ng growth hormone-releasing hormone (GH-RH) na nagti-trigger sa pituitary gland na gumawa ng mas maraming growth hormones.
- Mga Genetic Syndrome. Para sa ilang taong may acromegaly, maaaring mangyari ito sa iba pang genetic syndromes. Kabilang dito ang multiple neoplasia type 1 (MEN1), Carney complex, at McCune-Albright syndrome.
Mga Palatandaan at Sintomas
Ang mga sintomas ng acromegaly ay maaaring mag-iba depende sa tao. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Lumalaking mga kamay, paa, mukha, labi, dila, at panga
- Makapal, oily skin dahil sa labis na pagpapawis, malakas na amoy sa katawan
- Mga pananakit ng kasukasuan, pamamaga ng kasukasuan
- Paos ng boses, malalim na boses
- Matinding hilik kapag natutulog
- Pagkasira ng paningin
- Matinding pananakit ng ulo
- Hindi regular na cycle ng regla
- Erectile dysfunction
- Bad bite
Risk Factors at Complications
Ang pangunahing risk factor ay pamilya o personal history ng pagkakaroon ng pituitary tumor.
Mapapamahalaan kung ano ang acromegaly, ngunit maaari itong humantong sa iba pang mga komplikasyon sa kalusugan kung hindi ginagamot. Kabilang dito ang:
- Hypertension
- Mataas na kolesterol
- Cardiomyopathy, paglaki ng puso
- Osteoarthritis
- Type 2 diabetes
- Goiter
- Precancerous polyps
- Carpal tunnel syndrome
- Pagkakaroon ng cancerous tumors
- Pagkawala ng paningin
- Sleep apnea, isang karamdaman na humihinto at nagsisimulang huminga habang natutulog
- Maagang pagkamatay
Diagnosis ng Acromegaly
Ang mga palatandaan at sintomas kung ano ang acromegaly ay mahirap masuri sa maagang yugto. Bukod sa pagkuha ng history ng pasyente at pisikal na pagsusuri, ang mga doktor ay nag-uutos ng mga pagsusuri upang kumpirmahin ang diagnosis.
Kabilang dito ang:
- Blood Tests. Ang pagsusuri para sa sample ng dugo ay susukatin ang antas ng IGF-1. Kung ang resulta ay nagpapakita ng mataas na antas ng IGF-1, maaari itong magmungkahi ng diagnosis ng acromegaly.
- Growth Hormone Suppression Test. Ito ang pinakamahusay na paraan upang makumpirma na ang pasyente ay may acromegaly. Sinusubaybayan ng test na ito ang growth hormone level ng katawan sa pamamagitan ng blood test bago at pagkatapos uminom ng glucose. Ang mga taong may acromegaly ay magpapakita ng mataas na level ng growth hormone pagkatapos kumain ng glucose.
- Imaging Tests. Hinahanap at sinusukat ng magnetic resonance imaging (MRI) ang laki ng tumor sa pituitary gland. Kung walang nakitang pituitary tumor, ang computed tomography scan (CT scan) ay isa pang opsyon. Lumilikha ito ng x-ray images ng mga organo ng katawan at mga panloob na bahagi.
Mga Paggamot
Ang suggested treatment ay nag-iiba depende sa lokasyon at laki ng tumor, mga sintomas, at kasalukuyang kondisyon ng kalusugan.
Kasama sa mga opsyon sa paggamot ang mga sumusunod:
Operasyon
Ang transsphenoidal surgery ay ang procedure para sa pag-alis ng mga pituitary tumor sa pamamagitan ng ilong. Karamihan ng mga kaso, kung ang tumor size ay maliit, babalik sa normal ang growth hormone level pagkatapos ng operasyon. Nakakatulong din ito sa pag-alis ng mga palatandaan at sintomas, tulad ng pananakit ng ulo at mga problema sa paningin.
Mga Gamot
Ang ilang mga gamot ay makakabawas sa laki ng tumor at maglilimita sa produksyon ng growth hormone. Ang mga gamot na ito ay maaaring gamitin bago o pagkatapos ng operasyon.
Radiation
Pinapatay ng radiation therapy ang tumor cells. Ginagawa ito kung hindi posible ang operasyon dahil sa mga kondisyon ng kalusugan, at kung ang mga gamot ay hindi gaanong epektibo.
Key Takeaway
Ano ang acromegaly? Isang bihirang kondisyon ang acromegaly. Ito ay nauugnay sa labis na produksyon ng growth hormone sa adulthood. Kadalasang sanhi ito ng pituitary tumor na nagti-trigger sa pituitary gland sa pag-stimulate ng mas maraming growth hormone. May mga opsyon sa paggamot na maaaring alisin at pamahalaan ang mga tumor. Kung ang mga tumor na ito ay hindi ginagamot, pinapataas nito ang panganib na magkaroon ng iba pang mga komplikasyon sa kalusugan na nagbabanta sa buhay.
Matuto nang higit pa tungkol sa Pangkalahatang Kaalaman sa Kalusugan dito.
[embed-health-tool-bmi]