Ang mga medikal na teknolohiya ay naging mas mahusay upang matulungan ang mas maraming tao sa kanilang mga kondisyon. Nakakakuha ng mas tumpak na mga resulta ang mga doktor. At nakapagbibigay sila ng mas mahusay na payo sa kanilang mga pasyente na may mga tamang pagsusuri at pamamaraan. Isa sa mga ito ay ang computed tomography, o “CT scan”. Para saan ang CT scan? Sa CT scan procedure, mas malinaw na makikita ng mga doktor ang kondisyon ng isang pasyente. Kumpara ito sa mga normal na resulta ng 2D x-ray.
Para Saan ang CT Scan?
Para saan ang CT Scan? Ang CT scan, o computed tomography scan, ay isang diagnostic procedure na gumagamit ng x-ray technology upang makuhanan ang iba’t ibang bahagi ng katawan. Maaari itong palitan ng “CAT scan,” o computed axial tomography scan. Ito ay mas detalyado kumpara sa normal na X-ray sa baga, na nagpapakita lamang ng isang partikular na view sa mga bahagi ng iyong katawan.
Ang ginagawa ng CT scan procedure ay kumukuha ng slices o cross-sectional na larawan ng iyong katawan. Ito ay upang magpakita ng mas detalyadong view sa organs, muscles, at buto. Ang mga larawang ito ay direktang ipinadadala sa isang computer, na ginagawang mas mabilis ang interpretasyon ng mga resulta. Ini-scan ng makina ang katawan, na nagpapahintulot sa iba’t ibang mga anggulo at lalim ng mga organo na nakuha. Hindi ito madaling ipakita sa karaniwang x-ray. May mga mas bagong modelo na maaaring magpakita ng mga 3-dimensional na resulta para sa mga CT scan.
Kailan Inirerekumenda na Magpa-CT Scan?
Ang CT scan procedures ay inirerekomenda ng mga doktor pagkatapos magawa ang iba’t ibang mga lab test at iba pang mga diagnostic procedure dahil maaari silang maging magastos.
Para saan ang CT Scan? Ito ay karaniwang ginagamit upang ipakita ang kondisyon ng pasyente para sa mga sumusunod:
- Diagnosis ng pinsala, sakit, tumor, at iba pang abnormalidad
- Tumutulong sa mga medikal, surgical, at radiation procedure
- Assessment ng istraktura, hugis, at lakas ng organ
- Pag-detect ng mga namuong dugo at internal bleeding
- Pag-monitor sa pagtanggap o pagiging epektibo ng paggamot tulad ng chemotherapy
Paano Ka Maghahanda Para Dito?
Upang maghanda sa CT scan procedure, dapat malaman ng mga pasyente ang mga posibleng panganib na kasangkot kung para saan ang CT scan. Habang inilalantad ng procedure na ito ang isang tao sa radiation, maaari itong magdulot ng panganib na magkaroon ng mga sakit tulad ng kanser sa katagalan. Ngunit dapat ding banggitin na ang pagkakalantad ay napakababa— katumbas ng 3 taon ng radiation mula sa isang normal na kapaligiran.
Ang mga buntis ay pinapayuhan na kumuha ng alternatibong test sa halip na CT scan upang maging ligtas para sa kanilang mga sanggol. Bilang karagdagan, ang mga pasyente na may kidney problems ay maaaring mangailangan ng clearance mula sa isang nephrologist bago sumailalim sa isang CT scan dahil ang contrast dye ay maaaring magdulot ng higit na pinsala sa mga bato.
Bago ang CT Scan
Pinapayuhan ang mga pasyente na magsuot ng maluwag na damit na walang zippers o metal clamp para mas madali silang makagalaw lalo na kung ang pag-scan ay para lamang sa isang partikular na bahagi ng katawan. Ang mga bagay na metal tulad ng alahas at sinturon ay kinakailangang tanggalin upang maiwasan ang mga ito na makagambala sa pag-scan.
Sa oras ng CT Scan
Depende sa procedure, ang mga pasyente ay maaaring bigyan ng contrast o isang dye, na ginagawang mas malinaw ang na-scan na lugar kapag sinusuri. Ito ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng IV, oral, o sa pamamagitan ng enema.
Para sa procedure, ang pasyente ay hihiga sa kama ng CT scanner at pagkatapos ay ililipat sa gantry kung saan may mga umiikot na x-ray detector. Normal na marinig ang buzzing na tunog sa oras ng procedure. Pinapayuhan na manatiling tahimik sa oras ng procedure upang ang mga imahe ay hindi maging malabo. Karaniwang tumatagal ng humigit-kumulang 10 hanggang 20 minuto para makumpleto ang pag-scan.
Pagkatapos ng CT Scan
Pagkatapos ng pag-scan, ang mga pasyente ay maaaring magpatuloy sa kanilang normal na gawain. Hindi dapat magkaroon ng anumang sakit o epekto kapag nakumpleto na ang procedure. Para sa mga pasyenteng nabigyan ng contrast, hinihiling sa kanila na manatili ng isang oras. Ito ay para matiyak na walang allergic reaction sa liquid.
Key Takeaways
Para saan ang CT scan? Ang CT scan procedures ay tumutulong sa mga doktor sa para sa mas tumpak at malinaw na mga resulta. Maaaring may mga panganib at mas mataas na gastos ito, ngunit ang mahalaga ay higit pa ang mga benepisyong idudulot nito sa mga pasyente. Walang gaanong downtime para sa mga pasyente na sumailalim o sasailalim sa procedure. Siguraduhing kumunsulta sa iyong doktor kung may mga alalahanin bago, habang, at pagkatapos ng CT scan.
Matuto nang higit pa tungkol sa Iba Pang Mga Pamamaraang Medikal dito.
[embed-health-tool-bmi]