backup og meta

Health Insurance Sa Pilipinas: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Health Insurance Sa Pilipinas: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Mas nakita ang kahalagahan ng health insurance sa Pilipinas dahil inilagay ng pandemya ang kalusugan bilang pangunahing prayoridad. Kaugnay nito, karamihan sa atin ay nakakita ng iba’t ibang ads ng insurance plans sa social media at website.

Sa artikulong ito, bibigyan ka ng comprehensive overview ng critical illness health insurance para makapagpasya kung kailangan mo bang kumuha nito.

Ano ang critical illness health insurance sa Pilipinas:  Mga sakop nito

Ang critical illness insurance ay isang uri ng health insurance na nagbibigay sa’yo ng one-off payment sa sandaling ma-diagnose ka na may malubhang karamdaman. May ilang health insurance company na sakop ang mga kondisyong gaya ng stroke, atake sa puso at ilang stages ng kanser.

Depende sa’yong plan maaari nitong saklawin ang ilang partikular na procedures tulad ng paglalagay ng pacemakers at brain shunts.

Ang ilang kumpanya tulad ng Prudential ay nag-aalok ng gender-specific critical illness coverage. Ibig sabihin, ang mga sakit na sakop ay depende sa biological sex. Halimbawa, ang breast cancer–bagaman may mga kaso nito sa mga lalaki, mas common ito sa mga kababaihan. Kaya magiging lohikal para sa critical illness plans na isama ang breast cancer sa mga kababaihan. Sa kabilang banda, pwedeng palitan sa coverage ang mga kanser na mas karaniwan sa mga lalaki tulad ng prostate cancer.

Ang one-time payment para critical illness health insurance ay nagreresulta din sa termination of policy. Ibig sabihin, isang beses ka lang makaka-avail ng payout.

Ano ang mga benepisyo nito sa mga taong nag-avail?

Kung masuri na may kritikal na sakit, narito ang ilang bentaha ng pagkakaroon ng critical health insurance sa Pilipinas:

  • karagdagang budget sa paggamot
  • makabayad sa mga bayarin
  • suporta sa pangangailangan ng pamilya
  • pwedeng isalin na hours taken-off, o para sa kapansanan na pumipigil na makabalik sa trabaho
  • suporta sa mga taong walang workplace-covered benefits
  • tulong sa mga taong walang sapat na ipon para bayaran ang bills

Regular Health Insurance vs Critical Illness Health Insurance

Ang regular health insurance ay karaniwang sumasaklaw sa hospitalizations, medical procedures, at mga konsultasyon. Nagagamit nila ito sa pamamagitan ng pagbabayad nang mas maaga sa’yo o reimbursing ng iyong medical bills.

Maganda ang regular health insurance plan, pero mainam din na magkaroon ng critical illness plan dahil isa itong additional cover.

Pwedeng makakuha ng magkakaibang benepisyo mula sa parehong uri ng mga plano. Pero mas mataas ang chance na mangailangan ng serbisyong iniaalok ng regular insurance kaysa sa coverage na iniaalok ng critical illness.

Ang dalawang ito ay two separate plans para sa maraming kumpanya. Pero ang ilang insurance providers ay nag-o-offer ng hybrid sa pagitan nila. Ito ay kadalasang nag-aalok ng general health insurance na may kasamang critical illness coverage ‘rider’.

Ang ‘rider’ na ito ay itinuturing na isang additional service. Kadalasang hihilingin na mag-top up ng isang partikular na halaga bilang karagdagan sa ‘premium’ o ang halagang binabayad sa health insurance policy. Tulad ito ng policy sa Critical Care Extra ng Pacific Cross.

Sa ibang mga kaso isa itong true combination policy na pinagsasama-sama ang ilang partikular na benepisyo mula sa parehong uri ng mga plano. Halimbawa nito ay ang case ng AXA’s Health Start Lite ng AXA at ​​Manulife’s Critical Illness Insurance Health Choice.

Bilang karagdagan, ang regular health insurance plans ay maaari ring iugnay sa isang health maintenance organization (HMO). Ang HMO ang mag-uugnay sa mga doktor sa loob ng kanilang network.

Walang ganoong serbisyong inaalok ang critical illness plans dahil ang perang natatanggap ay pwedeng  gamitin depende sa nakikitang pangangailangan sa kalusugan.

Tandaan din na ang parehong plano ito ay kadalasang nag-aalok ng mga benepisyo kasama ng anumang coverage mula sa insurance na ibinigay ng estado tulad ng PhilHealth.

Ano ang usual range ng premiums at coverage?

Ang exact amount na babayaran mo bilang premium ay nakadepende sa ilang factors gaya ng sumusunod:

  • edad
  • kasalukuyang kalusugan
  • health history
  • katayuan sa paninigarilyo
  • trabaho, at
  • antas o halaga ng sakop depende sa perceived risks mula sa mga salik na ito

Maaaring kailanganin mong magbayad ng higher premium o pwedeng hindi kasama sa’yong patakaran ang ilang sakit.

Hindi bababa sa Php 2,000 ang babayaran sa isang taon depende sa mga pangangailangan mo sa kalusugan at risks. Karaniwang binibilang ang premiums mula sa saklaw na gusto mong matanggap. At kung sakaling magkasakit ka maaaring makakuha ka ng anumang halaga mula sa Php 250, 000 hanggang sa milyun-milyong piso.

Huwag ding kakalimutan na iba-iba rin ang mga tuntunin ng pagbabayad. Ngunit karamihan ng mga kumpanya ay nangangailangan ng buong pagbabayad sa loob ng isang buwan pagkatapos bilhin ang plan.

Ano ang dapat mong hanapin kapag bumibili ng critical illness health insurance plans?

It cannot be overstated: ang health insurance plans sa Pilipinas ay individualized at pinakamabuting tingnan muna ang iyong mga opsyon at tingnan kung alin ang pinakamahusay at angkop para sa’yo.

Mga tanong na pwedeng pag-isipan:

  • Ano ang iyong pipiliin? Company A na sasagot sa sakit na mayroon sa’yong pamilya kapalit ng higher premium? O ang company B na hindi isinama ang kondisyong ito sa list of diseases covered?
  • Gusto mo ba ng gender-specific insurance?
  • Mayroon ka bang general health insurance na nag-aalok ng critical illness rider?

Ang mga sagot sa lahat ng mga tanong na ito ay nakasalalay sa’yo. Tandaan na ang pinakahuling desisyon kung bibili ka ng ganitong uri ng insurance ay nasa iyong mga kamay.

Key Takeaways

Ngayon alam mo na ang mga pangunahing kaalaman sa  critical illness health insurance sa Pilipinas. Kung sa tingin mo ay makikinabang ka sa ganitong uri ng insurance, magsagawa ng mas malalim na pag-aaral.
Makipag-usap sa mga kaibigan o pamilya at maging sa life insurance advisors. Tingnan kung anong uri ng mga plano ang mayroon sila. Basahin ang reviews ng iba pang mga policyholder. Suriin ang fine print ng anumang mga draft ng patakaran bago pumirma at magbayad.
Tanungin din ang insurance people sa mga bagay na kailangan mong maliwanagan dahil inilalagay mo ang iyong hinaharap sa kanilang mga kamay. Kaya naman nararapat mong malaman ang mga mahahalagang bagay tungkol dito!

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Critical Illness Insurance | Health Choice | Manulife, https://www.manulife.com.ph/en/individual/ products/health/health-choice.html

Fundamentals of health insurance planning | The Manila Times, https://www.manilatimes.net/2021/06/13/ business/sunday-business-it/fundamentals-of-health-insurance-planning/1802982

Health Start Lite | AXA Philippines, https://www.axa.com.ph/healthstartlite/

What is critical illness cover? (moneyhelper.org.uk), https://www.moneyhelper.org.uk/en/everyday- money/insurance/what-is-critical-illness-cover

Your Guide To Getting Health Insurance Quotes – Forbes Advisor, https://www.forbes.com/advisor/ health-insurance/how-to-get-health-insurance-quotes/

Critical Cover Extra, https://www.pacificcross.com.ph/PCWService/Content/PDF/20160921101425CCX %20Brochure_FULL_2016-08%20(Aug).pdf

Kasalukuyang Version

12/02/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Kaugnay na Post

Ano Ang Health Insurance, At Kailangan Mo Ba Nito?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement