backup og meta

Sintomas ng seafood poisoning, alamin dito

Sintomas ng seafood poisoning, alamin dito

Dalawang bata ang namatay sa pagkain ng Zosimus aeneus crab o ang “devil crab,” na lokal na kilala sa Cagayan bilang kuret. Narito ang kailangang malaman ng mga magulang tungkol sa sintomas ng seafood poisoning at paggamot nito.

2 bata patay matapos kumain ng kuret 

Iniulat ng mga awtoridad ang pagkamatay ng 2 taong gulang na si Macniel Craigs Cuabo at 5 taong gulang na si Reign Clark Cuabo matapos kainin ang “devil crab,” na kilala rin sa Cagayan bilang kuret. 

Ipinaliwanag ni Maylyn, ina ng mga bata, na ang kanyang asawang si Eugenio Cuabo, ay nanghuli ng mga alimango bandang alas singko ng umaga. Pagkatapos lutuin ang mga alimango, pinagsaluhan ng pamilya ang pagkain, at hindi nagtagal, nanghina si Eugenio at ang mga bata at nagsimulang magsuka. Sa ospital, si Eugenio ay na-coma, ngunit ang mga bata ay hindi nakaligtas. 

Si Eugenio ay nakaligtas mula sa coma at nalaman na lang niya na pumanaw na ang kanyang mga anak.

Nagbigay ng babala ang BFAR sa publiko

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko, lalo na sa mga baybaying-dagat ng Cagayan, sa pagkain ng kuret. Ipinaliwanag nila na ang alimango ay may mga neurotoxin na humahantong sa food poisoning.

Binigyang-diin pa ng mga awtoridad ang kahalagahan ng hindi pagkain ng seafood at alimango na hindi pangkaraniwan o mga may iba’t ibang itsura ng mga shell.  

Mga Palatandaan at Sintomas ng Seafood Poisoning 

Ang seafood poisoning ay may ilang uri na may iba’t ibang sintomas at paggamot. Nasa ibaba ang guide:

Paralytic Shellfish Poisoning

Kung ito ay paralytic poisoning, maaari kang makaranas ng tingling at pamamanhid sa bibig mo sa loob ng humigit-kumulang 30 minuto pagkatapos kumain ng seafood. Ang sensasyon ay kakalat sa iyong mga braso at binti at maaaring mauwi sa temporary paralysis, respiratory failure, at kamatayan.

Kasama sa iba pang mga sintomas ng seafood poisoning ang pagkahilo at sakit ng ulo. Ang mga hindi gaanong karaniwang senyales ay  pagduduwal, pagsusuka, at pagtatae.  

Neurotoxic Shellfish Poisoning

Ang uri ng seafood poisoning na ito ay nangyayari kapag ang shellfish ay may toxins. Ilan sa mga sintomas ang:

Kasunod nito, maaaring makaramdam ka ng pamamanhid at pangingilig sa bibig, pagkahilo, at sakit ng ulo. 

Amnesic Shellfish Poisoning

Isang Ang isang pambihirang uri ng seafood poisoning ang amnesic poisoning. Ang mga sintomas ay pagduduwal, pagsusuka, at diarrhea. Sinusundan ng panandaliang pagkawala ng memorya ang mga palatandaang ito at kahit ilang sintomas ng nervous system.  

Ciguatera Poisoning

Ang ciguatera poisoning ay mas madalas sa mga tropical at subtropical waters. Nangyayari ito kapag ang isang tao ay kumakain ng isda na kontaminado ng ciguatera toxin. Sa pagitan ng 1 at 24 oras pagkatapos ng pagkain nito lumalabas ang mga sintomas. Ang mga palatandaan at sintomas ay:

  • Pamamanhid at panginginig sa bibig, lalamunan, daliri, at paa.
  • Masakit o burning kapag nadikit sa malamig na tubig.
  • Panghihina ng kalamnan na may pananakit ng kasukasuan at kalamnan.
  • Pananakit ng tiyan na may pagduduwal, pagsusuka, o pagtatae.
  • Sakit ng ulo
  • Pangangati, na lumalala sa pag-inom ng alak
  • Panghuli, nahihirapang huminga sa mga malalang kaso.

Mahalaga:

Ang mga taong nakaranas ng ciguatera seafood poisoning ay dapat na umiwas sa isda, nuts, caffeine, at alkohol sa loob ng humigit-kumulang 6 na buwan pagkatapos gumaling. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng pagbabalik ng mga sintomas.

Scombroid Poisoning

Ang scombroid poisoning ay nangyayari dahil sa pagkonsumo ng maraming histamine.

Sa isda, ang bakterya ay gumagawa ng histamine. Ngayon, kapag ang seafood ay hindi pinalamig pagkatapos mahuli o wala sa tamang temperatura bago kainin, ang bakterya ay maaaring dumami. At makagawa ng maraming histamine.

Mga sintomas ng scombroid poisoning:

  • May lasang metal o peppery sa bibig
  • Namumula ang itaas na katawan
  • Sakit ng ulo at pagkahilo
  • Pangangati
  • Pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagtatae

 Paggamot para sa Sintomas ng Seafood Poisoning

Tandaan na ang seafood poisoning ay maaaring isang medical emergency. Kaya naman kung ikaw o isang kakilala mo ay magkaroon ng mga sintomas, agad na pumunta sa hospital. Ito ay para sa mabilis at tamang paggamot.

Kadalasan ang paggamot ay depende sa sanhi kung gaano kalala ang kaso ng mga sintomas. 

Halimbawa, wala pang panlunas para sa ciguatera toxin. Kaya maaaring gumamit ang doktor ng iba’t ibang gamot para sa mga sintomas. Sa kabilang banda, karamihan sa mga kaso ng scombroid poisoning ay mahusay na tumutugon sa mga gamot na anti-histamine.

Paano Maiiwasan ang Seafood Poisoning

Ngayong alam na natin ang mga sintomas at paggamot ng seafood poisoning, pag-usapan natin ang pag-iwas.

Ayon sa payo ng BFAR, ang mga tao ay hindi dapat kumain ng hindi pangkaraniwan at kakaibang itsura ng seafood. Kasama sa iba pang mga tip ang:

  • Ang mga hilaw na isda ay dapat na maayos ang paghahanda at nakaimbak kaagad sa tamang temperatura.
  • Kung ikaw ay nangingisda para sa iyong sarili o sa iyong pamilya, tiyaking sundin ang mga naka-post na babala.
  • Palaging bumili ng seafood sa mga kilalang tindahan at dealer na may business at sanitary permit.

Panghuli, para sa tamang paggamot, humingi kaagad ng medikal na tulong kung may mga sintomas ng pagkalason sa seafood.  

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

2 kids die, father in critical condition after eating ‘kuret’ crab in Cagayan
https://newsinfo.inquirer.net/1395363/two-kids-die-father-in-critical-condition-after-eating-kuret-crab-in-cagayan
Accessed February 22, 2021

BFAR warns of poisonous crab variety in Cagayan
https://www.manilatimes.net/2021/02/19/news/regions/bfar-warns-of-poisonous-crab-variety-in-cagayan/842705/
Accessed February 22, 2021

Poisoning – fish and shellfish
https://medlineplus.gov/ency/article/002851.htm
Accessed February 22, 2021

Seafood poisoning fact sheet
https://www.health.nsw.gov.au/Infectious/factsheets/Pages/seafood_poisoning.aspx
Accessed February 22, 2021

Toxins
https://www.seafoodhealthfacts.org/seafood-safety/general-information-patients-and-consumers/seafood-safety-topics/toxins
Accessed February 22, 2021

Food Poisoning from Marine Toxins
https://wwwnc.cdc.gov/travel/yellowbook/2020/preparing-international-travelers/food-poisoning-from-marine-toxins
Accessed February 22, 2021

Kasalukuyang Version

07/11/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement