backup og meta

Mas Abot-kayang Presyo ng Antigen Test at Price Cap para sa Self-Test Kits, Itinakda ng Gobyerno

Noong Martes, Pebrero 8, inihayag ng Department of Health (DOH) ang pagbaba sa presyo ng mga laboratory-based test, at price cap ng self-administered antigen test. Ipapatupad ng gobyerno ang mga bagong presyong ito sa huling bahagi ng buwang ito. Magkano ang antigen test? 

Bagong Antigen Test Price Points

Magkano ang antigen test?

Ayon sa DOH Circular No. 2021-0323-B na may petsang Enero 28, ang self-administered antigen test price ay nasa PHP350 na ngayon. Ang bagong price point ay PHP150 na mas mababa kaysa sa dating price cap nito na PHP500. Kasama na dito ang lahat ng materyales at accessories na kailangan para sa pamamaraan, tulad ng mga sumusunod:

  • Appropriate swab
  • Test kit cartridge
  • Dropper
  • Instruction leaflets

Sa ngayon, ang Food and Drug Administration (FDA) ay nakapag-certify na lamang ng dalawang brand ng self-administered antigen test kit:

  • Panbio COVID-19 Antigen Self-Test ng Abbott Laboratories Philippines
  • Ang SARS-CoV-2 Antigen Rapid Test ng Labnovation Technologies Inc

Bukod sa self-administered antigen test kits, binago din ng DOH kung magkano ang presyo ng laboratory antigen test, kasama ang gastos para sa testing service.

Ang price point para sa antigen test na pinangangasiwaan ng mga medical personnel ay ibinaba mula PHP960 hanggang PHP660. Ang bagong presyo kung magkano ang antigen test na ito ay kasama ang mga sumusunod:

  • Ceiling price for a test kit (PHP350)
  • Operational costs (PHP250)
  • Allowable mark-up (PHP60)

Ayon sa circular ng DOH, “ Dapat ibigay sa zero cost sa mga indibidwal ang mga antigen rapid diagnostic test kits na na-subsidize o nai-donate ng DOH at iba pang ahensya ng gobyerno sa mga pampublikong pasilidad at pribadong health facility at clinical laboratories na lisensyado ng DOH. Tanging ang mga bagay na direktang binili ng DOH-licensed health facilities at clinical laboratories at hindi ibinigay ng DOH ang maaaring singilin.”

Sinabi pa ng departamento na ang presyo ng antigen test ay maaaring mas mababa kaysa sa prescribed cap sa mga lisensyadong health facilities and clinical laboratories, hangga’t maaari nilang mapanatili ang kalidad ng kanilang mga serbisyo. 

Ang updated price caps, ayon sa departamento ng kalusugan, ay magkakabisa sa Pebrero 20.

Nagbabala ang DOH sa mga Tao Tungkol sa Kahina-hinalang Test Kits

Nauna nang ipinaalam ng DOH sa mga mamimili na huwag gumamit ng mga kahina-hinalang kit na gumagawa ng maling pag-aangkin, na binanggit ang mga produktong inaprubahan umano ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi inaprubahan ng RITM ang mga test kits. Binanggit din niya na ang FDA lamang ang maaaring mag-apruba ng mga naturang produkto.

Nilinaw niya na ang FDA lamang ang tumatanggap at nagre-review ng mga aplikasyon. Pagkatapos, responsibilidad ng RITM na i-verify ang bisa ng mga medikal na device tulad ng COVID-19 testing kits.

Ang isang test kit ay dapat may hindi bababa sa 97% rate ng specificity at 80% rating para sa sensitivity para sa pagtukoy lamang sa virus na nagdudulot ng COVID-19.

Ang proseso ng pag-verify ay tumatagal ng mga apat hanggang limang araw bago ito makuha ng FDA. Dahil dito, ang kabuuang proseso ay maaaring tumagal ng hanggang pitong araw.

Magkano ang Antigen Tests?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang antigen tests ay madalas na ginagamit sa pagtukoy ng mga respiratory pathogen tulad ng:

Ang rapid antigen tests para sa COVID-19 ay naghahanap ng mga partikular na protina sa virus. Maaaring makagawa ng mga resulta sa humigit-kumulang 15 hanggang 30 minuto ang ilang mga rapid antigen test. Gumagamit ito ng mahabang nasal swab upang mangolekta ng sample ng likido. Maaaring hilingin sa user na dalhin ang mga sample sa isang laboratoryo para sa testing.

Ang mga test na ito ay medyo mura at sa pangkalahatan ay hindi gaanong sensitibo kaysa sa molecular tests tulad ng real-time na reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) at iba pang mga nucleic acid amplification test (NAATs). Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga test na ito ay maaari nilang makita at palakasin ang pagkakaroon ng viral nucleic acid. 

Sa kasalukuyan, ang antigen test na may pag-apruba ay kinabibilangan ng mga point-of-care, laboratory-based, at self-tests. Bukod dito, ang mga ito ay angkop din para sa mga tao sa lahat ng edad. 

Ayon sa DOH, ang mga self-test kits ay para lamang sa mga may sintomas sa loob ng pitong araw mula sa kanilang pagsisimula at hindi makakuha ng RT-PCR test. Bukod pa riyan, ang mga nagkaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan sa isang taong may COVID-19 o sa mga walang sintomas ay hindi dapat gumamit ng mga self-test kit.

Ayon sa guidelines “ ang positive antigen test sa mga may sintomas na indibidwal at pinaghihinalaan o malamang na mga kaso ng COVID-19 at ang kanilang malalapit na pakikipag-ugnayan ay dapat ipakahulugan at pamahalaan bilang isang kumpirmadong kaso ng COVID-19.” Ang mga indibidwal na nagpositibo sa pagsusuri ay dapat agad na i-isolate ang sarili at ipaalam sa kanilang close contacts.

Paano ang RT-PCR Rates?

Sa mga pampublikong laboratoryo, ang price range para sa RT-PCR tests ay nananatili sa mga sumusunod na price points:

  • PHP2,800 para sa plate-based GeneXpert
  • PHP2,450 para sa cartridge-based 

Samantala, ang mga pribadong laboratoryo ay nag-aalok ng plate-based test sa PHP 3,360 at ang cartridge type sa PHP2,940. Mayroon ding karagdagang PHP1,000 para sa plate-based at GeneXpert services na isinasagawa sa bahay.

Nagsusumikap din ang gobyerno na bawasan ang gastos ng RT-PCR tests, para gawing accessible para sa lahat ang gold standard para sa SARS-CoV-2 detection.

Matuto pa tungkol sa Health News dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

COVID-19 Diagnostic Testing, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/covid-19-diagnostic-test/about/pac-20488900, Accessed February 9, 2022

DOH issues testing, reporting guidelines for self-administered antigen kits, https://cnnphilippines.com/news/2022/1/31/DOH-antigen-test-kit-self-administer-home-guidelines.html, Accessed February 9, 2022

DOH sets P350 price cap for antigen testing kits, https://newsinfo.inquirer.net/1552011/doh-p350-price-cap-for-antigen-testing-kits, Accessed February 9, 2022

Govt brings down COVID-19 antigen cost, sets price cap for self test kits, https://cnnphilippines.com/news/2022/2/8/Antigen-self-test-kit-price-DOH.html, Accessed February 9, 2022

Interim Guidance for Antigen Testing for SARS-CoV-2, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/lab/resources/antigen-tests-guidelines.html, Accessed February 9, 2022

Kasalukuyang Version

03/13/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement