Nagsimula agad ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) sa sikat na instant noodles brand Lucky Me!, matapos ma-recall ang produktong ito mula sa store shelves sa ilang bansa sa Europe dahil sa pagkakaroon nito ng ethylene oxide.
Habang ang ibang FDA counterparts sa Ireland, Malta at France ay nag-issue ng bukod na recall notices sa Lucky Me! at isinama rin sa parehong order ng recall ang iba pang produkto at brand ng noodles ng iba pang kumpanya, kabilang ang sesame seed, spices, ice cream at calcium carbonate supplement.
Ang balitang ito ay nagresulta ng takot at pangamba sa maraming consumer dahil isang carcinogenic antimicrobial pesticide ang ethylene oxide.
Dagdag pa rito, ang ethylene oxide ay isang flammable colorless gas na may matamis na amoy. Karaniwang ginagamit ang ethylene oxide upang makagawa ng iba pang kemikal, kagaya ng antifreeze. At sa maliliit na amount din nito ay pwede itong magamit bilang sterilizing agent at pesticide.
Ayon naman sa US Environmental Protection Agency (EPA), ethylene oxide ay isang pesticide na ginagamit sa pag-sterilize ng medical devices at pagbabawas ng bacterial levels sa herbs at spices. Pero ayon sa draft risk assessment, ang matagal at taon na exposure sa substance na ito ay pwedeng maging dahilan ng cancer at neurological problems, gaya ng memory loss at pagiging impaired ng hand at eye coordination.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap