Naging mainit ang balita tungkol sa Lucky Me ethylene oxide noong mag-isyu ng babala sa kaligtasan sa kalusugan ang mga bansa tulad ng Ireland, France at Malta tungkol sa pagkain at pagkonsumo ng instant noodles sa ilalim ng brand ng Lucky Me! dahil sa pagkakaroon nito ng mataas na lebel ng pesticide.
Ipinaliwanag ng Monde Nissin Corporation, ang pangunahing kumpanya ng Lucky Me! na naka-base sa Pilipinas, na ang mga noodles nito ay pwedeng nagpapakita lamang ng mga traces o bakas ng antimicrobial pesticide ethylene oxide na ginagamit sa mga raw materials nito.
“We would like to clarify that Ethylene Oxide is not added in Lucky Me! Products. It is a commonly used treatment in spices and seeds to control microbial growth in agricultural products. These materials, when processed into seasoning and sauces, may still show traces of Ethylene Oxide.”
Kasabay rin nito mariing ipinahayag ng kumpanya ng Nissin Corporation sa kanilang statement na hindi naglalaman ang kanilang instant noodles products ng ethylene oxide matapos maglabas ng babala ang ilang bansa sa European Union (EU).
“Rest assured that all Lucky Me! products are Philippine FDA registered and comply with local food safety standards and even the US FDA standard for Ethylene Oxide.”
Bakit Mapanganib Ang Ethylene Oxide?
Nagsimula agad ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) sa sikat na instant noodles brand Lucky Me!, matapos ma-recall ang produktong ito mula sa store shelves sa ilang bansa sa Europe dahil sa pagkakaroon nito ng ethylene oxide.
Habang ang ibang FDA counterparts sa Ireland, Malta at France ay nag-issue ng bukod na recall notices sa Lucky Me! at isinama rin sa parehong order ng recall ang iba pang produkto at brand ng noodles ng iba pang kumpanya, kabilang ang sesame seed, spices, ice cream at calcium carbonate supplement.
Ang balitang ito ay nagresulta ng takot at pangamba sa maraming consumer dahil isang carcinogenic antimicrobial pesticide ang ethylene oxide.
Dagdag pa rito, ang ethylene oxide ay isang flammable colorless gas na may matamis na amoy. Karaniwang ginagamit ang ethylene oxide upang makagawa ng iba pang kemikal, kagaya ng antifreeze. At sa maliliit na amount din nito ay pwede itong magamit bilang sterilizing agent at pesticide.
Ayon naman sa US Environmental Protection Agency (EPA), ethylene oxide ay isang pesticide na ginagamit sa pag-sterilize ng medical devices at pagbabawas ng bacterial levels sa herbs at spices. Pero ayon sa draft risk assessment, ang matagal at taon na exposure sa substance na ito ay pwedeng maging dahilan ng cancer at neurological problems, gaya ng memory loss at pagiging impaired ng hand at eye coordination.