backup og meta

‘Ignore o Delete’: Content Moderator Mental Health Issues, Bumida Sa Sinehan!

‘Ignore o Delete’: Content Moderator Mental Health Issues, Bumida Sa Sinehan!

Nagwagi ang psychological thriller ni Mikhail Red na “Deleter” sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF), na nakakuha ng 7 tropeo, kabilang ang best picture at best director honors.

Ang lead star ng pelikulang ito na si Nadine Lustre, ay tinanghal na “Best Actress” para sa kanyang pagganap bilang Lyra na nagpakita ng isang malihim, malungkot, at madilim na bahagi ng mundo ng online content moderators.

Tinalakay sa pelikulang ito ang iba’t ibang trauma at content moderator mental health issues, na nagbigay daan para malaman ng publiko ang karaniwang kalagayan at kalusugan ng mga content moderator.

Photo from Manila Bulletin

Sa ngayon, dahil sa pelikulang ito marami ang naging interesado sa nature ng trabaho ng content moderator, at maging sa epekto ng pagmo-moderate sa kalusugan ng isipan. Para malaman mo ang mga mahahalagang detalye tungkol dito, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano Ang Trabaho Ni Nadine Lustre Bilang Content Moderator Sa Pelikula?

Photo from Facebook

Ipinakita sa Deleter ang mundo ng mga content moderator o deleters. Sila ang mga taong tumitiyak na mas katanggap-tanggap ang mga bagay lumalabas sa internet, kaya nagde-delete sila ng mga offensive at questionable videos. Ibig sabihin nito, kumikilos ang mga content moderator bilang mga censor na gumagawa ng “digital cleaning” o nagfi-filter ng graphic uploads sa iba’t ibang social media platforms.

Sa pelikula mukhang kalmado si Nadine bilang Lyra. Pinagtatakahan ng kanyang mga katrabaho kung paano niya nakakayanan ang uri ng trabaho na mayroon sila. Ang hindi nila alam ay may tinatagong trauma at sikreto si Lyra.

Anu-Ano Ang Content Moderator Mental Health Issues Na Pwedeng Maranasan?

Ayon sa mga datos, ang effects of toxicity sa mental health ng content moderator ay direktang nauugnay sa kanilang degree of exposure sa toxic content na kanilang napapanood. Maaari silang makaranas ng mga sumusunod dahil sa mga nakikita nila mula sa kanilang trabaho:

1. Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD) 

Ang mga sintomas sa sakit na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Mood disturbances
  • Pagbaba ng produktibidad
  • Bangungot/flashbacks
  • Kawalan ng tulog
  • Pagkapagod
  • Pag-iwas sa ilang sitwasyon
  • Galit, takot/paranoia, at kalungkutan

2. Mga Gawi Na Nakakasira Sa Sarili

Ang pag-abuso sa alak, droga, maging pagsasagawa ng walang pinipiling sexual contact ay ilan sa mga self-destructive habit na pwedeng maranasan ng isang content moderator. Dahil ang pagkakalantad nila sa mga toxic content, destructive and disturbing videos ay maaaring maging dahilan upang ma-trigger ang kanilang konsensya. At para makalimutan ito gumagawa sila ng mga habit na nakakasira sa kanila. 

3. Mga Panic Attack

Karaniwan ang pagkakaroon ng ulat na ang ilang content moderator ay nagkakaroon ng panic attack sa mga bata at hayop. Ayon sa mga doktor maaaring dahil natatakot sila na masaktan sila at matulad sa mga bagay na napapanood sa pagmo-modorate.

4. Hindi Angkop Na Humor At Language

Dahil sa mga napapanood sa pagmo-moderate, pwedeng ang maging coping mechanism nila ay ang pagbibiro tungkol sa kaharasan, sexual assault, at graphic violence.

5. Pagkabalisa 

Ang mga bagay na napapanood sa kanilang trabaho ay maaaring humantong sa pagkakaroon nila ng anxiety. Pwedeng maging malaking sagabal ito sa kanilang buhay. Ang mga takot at pagiging sensitive ay maaaring maging sanhi ng hindi magandang relasyon sa ibang tao, ayon sa mga eksperto.

6. Depresyon

Batay sa mga datos, ang matagal na pagkakalantad sa mga disturbing content ay maaaring humantong sa pag-withdraw nila sa mga taong mahal nila. Pwede rin sila makaramdam ng sobrang kalungkutan, kawalang-interes, at pagkakaroon ng pag-iisip ng pagpapakamatay.

Paano Maaaring Iwasan Ang Content Moderator Mental Health Issues?

Sa katunayan, pwedeng makatulong ang mga employer na maprotektahan ang kalusugan ng isip ng mga content moderator sa pamamagitan ng iba’t ibang mga kasanayan, serbisyo, at benepisyo. Narito ang ilan sa mga sumusunod na maaaring subukan:

  1. Pagbibigay ng tapat at accurate na job descriptions sa content moderators
  2. Pagkakaroon ng mental health pre-screening
  3. Pagsasagawa ng resiliency training
  4. Pagtatalaga ng angkop na exposure limits sa mga toxic contents
  5. Pagbibigay sa content moderators ng scheduled wellness time
  6. Pagbibigay ng access sa content moderators sa mga mental health services at work
  7. Pagkakaroon ng post-employment health services
  8. Pagbibigay ng angkop na sahod at maayos na work environment

Payo ng mga Doktor at Eksperto

Para maiwasan ang content moderator mental health issues, kinakailangan na magtulungan ang employer at employee sa pagtalakay ng mga pangangailangan para mapanatili ang mabuting kalusugan ng mental health. Ang pagiging matatag sa ganitong klase ng trabaho ay hindi biro, kaya kinakailangan ng matinding suporta ng management. Bukod pa rito, pwede rin tulungan ng mga content moderator ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa kanilang mga sarili, paggawa ng mga bagay na hilig, at pakikipag-bonding sa mga taong mahal upang makahinga sa kanilang mundo ng pagmo-moderate.

Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Protecting the protectors: Why mental health support is essential for content moderators, https://businessmirror.com.ph/2022/05/25/protecting-the-protectors-why-mental-health-support-is-essential-for-content-moderators/#:~:text=The%20Dark%20Side%20of%20Content%20Moderation&text=The%20nature%20of%20the%20work,%2C%20anxiety%2C%20and%20even%20depression, Accessed January 10, 2023

The Human Cost of Online Content Moderation, https://jolt.law.harvard.edu/digest/the-human-cost-of-online-content-moderation, Accessed January 10, 2023

6 Effective Ways To Protect Content Moderator Mental Health, https://newmediaservices.com.au/how-to-protect-content-moderators/, Accessed January 10, 2023

The Ethics of Content Moderation: Who Protects the Protectors, https://innodata.com/the-ethics-of-content-moderation/, Accessed January 10, 2023

The Hidden Consequences of Moderating Social Media’s Dark Side, https://contentmarketinginstitute.com/cco-digital/july-2019/social-media-moderators-stress/, Accessed January 10, 2023

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement