backup og meta

Bakuna Sa TB, Posible Raw Makatulong Laban Sa COVID-19, Ayon Sa Pag-aaral

Bakuna Sa TB, Posible Raw Makatulong Laban Sa COVID-19, Ayon Sa Pag-aaral

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng coronavirus na nagbago sa paraan ng pamumuhay ng buong mundo. At dahil dito, hindi rin tumitigil ang mga mananaliksik at mga eksperto sa pag-aaral ng mga hakbang upang malabanan ito. Sa katunayan, napag-alaman ng ilang mga mag-aaral ang posibilidad ng paggamit ng bakuna sa TB upang malabanan ang COVID-19. Alamin ang mga detalye sa artikulong ito. 

Ang Pag-Aaral Tungkol Sa Bakuna Sa TB Para Sa COVID-19

Iminungkahi ng isang maliit na pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik mula sa Massachusettes General Hospital ang malawakang paggamit ng 100-taong gulang na bakuna sa TB upang magbigay ng proteksyon laban sa COVID-19 na mapasahanggang ngayon ay tumataas pa rin ang bilang ng mga kaso. Ang naturang pananaliksik ay kamakailang inilathala sa Cell Reports Medicine.  

Sinimulan nila ang kanilang double-blind, placebo-controlled study sa mga pasyenteng may type 1 diabetes noong pagpasok ng pandemya. Ito ay noong panahong bago pa magkaroon ng mga bakuna na partikular para sa COVID-19. Mula rito, natuklasan ng mga mananaliksik na 12.5% ​​ng mga placebo-treated individuals at 1% ng BCG-treated individuals ay nakamit ang pamantayan para sa kumpirmadong COVID-19 na nagbunga ng 92% pagiging epektibo ng naturang bakuna. 

Ang grupo na nakatanggap ng bakuna sa TB ay nagpakita ng protective effects laban sa iba pang mga nakahahawang sakit. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Mas kaunting mga sintomas
  • Hindi gaanong kalubhaan
  • Mas kaunting mga kaganapan ng nakahahawang sakit sa bawat pasyente

Bukod pa rito, wala ring nangyaring systemic adverse reactions.Ipinapahiwatig nito na ang malawakang proteksyon na handog ng bakuna ay maaari ring makatulong laban sa mga bagong COVID-19 variants at iba pang pathogens.

Dahil dito, inaasahan ng mga mananaliksik na ang mga resulta ay mag-uudyok sa isang mas malaking sukat na pag-aaral ng mga epekto ng naturang bakuna. Ito ay partikular sa mga pasyenteng may type 1 na diabetes, na itinuturing na kabilang sa mga pinaka-vulnerable na grupo sa COVID-19. 

Pagsusuri Ng Bisa Ng Bakuna Sa TB Sa Mga May Type 1 Diabetes

“Multiple studies have shown that adults with type 1 diabetes who are diagnosed with COVID-19 are at increased risk of severe illness.

“We found that three doses of BCG administered prior to the start of the pandemic prevented infection and limited severe symptoms from COVID-19 and other infectious diseases.

“Unlike the antigen-specific vaccines currently in use to prevent COVID-19, BCG’s mechanism of action is not limited to a specific virus or infection,” wika ni Denise Faustman, MD, PhD, director ng Immunobiology Laboratory sa Massachusetts General Hospital.

Ang mga kalahok sa COVID-19 trial ay dati nang nag-enroll sa isang clinical trial na sumusubok sa bisa ng bakuna sa TB para sa type 1 diabetes. Nakatanggap ang mga kalahok sa test group ng ng maraming pagbabakuna bago magsimula ang pandemya noong unang bahagi ng 2020.

“This data set is unique and exciting because the patients were all vaccinated with multiple doses of BCG prior to the onset of the epidemic. Prior to the trial they had no known exposure to tuberculosis or prior BCG vaccination. This eliminates the major confounding factors that have limited other trials.

“The results support the idea that BCG needs time to have a clinical effect, but its effects may then be very lasting and durable” sabi ni Hazel Dockrell na mula sa London School of Hygiene & Tropical Medicine. Siya ay isang infectious diseases expert na hindi opisyal na kabilang sa nasabing pag-aaral. 

144 adult type diabetics (96 BGC treated at 48 placebo) ang nasuri bilang parte ng patuloy na Phase IIb clinical trial testing gamit ang bakuna sa TB bilang gamot. Matapos ang 15 na buwan, sila naman ay sinuri para sa COVID-19 related outcomes. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • COVID-19 infection rate
  • COVID-19 related symptoms
  • Reduction overall infections disease
  • SARS-CoV-2 antibody-level presence at intensity

Mga Karagdagang Impormasyon

Ang BCG, o bacille Calmette-Guerin, ay tumutukoy sa bakuna para sa tuberculosis (TB). Ito ay isang avirulent tuberculosis strain Myobacterium bovis na matagal ng malawakang binibigay na uri ng bakuna. Ang BCG vaccine ay itinuturing na lubhang ligtas at kabilang sa World Health Organization’s List of Essential Medicine. Sa buong mundo, humigit-kumulang 100 milyong bata ang nakatatanggap nito bawat taon. Bilang karagdagan, ito rin ay isa sa pinaka-abot-kayang gamot. 

Gayunpaman, ang bakuna sa TB ay nararapat ikonsidera lamang sa piling mga taong makatutugon sa mga partikular na pamantayan at sa pagsangguni sa isang TB expert.

Alamin ang iba pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Multiple shots of the BCG vaccine protect type 1 diabetics from COVID-19, study finds, https://www.sciencedaily.com/releases/2022/08/220815112842.htm, Accessed August 17, 2022

Multiple Shots of the Bacillus Calmette-Guerin (BCG) Vaccine Protect Patients with Type 1 Diabetes from COVID-19, https://www.massgeneral.org/news/press-release/multiple-shots-bcg-vaccine-protect-type-1-diabetics, Accessed August 17, 2022

Immune boosting benefits of tuberculosis vaccine seen in infants more than a year after vaccination, https://www.sciencedaily.com/releases/2022/08/220805154346.htm, Accessed August 17, 2022

BCG Vaccine Fact Sheet, https://www.cdc.gov/tb/publications/factsheets/prevention/bcg.htm#:~:text=BCG%2C%20or%20bacille%20Calmette%2DGuerin,tuberculous%20meningitis%20and%20miliary%20disease, Accessed August 17, 2022

BCG vaccine, https://www.who.int/teams/health-product-policy-and-standards/standards-and-specifications/vaccines-quality/bcg, Accessed August 17, 2022

Kasalukuyang Version

08/08/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mabisa Ba Ang Flu Vaccine Sa COVID? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Sintomas Ng TB: Heto Ang Dapat Mong Tandaan


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement