Ibinahagi ng aktor na si Ping Medina na nasa ospital ang kanyang ama sa loob ng 3 linggo matapos ma-diagnose na may Degenerative Disc Disease (DDD) ang veteran actor na si Pen Medina. Kung saan, ito ang naging dahilan kung bakit hindi makatayo o makaupo ang sikat na beteranong aktor.
Dagdag pa rito, kaalinsabay ng pagbabahagi ni Ping Medina tungkol sa kondisyon ng ama ay ang paghingi nito ng suporta at tulong sa kanilang mga kaibigan, kamag-anak, at katrabaho para sa major spine surgery ng veteran actor noong Martes, Hulyo 19.
Ayon sa pahayag ni Ping Medina sa kanyang instagram post aminado sila na hindi sapat ang kanilang savings upang mapunan ang lahat ng medical expenses ng veteran actor dahil naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang acting industry.
“Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him.”
Marami ang nalungkot sa balitang ito dahil kilala si Pen Medina bilang isa sa magaling na aktor na kanyang henerasyon. Kaya naman hindi nakapagtataka kung marami ang interesado sa naging kondisyon ni Pen Medina.
Basahin ang artikulong ito para malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kondisyon ng veteran actor.
Ano ang degenerative disc disease?
Bago natin maintindihan ang degenerative disc disease dapat muna natin malaman ang gamit ng ating mga disc.
Huwag mong kakalimutan na mahalaga ang ating disc dahil gumaganap ito bilang shock absorber sa pagitan ng mga buto ng ating gulugod o spine. Kung saan dinisenyo ito para tulungan ang ating likod na manatiling flexible.
Sa madaling sabi kapag ang disc ay nasira maaaring magdulot ito ng pagkirot ng katawan, kung saan dito na pumapasok ang kondisyon na tinatawag na degenerative disc disease. Dahil kapag nasira o na-injured ang disc ay wala itong kakayahan na ayusin ang kanyang sarili, at ang degeneration o pagkabulok ng gulugod ay pwedeng mangyari kapag nagkakaedad na ang isang tao.
Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng degenerative disc disease?
Bukod sa naunang nabanggit na sanhi sa pagkakaroon ng degenerative disc disease, narito pa ang mga sumusunod na dahilan sa pagkakaroon ng DDD na dapat mong malaman:
Pagkatuyo ng disc o pagka-dry out
Nagtataglay ang disc ng softcore na may tubig, at habang tumatanda ka natural na nawawala ang mga tubig na ito at nagiging dahilan para ang disc ay maging manipis at masira.
Pagkakaroon ng minor injury
Bagamat nabanggit na sa artikulong ito na ang injury ay maaaring maging sanhi ng DDD, huwag mo pa ring kakalimutan na kahit ang mga minor injury ay pwedeng maging sanhi ng mga small cracks sa iyong spinal disc na pwedeng magdebelop sa degenerative disc disease sa pagtagal.