Alam naman natin kung gaano kahalaga ang tulog sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng tinatawag na restorative energy para sa panibagong araw na puno ng trabaho at laro. Ngunit, alam mo ba na maaari ring makatulong ang pagtulog sa iyong pagbabawas ng caloric intake? Magbasa ng higit pa tungkol sa kamakailang pag-aaral na maaaring magpabago ng iyong perspektibo patungkol sa kung ano ang caloric intake, maging sa pagbaba ng timbang.
https://wp.hellodoctor.com.ph/fil/kalusugan/balitang-pangkalusugan/si-sofia-jirau-ang-unang-victorias-secret-model-na-may-down-syndrome/
Ang Laban sa Obesity Epidemic
Ang obesity ay isang seryosong isyu sa kalusugan ng publiko na kinakailangang labanan. Ayon kay Dr. Esra Tasali, Direktor ng UChicago Sleep Center sa University of Chicago Medicine, mayroong halaga sa pag-unawa sa pinagbabatayan ng mga sanhi ng obesity at ang mga paraan kung paano ito maiiwasan.
Ibinahagi niya, “The current obesity epidemic, according to experts, is mostly explained by an increase in caloric intake, rather than lack of exercise.”
Sa pamamagitan ng kanilang masusing pagsusuri at paghahanap, tila ang epidemya ng obesity ay tumutugma sa isang trend ng lipunan na hindi gaanong natutulog sa nakalipas na ilang dekada.
Ipinapakita rin ng makabuluhang data na may link sa pagitan ng pagtulog nang mas mababa sa 7 oras bawat gabi sa regular na batayan at mga negatibong kahihinatnan sa kalusugan. Sa partikular, kinikilala rin ng mga mananaliksik na ang hindi sapat na tagal ng pagtulog ay isang pangunahing salik ng panganib para sa obesity. Bukod dito, natuklasan ng mga prospective epidemiologic studies na ang maikling tagal ng pagtulog ay may papel din sa pagtaas ng timbang.
Dahil ito, pinag-aaralan ng mga mananaliksik kung paano nakaaapekto ang sapat na pagtulog sa kung ano ang caloric intake, na maaaring magligtas ng maraming tao sa kanilang weight loss journey.
Karagdagang Impormasyon Patungkol sa Pag-aaral
Nalaman ni Dr. Tasali at ng kanyang mga kasamahan sa UChicago at sa Unibersidad ng Wisconsin–Madison ang ilang bagay sa panahon ng kanilang pag-aaral.
Sa isang randomized clinical trial na may 80 matatanda, natuklasan nila na ang mga batang, overweight adults na nakagawiang natutulog ng mas kaunti sa 6.5 oras bawat gabi ay may kapasidad na mapabuti ang kanilang tagal ng pagtulog sa average na 1.2 oras bawat gabi pagkatapos ng isang personalized sleep hygiene counseling session.
Idinisenyo ang sleep intervention upang taasan ang tagal ng oras ng pagtulog na hanggang sa 8.5 oras. Bilang resulta, ang mga may mas mataas na oras ng pagtulog ay naobserbahang nabawasan ang kani-kanilang kabuuang caloric intake ng humigit-kumulang 270 kcal bawat araw.
Kung ang mga epekto ay mapanatili sa loob ng mahabang panahon, ito ay katumbas ng humigit-kumulang 12 kg (26 lbs) ng pagbaba ng timbang sa loob ng tatlong taon.
“Over the years, we and others have shown that sleep restriction has an effect on appetite regulation that leads to increased food intake, and thus puts you at risk for weight gain over time,” anya ng doktor.
“More recently, the question that everyone was asking was, ‘Well, if this is what happens with sleep loss, can we extend sleep and reverse some of these adverse outcomes?”
Ang kanilang pananaliksik ay hindi lamang nag-iimbestiga sa mga epekto ng kawalan ng tulog sa kung ano ang caloric intake kundi pati na rin sa isang real-world setting. Tinitingnan nila ito nang walang manipulasyon o kontrol sa mga dietary habits ng mga kalahok. Pinahintulutan nila ang mga kalahok na:
- Matulog sa sari-sarili nilang kama.
- Subaybayan ang kanilang sariling pagtulog gamit ang kani-kanilang mga wearables devices.
- Normal na mamuhay nang walang mga paghihigpit sa pagkain o ehersisyo.
Ano ang Caloric Intake at Paano Ito Nasusubaybayan ng mga Kalahok?
Ginamit ng mga mananaliksik ang “doubly labeled water” method at mga pagbabago sa mga energy stores upang masubaybayan kung ano ang caloric intake. Sa urine-based test, umiinom ang isang tao ng tubig na mayroong mga hydrogen at oxygen atoms. Ang mga atom na ito ay may hindi gaanong karaniwan, ngunit natural occuring, stable, at nasusubaybayang isotopes.
Ang senior author ng naturang pag-aaral, si Dale A. Schoeller, PhD, Propesor Emeritus ng Nutritional Sciences sa UW–Madison, ay nagpasimuno sa paggamit ng diskarteng ito sa mga tao.
“This is considered the gold standard for objectively measuring daily energy expenditure in a non-laboratory, real-world setting,” wika ni Schoeller.
Higit pa rito, ang pagiging simple ng interbensyon ay, sa ngayon, ang pinaka-kamangha-manghang bahagi ng pag-aaral.
Ayon kay Dr. Tasali, “we simply coached each individual on good sleep hygiene, and discussed their own personal sleep environments, providing tailored advice on changes they could make to improve their sleep duration. Importantly, to blind participants to sleep intervention, recruitment materials did not mention sleep intervention, allowing us to capture true habitual sleep patterns at baseline.”
Matapos ang isa lamang counseling session, naging mabuti ang sleep duration ng mga kalahok ng higit sa isaang oras kadaa gabi. Bukod pa rito, karamihan sa kanila ay nabawasan ang calorie intake nang maayos, kasabay ng pagkain ng sing-onti ng 500 calories kada araw.