Ano ang benepisyo ng health insurance? Mahal ang magkasakit ngunit maaari mong protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya mula sa mga nakakabahalang gastos sa medikal sa pamamagitan ng health insurance.
Ang mga emerhensiyang pangkalusugan ay isa sa mga pangunahing alalahanin ng mga Pilipino. Inilarawan ng Department of Health ang kasalukuyang mataas na halaga ng mga gamot, bayarin sa ospital, at mga gastusin na may kaugnayan sa sakit bilang isa sa mga dahilan kung bakit maraming pamilya ang nababaon sa utang. Maiintindihan mo ito kung nakaranas kang maospital nang hindi mo man lamang alam kung saan kukuha ng pambayad sa iyong mga medikal na pangangailangan.
Ano ang benepisyo ng health insurance at HMO
Magkapareho ba ang benepisyong binibigay ng insurance at HMO? Magkaibang termino ngunit halos magkapareho ng layunin. Ang pangunahing tagapagbigay ng publikong health insurance sa mga Pilipino ay ang PhilHealth. At dahil ito ay pinapalakad ng pamahalaan, ang pagiging miyembro dito ay kompulsaryo para sa lahat ng empleyado pribado man o pam-publiko. Ang kontribusyon dito ay pinaghahatian ng empleyado at ng employer.
Ang private health insurance sa Pilipinas ay maaaring magbigay ng health insurance policies o ng HMO. May mga pagkakaiba sa pagitan ng health insurance at HMO tulad ng sumusunod:
- Lawak ng network ng mga tagapagbigay ng medikal na serbisyo
- Flexibility ng coverage
- Buwanang kabayaran
- Mga kondisyon ng kontrata
Ang ang benepisyo ng health insurance companies
Kumpara sa HMO, mas malawak ang network ng mga private insurance na kompanya. Ngunit mas mahal naman ang mga health insurance policies na iyong babayaran kumpara sa HMO. Kadalasan ay boluntaryong binabayaran ang health insurance policy ngunit may mga kumpanya namang nagbibigay ng benepisyong ito sa kanilang mga empleyado.
Ano ang benepisyo ng health insurance kung napakataas naman ng presyo nito? Maaari mong maisama sa iyong policy ang iyong pamilya sa karagdagang halaga. May mga health insurance na nagbibigay ng tulong pinansyal pag nawalan ka ng pagkakakitaan dahil sa aksidente o sakit. Ilan sa mga kilalang health insurance companies sa bansa ay:
- Sun Life
- AXA
- Prudential Life
- Manulife
Benepisyo ng HMOs
Ano ang benepisyo ng health insurance sa pinansyal na seguridad
Kapag pinag-uusapan kung ano ang mga benepisyo ng health insurance, hindi dapat kalimutan ang isa pang klase nito, ang HMO. Ang mga empleyado na bahagi ng isang HMO plan sa pamamagitan ng kanilang mga employer ay maaaring magkaroon ng pinansyal na seguridad sa mahabang panahon. Mas makakatipid ang empleyado sa bayarang medikal dahil hindi kailangan kumuha ng mabigat na bayad mula sa kanilang sariling mga bulsa. Karamihan sa mga medikal na pamamaraan, tulong na pang-emerhensiya, at maging ang hospitalization ay sakop ng HMO.
Mas mababa na monthly premiums at out-of-pocket na gastusin
Ang HMO ay naniningil ng nakapirming buwanang bayad upang ang mga miyembro nito ay makatanggap ng pangangalagang pangkalusugan. Mas mababa ang monthly premiums ng HMO kumpara sa karamihan ng insurance policies. Kokonti rin at kung minsan ay wala pang gastusin na galing sa sariling bulsa.
Prepaid Health Cards
May mga HMOs na may abot-kayang prepaid health cards para sa mga hindi gaanong mataas ang buwanang kinikita. Tulad din ito ng konsepto ng tingi king saan may mas murang opsyon kapag hindi mo kayang bayaran ang buong plano ng biglaan. Maaari kang magbayad ng humigit-kumulang P100 hanggang P5,000 para sa isang HMO coverage sa isang taon.
Magandang estratehiya upang mapanatili ang mga empleyado
Maraming mga empleyado sa ngayon ang lubos na mulat sa mga pambihirang benepisyong makukuha sa pagtatrabaho kabilang na ang HMO. Para sa karamihan, ito pa nga ang nagiging batayan ng kanilang desisyon kung saan magtatrabaho. Magiging mas competitive ang isang kumpanya na nag-aalok ng ganitong benepisyo dahil maaakit nito at mapapanatili ang pinakamahusay na mga empleyado.
Ang Philhealth, HMO, at health insurance ay may kanya-kanyang natatanging benepisyo at maaari pang umakma sa isa’t isa. Lahat ng mga ito ay makakatulong sa iyo laban sa stress na dulot ng mga gastusing medikal.












