backup og meta

Alamin: Posibleng Sanhi ng Stomach Cramps

Alamin: Posibleng Sanhi ng Stomach Cramps

Ang sanhi ng stomach cramps ay maaaring iba’t iba sa bawat tao. Ito ay lalo na dahil ginagamit ng mga tao ang salitang stomach cramps para tukuyin ang pananakit ng tiyan sa pangkalahatan.

Kadalasang hindi senyales ng anumang bagay ang stomach cramps. Ngunit makabubuting ipasuri ito, lalo na kung paulit-ulit ang problema. Basahin dito ang iba pang posibleng sanhi ng stomach cramps, at kung kailan ka dapat mag-alala.

Ano ang posibleng sanhi ng stomach cramps?

Ang stomach cramps ay kadalasang ginagamit ng mga tao para ilarawan pangkalahatang sakit o discomfort sa kanilang tiyan. Gayunpaman, ang “tunay” na mga cramp ng tiyan ay nakakaapekto sa muscles ng tiyan. At kadalasang napagkakamalan ito ng mga tao para sa kahit anong pananakit ng tiyan na kanilang nararamdaman.

Nangangahulugan ito na kapag sinabi ng isang tao na may stomach cramps sila, hindi ito simpleng indigestion o sakit ng tiyan. Kung minsan, maaari itong mas malubhang sakit, o maaaring masyadong napabilis lang ang pagkain ng marami. 

Narito ang ilang karaniwang kondisyon na maaaring maging sanhi ng stomach cramps:

IBS o irritable bowel syndrome

Ang irritable bowel syndrome o IBS ay maaaring isang sanhi ng stomach cramps.

Ang IBS ay maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng muscle cramps, pananakit ng tiyan, gas, bloating, diarrhea, at maging constipation. Lahat ng ito ay maaaring maging sanhi ng discomfort at pananakit ng tiyan. Ito ang kadalasang tinatawag ng marami na stomach cramps. 

Ang pinakamainam na paraan upang harapin ito ay ang pagiging maingat sa pagkain na iyong kinakain. Maaari mong mapansin na karaniwang lumalabas ang mga sintomas na ito kapag kumakain o umiinom ka ng ilang uri ng pagkain at inumin.  

Paano makokontrol ang mga sintomas ng IBS? Ito ay sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagkaing nagti–trigger nito, pagkain ng mas kaunti nito.

Food poisoning 

Ang pagkalason sa pagkain ay isa pang posibleng dahilan ng pananakit ng tiyan. Kapag kumain ka ng pagkain na may mga lason o nakakapinsalang bakterya, nagsisimula itong makairita sa lining ng iyong tiyan.

Bukod sa cramps, ang food poisoning ay maaaring magdulot ng pagtatae, lagnat, pagduduwal, at pagsusuka. Ang pagkalason sa pagkain ay kadalasang nawawala pagkatapos ng isang linggo o higit pa. Ngunit kung nararamdaman mong lumalala ang mga sintomas, o kung hindi ka gumagaling, pinakamahusay na bisitahin ang iyong doktor.

Gastroenteritis 

Ang gastroenteritis ay ang pamamaga na dulot ng mga parasito, bakterya, o virus sa tiyan. Isa rin ito sa mga pinakakaraniwang sanhi ng stomach cramps.

Karamihan sa mga kaso ng gastroenteritis ay sanhi ng impeksyon ng norovirus na nagmumula sa kontaminadong pagkain o inumin.

Karaniwang hindi nangangailangan ng anumang paggamot ang gastroenteritis. At ang mga  pasyente ay maaaring gumaling sa loob ng ilang araw. Gayunpaman, may panganib pa ring ma-dehydrate dahil sa pagtatae at pagsusuka, kaya kung magpapatuloy ang mga sintomas, huwag mag-atubiling pumunta sa ospital.

Pagkain ng sobra at masyadong mabilis

Panghuli, ang pagkain ng masyadong marami at mabilis ay isa pang sanhi ng stomach cramps. Ang mga tao ay maaaring makaranas ng discomfort at sakit mula sa sobrang pagkain, at masyadong mabilis. Ito ay dahil ang tiyan ay napipilitang mabanat nang higit sa normal nitong kapasidad.

Nagdudulot ito ng pananakit at discomfort, bukod pa sa ibang mga sintomas tulad ng indigestion at acid reflux.

Ang pinakamahusay na paraan upang harapin ito ay ang pagnguya ng iyong pagkain nang dahan-dahan, at huwag kumain ng masyadong maraming pagkain. Sa ganitong paraan, kayang tanggapin ng iyong tiyan ang lahat ng pagkain na iyong kinakain, at maaari rin nitong matunaw nang maayos.     

Key Takeaways

Karaniwan, ang stomach cramps ay hindi dapat maging seryosong dahilan ng pag-aalala. Gayunpaman, kung madalas kang makaranas ng stomach cramps, o hindi makayanan ang sakit, mabuting magpatingin sa iyong doktor.
Maaaring hindi malamang, ngunit posible na ang paulit-ulit na pag-cramp ng tiyan ay maaaring maging tanda ng isang mas malubhang sakit. Ang pagpapatingin nito nang mas maaga ay maaaring makatulong na mabawasan ang panganib ng malubhang komplikasyon. At matiyak na magkaroon ng treatment na kailangan mo sa lalong madaling panahon

Matuto nang higit pa tungkol sa Stomach Ulcers dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Food Poisoning Symptoms | CDC, https://www.cdc.gov/foodsafety/symptoms.html, Accessed March 11, 2021

Stomach ache – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/stomach-ache/, Accessed March 11, 2021

Peptic ulcer – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/peptic-ulcer/symptoms-causes/syc-20354223, Accessed March 11, 2021

Stomach ache and abdominal pain | nidirect, https://www.nidirect.gov.uk/conditions/stomach-ache-and-abdominal-pain, Accessed March 11, 2021

Abdominal Pain | Causes, Symptoms and Treatment of Gut and Stomach Pain | Patient, https://patient.info/signs-symptoms/abdominal-pain-leaflet, Accessed March 11, 2021

Kasalukuyang Version

02/02/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement