Isa ang pagtatae sa mga kondisyon na maaaring magdulot ng maraming problemang pangkalusugan. Ito’y dahil pwede kang makaranas nang mas madalas at matubig na pagdumi kumpara sa karaniwan. Kapag lumala ang iyong pagtatae maaari itong humantong sa “fluid loss” at electrolytes ng iyong katawan, na maaaring magdulot ng dehydration, electrolyte imbalances, at iba pang mga komplikasyon.
Dagdag pa rito, ayon din sa mga pag-aaral ang dehydration ang isa sa pinakaraniwang problemang nauugnay sa pagtatae, partikular sa mga bata at matatanda. Sapagkat sa oras na nakakaranas ka ng pagtatae, ang iyong katawan ay nawawalan ng mas maraming fluid kaysa karaniwan, na maaaring humantong sa dehydration.
Pwede ka rin makaranas ng electrolyte imbalances sa pagtatae, dahil ang ating katawan ay nawawalan ng mahahalagang mineral gaya ng sodium, potassium, at magnesium sa pamamagitan ng pagdumi. Maaari itong magdulot ng iba’t ibang sintomas depende sa kalubhaan imbalance, gaya ng panghihina, hindi regular na tibok ng puso, pagkalito, at seizures.
Ang pagtatae rin ay maaaring magdulot rin ng mga kakulangan sa nutrisyon kung ito ay magpapatuloy sa mahabang panahon. Ito ay dahil ang ating katawan ay maaaring hindi ma-absorb ng maayos ang mga sustansya mula sa pagkain na kinakain kapag nagtatae.
Ang mga nabanggit na posibleng epekto ng kondisyon na ito, ang ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit mahalaga na malaman mo ang sanhi ng pabalik-balik na pagtatae. Malaki ang maitutulong nang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa kondisyon ito upang ay maagapan ang anumang medikal na problema na mayroon sa ating katawan.
Kaya naman patuloy na basahin ang article na ito, para malaman ang dahilan kung bakit nakakaranas ang tao ng pabalik-balik na pagtatae.
7 Dahilan Bakit Mayroon Kang Pabalik-balik Na Pagtatae
Ang paulit-ulit na pagtatae ay maaaring magkaroon ng maraming posibleng dahilan, ang ilan ay kinabibilangan ng:
- Mga Impeksyon
Ang ilang uri ng impeksyon, tulad ng viral, bacterial, o parasitic infection ay maaaring magdulot ng pabalik-balik na pagtatae. Ito’y dahil ang ilang mga impeksyon ay makasira ng lining ng bituka, na humahantong sa pamamaga at pagkawala ng tubig at electrolytes sa katawan. Kung saan maaaring maging sanhi ito matubig na dumi, na maaaring magpatuloy kahit na matapos ang impeksyon.
- Food intolerances
May mga tao na nakakaranas ng pabalik-balik na pagtatae dahil sa pagiging sensitibo o pagkakaroon nila ng tolerance sa ilang uri ng pagkain o food additives. Dahil kapag ang isang tao ay kumonsumo ng pagkain na intolerant, ang kanilang katawan ay maaaring makagawa ng isang masamang reaksyon dito. Ang isa sa mga pinakakaraniwang reaksyon ay ang pagtatae, na nangyayari kapag ang immune system ng katawan ay tumutugon sa pagkain sa pamamagitan ng paglalabas ng mga kemikal na nagdudulot ng pamamaga at pangangati sa digestive tract.
- Irritable bowel syndrome (IBS)
Isa ang IBS sa pangkaraniwan na digestive disorder na maaaring magdulot ng paulit-ulit na pagtatae, gayundin ng iba pang sintomas tulad ng pananakit ng tiyan, pagdurugo, at paninigas ng dumi.
- Inflammatory bowel disease (IBD)
Ang IBD ay isang chronic inflammatory condition na nakakaapekto sa digestive tract. Kasama sa mga uri ng IBD ang Crohn’s disease at ulcerative colitis, na maaaring maging sanhi ng paulit-ulit na pagtatae.
- Mga pagbabago sa hormones
Ayon sa mga pag-aaral at doktor, ang mga kababaihan ay maaaring makaranas ng pabalik-balik na pagtatae sa panahon ng kanilang regla dahil sa mga pagbabago sa kanilang hormones. Maaari ito’y dahil ang prostaglandins, na hormone-like substances na ginagawa ng lining ng matris ay sanhi ng “contract” ng matris upang malaglag ang lining nito. Kung saan ang prostaglandins ay pwede ring makaapekto sa digestive system, na humahantong sa mga pagbabago sa pagdumi, kabilang ang pagtatae.
- Mga gamot
Ang ilang mga gamot o supplements ay maaaring maging sanhi ng pagtatae bilang isang side effect, lalo na kung iniinom ang mga gamot sa pamamagitan ng mataas na dosis o sa loob ng mahabang panahon.
- Iba pang kondisyong medikal
Huwag mo ring kakalimutan na ang ilang partikular na kondisyong medikal gaya ng celiac disease, lactose intolerance, o pancreatic insufficiency ay maaaring magdulot ng paulit-ulit na pagtatae.
Payo ng mga doktor
Kung nakakaranas ka ng pabalik-balik na pagtatae, mahalagang makipag-usap sa iyong doktor upang matukoy ang pinagbabatayan ng sanhi at makatanggap ng naaangkop na paggamot. Dahil ang pagtatae ay maaari ring maging sintomas ng isang pinagbabatayan na kondisyon tulad ng impeksyon, inflammatory bowel disease, food intolerance, at iba pa. Kaya’t mahalagang magpatingin sa isang healthcare provider para sa diagnosis.