backup og meta

Mga Treatment At Gamot Para Sa Pagduduwal

Mga Treatment At Gamot Para Sa Pagduduwal

Karaniwan lamang makaranas ng pagduduwal at pagkakaroon ng sakit sa tuwing may problema sa gastrointestinal. Subalit ang pagduduwala ay maaari ding mangyari bilang senyales ng sakit. Paano gamutin ang pagduduwal? Alamin sa artikulong ito.

Ano Ang Tiyak Na Kahulugan Ng Pagduduwal?

Ang pagduduwal at pagsusuka ay dalawang salitang ginagamit upang ilarawan ang karaniwang sintomas na nararanasan sa iba’t ibang mga kaso. May napakaliit na pagkakaiba ang dalawang ito bagama’t madalas na napagpapalit.

Tumutukoy ang pagduduwal sa hindi mabuting pakiramdam na nararanasan sa likod na bahagi ng lalamunan at tiyan. Ito ay kadalasang nagreresulta sa pagsusuka. May ilang tinutukoy ang pagduduwal bilang “nakahihilo, pagsakit ng tiyan.”

Sa kabilang banda, ang pagsusuka ay nangyayari kung ang laman ng tiyan ay umaakyat sa daanan ng pagkain (gullet o esophagus) at lumalabas sa openings tulad ng bibig o ilong. Ang utak at iba pang bahaging nasa tiyan ay nagtutulungan upang makontrol ang pagduduwal at pagsusuka.

Bukod sa karaniwang problema sa gastrointestinal, ang pagduduwal at pagsusuka ay side effects din sa mga sumasailalim sa mga gamutan sa cancer.

May iba’t ibang mga gamot at paraan kung paano gamutin ang pagduduwal. Ang dapat tandaan ay hindi ito isang sakit. Ito ay isang sintomas na maaaring maranasan nang mayroon o walang katumbas na pagsusuka.

Mga Sanhi Ng Pagduduwal At Pagsusuka

Bago malaman kung paano gamutin ang pagduduwal, mahalagang malaman kung ano ang mga sanhi nito. Dahil ang pagduduwal at pagsusuka ay nangyayari nang magkasabay, ang sanhi ng mga ito ay halos magkapareho. Ang mga sumusunod ay ang mga posibleng sanhi:

  • Pagkahilo
  • Morning sickness (dulot ng pagbubuntis)
  • Pagkabalisa (takot o emosyonal na stress)
  • Migraine
  • Sakit sa apdo
  • Gastroenteritis
  • Appendicitis
  • Labyrinthitis at iba pang mga problema sa loob ng tainga
  • Encephalitis
  • Meningitis
  • Hindi pagkatunaw ng kinain
  • Pagkalason sa pagkain
  • Dehydration
  • Pagtatae
  • Pagkaharang sa bituka
  • Pagkaalog
  • Tumor sa utak
  • Mga gamutan sa cancer o pag-inom ng ibang mga gamot
  • Labis na pag-inom ng alak
  • Pagkalantad sa mga kemikal o ibang nakalalasong substances
  • Ibang viruses at mga impeksyon (tulad ng COVID-19)

Paano Gamutin Ang Pagduduwal?

Ang pagduduwal, maging ang pagsusuka, ay maaaring iba-iba sa bawat tao. Maaaring nauulit itong maranasan ng iba, habang ang iba naman ay isang beses lamang.

Narito aang iba’t ibang gamutan kung paano gamutin ang pagduduwal, depende sa sanhi.

Mga Gamot

Para sa mga nahihirapan sa tuwing sumasakit ang tiyan at nagsusuka, maaaring magreseta ang doktor ng mga gamot tulad ng mga laban sa pagduduwal/pagsusuka, o anti-emetics.

Ang karaniwang gamitin gamot dito sa Pilipinas ay ang  Metoclopramide (generic name) o Plasil (brand name). Ang pagsasama ng dalawang gamot laban sa pagduduwal ay maaari ding isaalang-alang.

Bukod sa mga gamot, mayroon ding maraming paraan kung paano gamutin ang pagduduwal tulad ng mga sumusunod:

Regular Na Pagkain

Hindi na bagong malaman na ang pagkain ay may malaking epekto sa mga problema sa digestive. Bukod sa pagkain ng balanseng diet, maaari ding magkaroon ng regular na meryenda sa buong araw. May ilang maaaring kailangan ng mga matatabang pagkain, tulad ng crackers. Iwasan ang pagkain ng mga prito, maaanghang, matatamis, o maging maaasim na pagkain upang maiwasan ang reaksyon mula sa gastric absorption. Maaari ding sabayan ang pagkain ng kanin at meryenda ng tubig para sa hydration.

Ang mga pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy ay dapat ding isaalang-alang ang pagkain ng meryenda bago sumailalim sa gamutan.

Mga Paraan Ng Pagrerelaks

Ang breathing exercises, meditation, at iba pang progresibong paraan sa pagpaparelaks ng muscle ay maaaring makatulong upang maiwasan ang pagduduwal at pasusuka.

Acupressure o Acupuncture

Ang acupuncture ay isang tradisyon na paggamot mula sa China. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagtusok ng mga maninipis na karayom sa balat. Sa kabilang banda, ang proseso ng acupressure ay gumagamit ng pressure sa halip na mga karayom.

Alternatibong Therapy

Ang music therapists ay maaaring gumamit ng iba’it ibang mga paraan para sa bawat indibidwal, batay sa kanilang pangangailangan. May ilang ebidensyang nagsasabi na ang therapy sa pamamagitan ng kanta, kapag sinamahan ng medikal na gamutan, ay maaaring makatulong upang maibsan ang mga problema sa pagduduwal at pagsusuka na dulot ng chemotherapy.

Key Takeaways

Karamihan sa mga tao ay hindi pinapansin ang pagkahilo dulot ng pagduduwal at ang pagsusuka. Ito ay dahil sa kanilang palagay, sanhi ito ng bagay na kanilang kinain. Gayunpaman, minsan, maaaring higit pa rito ang dahilan nito.
Kung patuloy na nararanasan ang mga sintomas ng pagduduwal at pagsusuka, kumonsulta sa iyong doktor tungkol dito. May iba’t ibang mga gamot at paraan kung paano gamutin ang pagduduwal.

Matuto pa tungkol sa Kalusugang Disgestive dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Managing Nausea and Vomiting at Home, https://www.cancer.org/treatment/treatments-and-side-effects/physical-side-effects/nausea-and-vomiting/managing.html, Accessed October 12, 2021

Medicines Used to Treat Nausea and Vomiting, https://www.cancer.org/treatment/treatments-and-side-effects/physical-side-effects/nausea-and-vomiting/medicines.html, Accessed October 12, 2021

Nausea, https://www.healthdirect.gov.au/nausea, Accessed October 12, 2021

Nausea & Vomiting, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/8106-nausea–vomiting, Accessed October 12, 2021

Nausea and Vomiting, https://patient.info/digestive-health/nausea-and-vomiting, Accessed October 12, 2021

Getting Help for Nausea and Vomiting – Fact Sheet, https://www.cancer.org/content/dam/cancer-org/cancer-control/en/booklets-flyers/getting-help-for-nausea-and-vomiting-english.pdf, Accessed October 12, 2021

Kasalukuyang Version

02/21/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Ann Guevarra MD, OB-GYN Diplomate, POGS

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Bakit Ka Nakakaranas Ng Pabalik-balik Na Pagtatae? Alamin Dito!

7 Dahilan Ng Pagsusuka Ng Bata Na Dapat Malaman Ng Magulang!


Narebyung medikal ni

Ann Guevarra MD, OB-GYN Diplomate, POGS

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement