Ang inflammatory bowel disease ay isang terminong ginagamit para sa colitis at Crohn’s disease. Sa kabila ng maraming pagkakapareho, may ilang mga pagkakaiba dalawang sakit na ito. Bago isa-isahin ang mga pinagkaiba ng ulcerative colitis at Crohn’s disease, alamin muna natin ang inflammatory bowel disease.
Ano Ang Inflammatory Bowel Disease?
Ginagamit bilang pangkalahatang termino ang inflammatory bowel disease o IBD sa paglalarawan sa mga sakit na sanhi ng pamamaga sa bituka ng isang tao. Ang dalawang uri ng IBD ay:
- Ulcerative colitis
- Crohn’s disease
Karaniwang naaapektuhan ng IBD ang mga taong nasa edad 15 hanggang 40. Subalit maging ang mga mas matatanda ay maaaring magkaroon ng kondisyong ito.
Isa sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa IBD ay ito ay sakit na nagiging sanhi ng malubhang pamamaga sa bituka ng isang tao. Nangangahulugan itong ang sakit na ito ay hindi nawawala nang kusa at maaaring lumubha paglipas ng panahon.
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga taong may IBD na sumailalim sa gamutan upang maiwasan ang anumang mga komplikasyon.
Ulcerative Colitis vs Crohn’s Disease
Ngayong mayroon na tayong ideya kung ano ang inflammatory bowel disease, alamin naman natin ang dalawang uri nito — ulcerative colitis at Crohn’s disease.
Ano Ang Ulcerative Colitis?
Ang ulcerative colitis ay isang kondisyong nagiging sanhi ng pangmatagalang pananakit at maging pamamaga sa digestive tract ng isang tao. Sa ganitong uri ng sakit, nagkakaroon ng ulcer sa lining ng bituka, at maaaring maging sanhi ng pagdurugo o maging pagprodyus ng nana.
Bilang resulta, ang mga taong may ulcerative colitis ay maaaring makaranas ng pagtatae, pananakit ng tiyan, at palagiang pagpunta sa banyo.
Posible rin na ang mga taong may ganitong sakit na makaranas ng pagkapagod, biglang pagbaba ng timbang, at kawalan ng gana kumain.
Narito ang ilan sa mga posibleng sintomas ng ulcerative colitis:
- Pagtatae
- Pananakit ng tumbong
- Pananakit ng tiyan
- Palaging paggamit ng banyo
- Lagnat
- Pagkapagod
- Pagdurugo ng tumbong
- Kahirapang dumumi
Ang ulcerative colitis ay minsan maaaring maging sanhi ng malubhang pananakit. Ito rin ay maaaring maging banta sa buhay kung hindi magagamot. Sa kasalukuyan, wala pang nalalamang lunas para sa ulcerative colitis. Ngunit ito ay maaaring makontrol sa pamamagitan ng mga gamot at espesyal na diet.
Mabuti na lamang na karamihan sa mga taong may ulcerative colitis ay nakararanas lamang ng hindi gaanong malubha hanggang katamtamang mga sintomas. Ang sakit na ito ay maaari ding mawala sa loob ng mahabang panahon nang hindi nawawala ang mga sintomas.
Mahalaga rin sa mga pasyenteng may ulcerative colitis na magsagawa ng mga mahahalagang hakbang upang makontrol ang kanilang kondisyon.
Anu-Ano Ang Mga Sanhi Nito?
Pinaniniwalaan na ang ulcerative colitis ay sanhi ng autoimmune na kondisyon. Ibig sabihin, sa halip na atakihin ng immune system ang mga mapapanganib na invaders, inaatake nito ang malulusog na cells na maaaring maging sanhi ng sakit. Sa mga ganitong kaso, nagiging sanhi ito ng ulcers na karaniwang may kaugnayan sa ulcerative colitis.
Isang posibleng teorya ay ang immune system ay nagkakamali sa pagtukoy ng mabuting bakterya bilang masamang bakterya at sinusubukang atakihin ang mga ito. Gayunpaman, walang ideya ang mga siyentista kung bakit nangyari ito.
Ano Ang Crohn’s Disease?
Ang Crohn’s disease, katulad ng ulcerative colitis, ay isang kondisyong nagiging sanhi ng pamamaga sa bituka ng isang tao. Naapektuhan nito ang iba’t ibang bahagi ng digestive tract. Kaya naman, ang mga sintomas at kalubhaan ng Crohn’s disease ay maaaring lubhang magkakaiba sa bawat tao.
Nagiging sanhi ng pamamaga sa malalim na bahagi ng bowel’s tissue ang ang Crohn’s disease. Ito ay nagreresulta sa matinding pananakit. Posible rin na ang isang taong may Crohn’s disease na magkaroon ng mga malulubhang komplikasyon kung hindi magagamot.
Narito ang ilan sa mga posibleng sintomas ng Crohn’s disease:
- Pagtatae
- Pananakit at pagkirot ng tiyan
- Pagkakaroon ng dugo sa dumi
- Pagkapagod
- Pangangayayat
Sa kasalukuyan, wala pang lunas sa Crohn’s disease. Subalit tulad ng ulcerative colitis, ito ay maaaring makontrol sa pamamagitan ng paggagamot at angkop na diet.
Anu-Ano Ang Mga Sanhi Nito?
Tulad ng ulcerative colitis, ang tiyak na sanhi ng Crohn’s disease ay hindi pa natutukoy.
Gayunpaman, pinaniniwalaan ng mga siyentista na ang Crohn’s disease ay maaari ding isang autoimmune disease. Ang isa pang anggulo na tinitingnan ng mga siyentista ay tulad ng ulcerative colitis, ito ay maaari ding isang autoimmune disorder.
Posible ring ito ay resulta ng pagbabago sa bakterya ng bituka, o ito ay nagmula rin sa naunang sakit sa tiyan.
Ano Ang Pinagkaiba Ng Ulcerative Colitis At Crohn’s Disease?
Maraming pagkakapareho ang dalawang sakit na ito, ngunit mayroon ding ilang pagkakaiba ang ulcerative ulcerative colitis at Crohn’s disease.
Narito ang ilan sa mga pinagkaiba ng ulcerative colitis at crohn’s disease:
- Unang-unang naapektuhan ng colitis ang colon, ngunit ang Crohn’s disease ay maaaring mangyari saanman, mula sa bibig hanggang sa butas ng puwit.
- Naaapektuhan ng Crohn’s disease ang lahat ng layers ng wall ng tiyan, habang ang ulcerative colitis ay nakaaapekto lamang sa panloob na mga layer.
- Bilang panghuli, naaapektuhan ng Crohn’s disease ang iba’t ibang mga bahagi ng tiyan. Ibig sabihin, maaaring ang ilang bahagi ay maaaring manatiling malusog, habang ang iba ay namamaga. Sa kabilang banda, ang ulcerative colitis ay nakaaapekto sa buong colon.

Paano Magagamot Ang Mga Sakit Na Ito?
Sa usapin ng paggamot sa IBD, ang susi upang makontrol ang kondisyon ay ang pagpigil na lumubha ito. Maliban pa rito, mahalaga ring maibsan ang sakit at mapigil itong lumubha.
Karaniwang ibinibigay ng mga doktor ang mga sumusunod na pamamaraan ng paggamot ng mga pasyenteng may IBD:
- Kadalasang inirereseta ng mga doktor ang corticosteroids at anti-inflammatory na gamot para sa IBD.
- Maaari ding uminom ang mga pasyente ng mga immune system suppressors kung ang kanilang kondisyon ay autoimmune disease.
- Ang antibiotics ay maaari ireseta kung may tyansa ng pagkakaroon ng impeksyon.
- Sa mga malulubhang kaso, maaaring imungkahi ng doktor na sumailalim ang pasyente sa operasyon. Gayunpaman, ang operasyon ay hindi lunas sa IBD.
- Iminumungkahi rin ng mga doktor ang mahigpit na diet upang makatulong na maiwasan ang flare ups at mapahupa ang pamamaga.
Matuto pa tungkol sa Digestive Health dito.